CHAPTER 40
NAKAPAMULSANG SUMAKAY SI BLAKE sa passenger seat ng sasakyan ni Blaze na hindi naman buhay ang makina at nakaparada lang sa garahe. Blaze called him here, giving no reason whatsoever.
"What is it?" agad niyang tanong. Alam niyang pinapunta siya nito roon dahil may sasabihin ito sa kanya na sila lang ang dapat ang makaalam at makarinig.
Ipinatong ni Blaze ang mga braso sa manibela. "We have a problem."
He frowned. "What?"
"I think they're moving," sabi nito.
Blake sighed. "Sino'ng nagsabi sa 'yo?"
"Midnight." Kumuyom ang kamay ng kakambal. "Hinanap ko siya nitong mga nakaraang araw pero hindi ko siya nakita. He's off the grid. Pero tinawagan niya ako kani na lang at sabi niya mag-ingat daw tayo. We have to take Mom, Bailey and Lucky to safety."
Nagtagis ang mga bagang niya. "Sinabi ba niya kung ano ang plano ng kalaban?"
"Nope. But I assume it's to take the three most important people in our life and kill the both of us," Blaze answered. "That's their plan."
"Then let's stop them," sabi niya sa kalmadong boses.
Blaze glanced at him, frowning. "And how do you propose we do that?"
"The easy way." He breathed out. "Kill them." Kumuyom ang kamay niya. "I'm still lethal, so are you. Kahit tumigil na tayo sa ginagawa natin, wala namang pinagbago. I still know how to gut someone and let them bleed to death."
Napatango-tango si Blaze. "Shall we call X?"
Umiling siya. "Don't bother him. Kaya na natin 'to. This is our mess, so let's fix it."
"And the organization?" Blaze sounded worried.
"What about them?"
"Walang go signal nila ang gagawin natin." Bumuga ito ng marahas na hininga. "This could backfire on us."
"Wala akong pakialam." Tumiim ang mga bagang niya. "Nananahimik tayo, Blaze. We will not fight unless provoked. Kapag sinaling nila ang isa sa pamilya natin, handa akong pumatay maprotektahan ko lang ang mga mahal ko sa buhay. Kung gusto mo, ikaw ang sumama kina Mommy sa ligtas na lugar. Ako na ang bahala sa lahat—"
"Blakey." Blaze gave him a stern look. "You have me for a reason."
Bumaling siya sa kapatid. "What? To annoy the hell out of me?"
Tiningnan siya nang masama ni Blaze. "I hate you."
Blake chuckled. "As if you could." Bumuga siya ng marahas na hininga. "So what's the plan besides not to get killed?"
Blaze shrugged. "Let's do what we do best, attack and protect."
That made him smile. "I like that."
Blaze nodded. "Yeah, me too. But we can't attack blindly. Kailangan nating malaman kung ano'ng kayang gawin ng kalaban natin. I'm going out with Nate tonight. We will hunt for information."
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. "Enjoy the date with Nate. Use protection."
"Jackass," Blaze murmured.
Natawa lang siya pero agad iyong nabura nang makalayo ng sasakyan.
Gumagalaw na ang kalaban nila. What took them so long to move? What was up with the organization? Sana may makuhang impormasyon si Blaze na makakatulong sa kanila.
Natigilan siya sa pag-iisip nang tumunog ang cell phone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng pantalon niya, saka nag-alangan kung sasagutin ang tawag nang makita ang caller ID.
![](https://img.wattpad.com/cover/166949100-288-k485837.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...