Chapter 02: Meet the Transferees
Alexis' POV
"Damn. Alam kong hindi sila mortal!"
"Bakit hindi ko mabasa ang isip nila?"
"Shit. Muntik na 'yung kanina!"
Iilan 'yan sa nabasa ko sa isip ng mga kaibigan ko. Kahit ako, hindi ako makapaniwala na alam niya na hindi kami mortal. She's different from others. I want to know her more. Alam kung may kakaiba sa kaniya—sa kanila. Anyway, nandito kami ngayon sa Garden, sinusundan namin sila.
"Lumabas na kayo! Alam naming kanina niyo pa kami sinusundan, tsk." Cold na sabi ni Ellisa. Ang cold ng boses niya. Brr.
Unang lumabas si Mykel kaya sumunod kami. Naglakad kami palapit sakanila at umupo sa harapan nila.
"What do you want? Ramdam kong kanina niyo pa kami sinusundan. May problema ba mga bago naming kaklase?" Tanong ni Ellen at ngumiti ng inosente. Ang cute niya. Ngayon ko lang siya nagawang pagmasdan ng malapitan. May perfect face shape, mahabang pilik mata, perfect shape of eyebrow, brownish eyes, chubby cheeks, pointed nose at mapupulang labi. All I can say is wow! They're all beautiful, pero mas nakakuha ng attention ang kagandahan ni Blythe. Para syang kambal ni Goddess Aphrodite. Kahit ipakita pa namin yung totoo naming mga mukha hindi parin mapapantayan ang kagandahan nila.
"Ahm.. W-wala naman. G-gusto lang sana naming m-magpakilala." Nauutal na sabi ni Janna.
"'Wag kang mag-alala hindi naman kami mangangagat." si Ellen at tumawa. Sumang-ayon naman si Ellisa at tumango lang si Blythe. "Atsaka kilala na namin kayo, nagpakilala na kayo kanina diba?" Tumango kami.
"By the way, I'm Ellen Jade Ferrer."
"Ellisa Mhaey Stanford and she's Elyzelle Blythe Delevigne. Sorry hindi talaga siya pala salita." Ani ni Ellisa at ngumiti. Wow, ang ganda niya pag ngumiti. Akala ko cold siya.
"Bakit niyo nga pala kami sinusundan?" Tanong ni Ellen.
"Paano mo nalaman na sinusundan ka namin?" Takang tanong ni Juliana.
"Nararamdaman ko ang presensiya nyo." Tipid niyang sagot at tiningnan ako sa mata. What the! Bakit kinakabahan ako?
"H-huh? P-paano? Katulad ka ba namin?" Napatampal nalang ako sa noo dahil sa tanong ni Tristan. Nakita ko namang ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko.
"Katulad niyo? Bakit? Ano ba kayo?" Naguguluhang tanong ni Ellisa.
"Damn! Umisip kayo ng paraan! Hindi nila pwedeng malaman ang totoo!" sigaw ko sa mga isip nila.
"T-tao syempre, he-he-he." Nauutal na sabi ni Juliana at awkward na tumawa.
"Ah oo naman katulad niyo kami mga tao, hehehe." Sabi ni Ellen at tumawa na parang napipilitan.
"Nararamdaman namin ang presensya niyo kasi gangster kami. Kayang maramdaman ng isang gangster kong may nakasunod sa kanya at marami pang iba." Paliwanag ni Ellisa.
Bakit hindi nagsasalita si Blythe? Pipi ba siya?
"No, Hindi pipi si Blythe." Nabigla naman ako sa sinabi niya. D-did she r-read my m-mind?
"And no I didn't read your mind. Halata lang kasi sa ekspresyon ng mukha mo." Ani niya ulit at ngumiti.
Pagkatapos ng usapan na iyon ay binalot kami ng panandaliang katahimikan. Tiningnan ko lang sila isa't isa and all I can say is ANG GAGANDA TALAGA NILA. Naka-ilang ulit na ba ako na maganda sila? Well.
"Alexis, you okay?" Tanong ni Ellisa.
"Ah a-ano.. O-oo, oo okay lang ako!" Nauutal kung sabi at ngumiti ng panandalian. Ngumiti naman siya at lumapit kina Juliana na nagtatawanan.
Mag-isa lang ako dito sa may puno. Sana katulad din namin sila para sama-sama kaming pupunta sa Crystal World. Alam kung mapalapit kami sa kanila dahil ramdam ko yun. My power is Fire and Water and also I can do telephaty, teleport, read minds, illusion and invisible. That's my ability. Well, lahat naman kami kayang gawin ang teleportation. If you're confused kung bakit madami akong ability at dalawa ang kapangyarihan ko it's because anak ako nila Queen Keindria and King Nathan. Kapatid ko din ang nawawalang prinsesa. She's my younger sister. I miss her so much. I want to hug her so tight right now.
"You look bothered, you okay?" I was shocked. For the first time, narinig ko ang boses niya.
"Ahm. Y-yeah, I'm o-okay." Nauutal kong sagot. Hindi ko alam kong sa anong paraan siya kakausapin. Ang ganda ng boses niya. At ang gaan din ng loob ko sakanya.
"You miss your sister, aren't you?" P-paano niya n-nalaman? Tiningnan ko siya ng buong pagtataka.
"H-how did y-you k-know?"
"Well, I just know." She said and shrugged her shoulders.
"I know everything about you," sabay turo sakin. "her, her, him, him and him" sabay turo kay Juliana, Janna, Blake, Tristan and lastly, Mykel. "I know EVERYTHING about the all of you. Nothing is IMPOSSIBLE when it comes to me." She said and gave me a creepy smile. Damn. Aaminin ko, kahit cold ako, nakaramdam ako ng takot.
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyShe's Elyzelle Blythe Delevigne. She's a Gangster Queen and a Mafia Princess. She's cold. She's merciless. She's brutal. She's always wearing an emotionless face. Many idolize her because of her beauty and wealth. But she's different... She's...