CHAPTER 44
BLAKE LOOKED AT THE ALTAR in front of him and then his eyes roamed around the church decors. Lahat ng disenyo ay naayon sa gusto niya at pinili niya para kay Lucky. Para sa kasal nila ni Lucky. Lahat ng mga iyon ay para sa babaeng mahal niya... para sa babaeng mahal niya na pinira-piraso siya.
The person who piece my broken soul together is the reason why I was broken.
Ito ang dahilan kung bakit siya nahirapan at nasaktan, kung bakit nangyari ang mga 'yon sa kanyang ina.
His blood was boiling with rage. His mind was demanding for an explanation, but Lucky hadn't arrived yet.
Nagtagis ang mga bagang niya habang nakatingin sa pinto ng simbahan.
He needed to hear her explanation. Kailangan niyang marinig mula rito kung bakit ginawa nito iyon sa kanyang ina. Malapit na siyang sumabog, tinitimpi lang niya ang galit na nararamdaman dahil naniniwala siyang hindi magagawa ni Lucky ang ibinibintang dito ni Knight.
He didn't want to believe Knight. No, he needed to believe that Knight was lying because if he wasn't... he already know what he'd do. And it would be very unfair to his family.
Those sleepless night, his nightmares every day and the pain he suffered for eleven years could have been avoided if Lucky... if Lucky ...
Hindi niya kayang ituloy. Hindi pa rin siya naniniwala hangga't hindi iyon nanggagaling sa mismong bibig ni Lucky. Kahit pa siguro ang kanyang ina ang magsabi, hindi siya maniniwala.
Lucky had a gentle soul. Nice, sweet and kind. Hindi nito kayang gawin kung ano man ang ibinibintang ni Knight sa babae. Lucky was incapable of doing that to someone.
She can't... she couldn't...
"Blake."
Natigilan siya habang nagtatagis ang mga bagang. "What?"
"We need to talk."
Lalong tumiim ang mga bagang niya. "Wala tayong dapat pag-usapan."
"Oh, really?" May sarkasmo sa boses ng kakambal. "What about Lucky? Hindi mo ako puwedeng iwasan—"
"Of course, I can do that." Humarap siya kay Blaze at malamig na tumingin sa mga mata nito. "Ano ba'ng gusto mong marinig mula sa 'kin? Na iiwan ko si Lucky? Na hindi ako dapat sumipot sa kasal namin—"
"No—"
"Then what?!" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses na ikinatingin sa kanya ng mga kaibigan nila pero wala siyang pakialam. "What do you want from me, Blaze?"
"Let's think this through—"
"No." Umiling siya at kumuyom ang kamay. "I don't want to think, Blaze. Dahil kapag nag-iisip ako kung ano-ano'ng pumapasok sa isip ko. Hindi kayang gawin ni Lucky ang mga ibinibintang sa kanya ni Knight. Lucky is a gentle soul. She's an amazing woman and I'm not losing her, Blaze... I'm not..."
Pity was in Blaze's eyes as he looked at him. "Blakey, Kakambal kita, alam ko kung ano'ng laman niyang isip mo. You're pushing away the thought that maybe Lucky did leave Mom behind—"
"No." Marahas siyang umiling. "No... hindi niya magagawa 'yon. Lucky is not like that. Knight is lying—"
"What if Knight isn't lying and Lucky did leave Mom behind?" tanong ng kakambal, saka humakbang ito palapit sa kanya. "Paano kung totoo ang sinabi ni Knight? Ano'ng gagawin mo? Paano kung iniwan nga talaga niya si Mommy? Kaya mo ba? Kaya mo bang pakisamahan ang babaeng may kagagawan n'on sa ina natin? Kaya mo bang bale-walain lahat para makasama siya?"
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...