CHAPTER 47

746K 25.1K 8K
                                    

CHAPTER 47

WALANG IMIK SI LUCKY habang ginagamot ni Blaze ang sugat ni Blake na dumugo. Wala pa rin itong malay. 'Buti na lang sinalubong sila ni Blaze sa labas ng ospital at may dala itong stretcher.

And Blaze hadn't spoken to her ever since.

Sanay siyang palabiro si Blaze, na palagi siyang inaasar, pero hindi nga siya nito tinapunan ng tingin mula pa kanina.

"Blaze..." kuha niya sa atensiyon nito sa malumanay niyang boses.

Napatigil ito sa ginagawang paggamot kay Blake pero agad ding bumalik na parang walang narinig.

Napatitig si Lucky sa mukha ni Blaze. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Takot, pagkabahala at hiya. Parang gusto niyang matunaw sa kinauupuan dahil sa pambabale-wala sa kanya ni Blaze.

She deserved it though. She deserved every hostility she would receive from the Vitale Family.

But she had to suck it up, be brave, face them, explain, apologize and wait for the verdict. However painful it would be.

"Blaze..." She took a deep breath while staring at Blaze who was still busy mending Blake's wound. "I'm sorry... alam kong galit ka sa 'kin. Alam kong kahit hindi mo sabihin sa 'kin, naghihintay ka sa paliwanag ko, kung bakit ko ginawa ang ginawa ko, pero ang totoo niyan, wala akong maibibigay sa 'yo. If I explain my side, then it will just be an excuse and there's no excuse to what I did. Kasalanan ko talaga. Totoo ang nalaman mo, iniwan ko talaga ang mommy n'yo and my age is not an excuse to what I did. There is none. I escaped, promising your mother that I will go to the cops or to your house, but I didn't. I was so scared that day. They just finished hurting me because I wouldn't call him dad.

"All I could think about was to escape and go back to my old life, where I have a loving Mommy La and Daddy Lo. So I left the mansion, without looking back. But the car I was in suffered an accident. The next thing I know, I was in the hospital and when I saw my grandparents, I forgot everything. I don't know why. Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko ang pangako ko sa mommy mo.

"Siguro dahil nananalaytay sa 'kin ang dugo ng isang masamang tao kaya masama rin ako. Siguro ang nasa isip ko noon ay ang makaligtas ako kaya naging makasarili ako. And I have forgotten everything, and I am to blame. I was sixteen, no, nearly sixteen, I already have a mind and I'm old enough to be responsible. Kaya tama ka, kasalanan ko talaga kung bakit nangyari ang lahat ng 'to. Kasalanan ko kung bakit naghirap kayo. Kasalanan ko. And all I could say is I'm sorry. Hindi ako umaasa na mapapatawad mo ako, na babalik tayo sa dati. I'm just so sorry that I caused you so much pain and suffering.

"Alam kong gusto mong marinig mula sa 'kin na hindi ko sinasadyang gawin 'yon pero baliktarin man natin ang mundo, kasalanan ko sinadya ko man o hindi. That's why I'm so sorry, please, forgive me."

Tinapos ni Blaze ang paggagamot sa sugat ni Blake, kapagkuwan ay tumayo at naglakad patungo sa pinto. Akmang lalabas na nang magsalita ito. "They say that brain sometimes suppressed traumatic experience that's why people forget some of the most painful and horrifying memories. Bakit hindi 'yon ang rason na ibinigay mo sa 'kin?"

Lucky looked at Blake. "Then it will be an excuse."

"Hmm..." 'Yon lang ang sinabi ni Blaze bago ito lumabas ng kuwarto ni Blake.

Si Lucky naman ay hinayaang malaglag ang luha sa mga mata niya na kanina pa niya pinipigilan.

She should not cry in front of the Vitale Family. Ayaw niyang isipin ng mga ito na nagpapaawa siya. She was here to say sorry and ask for forgiveness, not their pity.

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon