Chapter 45: Special Chapter

51.8K 1.3K 153
                                    

Chapter 45: Special Chapter

Maegan's POV

“Mykel!” tawag ko sa asawa ko.

Yes, we're married. After that incident kong saan kami nagkita ay muling bumalik lahat ng alaala ko. Kinabukasan no'n ay nagpakita ako sa Royalé and I attended my sister's wedding.

After 10 months ay nagpakasal kami ni Mykel. And God gave us blessings, he gave us Zyx and Nyx.

“Yes, hon?” ani nito at ngumisi.

“Where's Zyx and Nyx?”

Pumunta siya sa likod ko at niyakap ako galing sa likod. Oh god, kahit mag-asawa na kami ay hindi parin mawawala 'yong pagbilis ng puso ko pag nasa malapit si Mykel.

“Nasa garden. Kasama 'yong mga pinsan at kaibigan nila.” He kissed my nape na naging dahilan para magsitaasan 'yong balahibo ko sa batok. “Hmm, hon... Zyx is already 12 years old and Nyx is already 5 years old.. Gawa tayo ulit ng baby? What do you think?”

Pumikit ako at humarap sa kanya na hindi pinapahalatang nanginginig 'yong tuhod ko. I felt my cheeks are burning. “S-Shut up, Mykel!”

Linapit niya 'yong mukha niya sa mukha ko at kinagat 'yong pang-ibabang labi niya. God! Why is he so sexy while doing that?

Hinampas ko siya balikat. “Tumigil ka, Mykel! Mahirap manganak! Ayoko ng mabuntis!” Tinalikuran ko siya at nagmartsa papuntang garden.

Ayokong manatili pa doon, baka bumigay pa ako. Baka ma-rape ko pa 'yong asawa ko. Ayokong maging kriminal.

“Mom!” Lumapit si Nyx sa'kin at tinaas 'yong dalawang kamay na senyales para magpa-karga. Kinarga ko siya at linapitan si Zyx na tahimik sa isang tabi habang nagbabasa ng libro.

Tahimik si Zyx at mahilig magbasa. Kahit bata pa lang siya ay matalino na ito. But he's sweet and protective when it comes to Nyx, at 'yon ang hinahangaan ko sa anak kong lalaki. He treated Nyx as his princess.

Si Nyx naman ay masayahin at makulit. She's also brave at 'yon ang namana niya sa'kin. At her young age, marami ng takot sa kanya. Madali din siyang matuto at 'yon naman ay namana niya sa kanyang ama.

Tinabi ko si Nyx sa tabi ni Zyx. “Baby, dito ka lang sa tabi ng kuya mo okay?” Ngumiti naman ito at tumango.

Inakbayan ito ni Zyx at pinatong naman ni Nyx ang ulo niya sa balikat ng kuya niya. At sabay silang nagbasa ng libro. Napangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

“Hon!” Liningon ko si Mykel na naka-nguso.

Tinaasan ko siya ng kilay. “What?”

Magsasalita pa sana siya ng biglang nagsalita si Ate Alexis. “Maegan! Ikaw muna mag-ihaw nitong barbeque!”

Ako 'yong pumalit sa puwesto ni Ate Alexis. “Kyel, ikaw na maghanda sa juice.”

“Sige po, ate Nix”









“MAEGAN, until now I still can't believe that you're alive.” Manghang sabi ni Janna.

“Oo nga, Elyzelle.” Sang-ayon naman ni Damon.

“Maegan ang pangalan niya, hindi Elyzelle, Damon.” diing sabi ni Mykel at sinamaan ito ng tingin.

Damon chuckles. “Nag-seselos ka parin hanggang ngayon, my dear cousin?”

Binato naman siya ni Mykel ng chichirya. “Ulol! Ang baklang pakinggan ng my dear cousin!”

Humalakhak naman si Damon.

Wala na akong mahihiling pa. Thank you, Lord. For giving me this friends. Kahit parang baliw sila minsan.









I'm looking at the stars above dito sa teresa ng kaharian. Ang ganda talaga nilang pagmasdan.

Someone hugged me from the back. “Hon,”

“Hm?”

“Thank you.”

Humarap ako sa kanya. “Thank you for what?”

“Thank you for coming back. Salamat kasi hindi mo ako iniwan. Akala ko talaga no'n, wala ka na. Halos hindi matanggap ng sistema ko no'n na wala ka na.”

I cupped his face. “Hon, H'wag mo ng alalahanin 'yon okay? Past is past nga diba? Just focus on the present, hon.”

He smiled at unti-unting linapit 'yong mukha niya. Ilang dangkal nalang ay maglalapat na 'yong labi namin ng biglang sumigaw si Nyx.

“Kyaaaah! Mom!”

Nag-alala ko siyang linapitan. “Baby, bakit? Why are you shouting?”

“There's a lizard in my room! I'm afraid of lizard, Mom. Is it okay if I'll sleep here? Please?”

At 'yon din ang namana niya sa'kin. I was scared of lizard before. Pero hindi na ngayon.

“Of course, baby. You can sleep here.”

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto namin ni Mykel ng bumukas ulit ito.

“Mom, I can't sleep.” ani Zyx at lumapit sa'kin. “Dito nalang po ako matulog, please?”

Tumingin muna ako kay Mykel na nakasimangot at tumango.

Sabay nila akong niyakap. “Thank you, Mom! I love you!”

I smiled and hugged them back. “I love you both.”

“How about me? Hindi niyo love si Daddy?” ani Mykel at ngumuso.

Humigikgik naman si Nyx at lumapit sa ama niya at hinalikan ito sa pisnge. “I love you, too, Dad!”

“I love you too, sweetheart.”

Niyakap din siya ni Zyx. “Te amo, Dad.”

“Where did you learn that?”

“Book, Dad.”

Tumango-tango naman si Mykel at niyakap din ito pabalik. “I love you too, son.”

Nakangiti akong pinagmamasdan sila. Wala na atang mas sasaya sa ina na buo ang ang pamilya niya. Thank you, God. For giving me this kind of family.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now