CHAPTER 46
HINAPLOS NI LUCKY ang mga pasa niya sa braso pababa sa pupulsuhan niya. Hindi lang 'yon ang pasa na mayroon siya, halos buong katawan niya mayroon dahil sa pananakit sa kanya ng halimaw na 'yon. Pero unti-unti na 'yong nawawala sa paglipas ng mga araw.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang kagat ang mga labi nang pumasok na naman sa isip niya ang pagpunit ng lalaking 'yon sa damit niya at ang pagnanasang nakita niya sa mga mata nito.
The man named Leo tried touching her but she fought him until he punched her in the stomach, rendering her unconscious. Sabi ng doktor wala naman daw ginawang masama sa kanya maliban sa pambubugbog sa kanya.
Nang magising siya, nakilala niya ang kaibigan ni Blake na si Ymar Stroam. Ito ang nagbalita sa kanya sa mga nangyari habang wala siyang malay.
Blake came to save her. After what she did to his family, he still came to rescue her. And he was shot because of her. Ipinasok ito sa operating room para alisin ang bala at ngayon ay nasa ICU ito dahil nagkaroon ng komplikasyon.
Tatlong araw na si Blake sa ICU pero hindi pa rin daw nagigising sabi ng Mommy La niya na siyang bumisita rito. Panay ang dasal niya na sana siya na lang ang mawala, huwag lang si Blake. She deserved it anyway. She hurt a lot of people, including the only man she ever loved.
Blaze was right. It was her fault.
And she couldn't face him because she was ashamed of what she did. So she left the hospital and went home to her grandmother's house. Kung saan siya nagkulong sa dati niyang kuwarto.
Mabilis niyang tinuyo ang luha na nalaglag sa pisngi niya nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Kapagkuwan ay kinagat niya ang nanginginig na labi kasabay ng pagtulo na naman na luha niya.
"Apo..." Ang Mommy La niya 'yon. "Halika, kumain ka muna."
Umiling siya. "W-wala ho akong gana."
"Lucky—"
"K-kumusta ho si Blake?" nag-aalalang tanong niya.
Bumuntong-hininga at umupo si Mommy La sa gilid ng kama, sa tabi niya. "Bisitahin mo na kasi siya."
Umiling siya. "Nahihiya ako."
"Apo—"
"Natatakot ako, Mommy La." Her lips trembled again. "Sakit palagi ang dala ko sa kanya. I hurt him eleven years ago, he suffered and was in pain because of me. And eleven years later, he's in pain again. Because of me. Palaging sakit at paghihirap ang dala ko sa kanya. Ayoko na siyang masaktan. Ayoko na siyang mahirapan."
"Apo, hindi mo naman ginusto 'yon," sabi nito sa malumanay na boses na inaalo siya. "You love him so go, visit him in the hospital and talk to him."
Lucky started playing with her own fingers, nervous. "I'm scared. I'm ashamed. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Oo, mahal ko siya at ayokong mahiwalay sa kanya pero tuwing makikita ko siya, maalala ko lang lahat ng ginawa kong masakit sa kanya. He's better off without me, Mommy La. I only caused him so much pain and suffering."
Umiling si Mommy La, saka tinuyo ang luha sa pisngi niya. "Lucky, it's not for you to decide if a person is better off without you or not." Hinawi nito ang ilang buhok niyang nakatabing sa noo niya. "You're ashamed and scared? Then be brave and face him. Say sorry and ask for forgiveness for what you did. Talk to him, Lucky..."
"What if he hates me?" Her voice trembled. "I can't... I don't think I can bear it... I love him, Mommy La. I wanted to spend the rest of my short life with him, but now, I don't know if I can. Sabihin na nating patatawarin niya ako, pero ang sarili ko, hindi ko alam kung kaya kong patawarin. Ang dami kong kasalanan sa kanya at hindi iyon kasalanan na basta-basta lang mabubura ng salitang sorry."
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...