Chapter 25: FTGF [MISSION III]
Blythe's POV
Napatigil ako sa paglalakad ng makaramdam akong mayroong nagmamasid sa'min. Pumikit ako at binilang ito. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Wala. Anim. Sampo.
Binuksan ko 'yong mga mata ko and ready myself for a fight.
Nagpalabas ako ng Ice bow and arrow. “Ready yourselves. May kalaban.” I said coldly at umakyat sa isang puno. Hinanda nila 'yong mga sarili nila at nagpalabas ng kong anu-ano gamit ang kanilang kapangyarihan.
“Lumabas na kayo!” sigaw ni Kuya Xyrill.
Lumabas silang lahat at pinalibutan kami. Napangisi ako at tinira 'yong isang kalaban na aatake na sana kay Janna. Not so fast, dear.
Tumalon ako sa puno at sinipa sa tiyan 'yong aatake na sana kay Ellisa sa likuran. Sinamaan niya ako ng tingin pero nginisihan ko lang siya. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at pinarami 'yong sarili niya. Cloning huh?
Sinipa ko sa mukha 'yong isa at napaatras naman ito. Matagal na din akong hindi nakalaban ng pisikal. Sinakal ko 'yong isa at tinapon sa may puno. Akmang susuntukin ako nang isa ng naunahan ko ito sa mukha. Napaatras ako ng hindi ko naiwasan 'yong suntok ng isa. Pinalibutan ako ng lima. Lumuhod ako at pasimpleng kinuha 'yong baril sa boots ko at binaril silang lahat sa puso. Bull's eye! Bigla naman silang naging abo lahat.
Napahawak ako sa labi ko at napangiwi. Pa simple ko itong hinawakan at pinagaling. Linapitan ko sila at tiningnan isa-isa. Mabuti naman at walang nasugatan.
“Malapit na ba tayo?”
Tiningnan ni Alexis 'yong mapa at tumango.
“Yes!” Napa-iling na lamang ako dahil sa reaksyon ni Ate Alesxia.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may nakita kaming usok sa di kalayuan. Tumingin kami sa isa't isa at nag-uunahang tumakbo. Mag gagabi na din pala. Siguro do'n muna kami magpapalipas ng gabi.
Nang makarating kami sa labas ng gubat ay napangaga kami sa aming nakita. Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay pumasok sa kanilang bayan.
“Welcome to Jeva Town.” Basa ni Julianna sa karatola na nasa harapan namin. Unang pumasok si Alexis at sumunod naman kami. Pinagmasdan ko 'yong paligid.
“Anong nangyari dito?” bulong ni Janna.
“Parang dinaanan ng bagyo.” dagdag pa niya.
Napatingin ako sa bintana ng isa ng bahay, lalapit na sana ako ng biglang itong sumirado at pinatay 'yong ilaw.
W-What was t-that?Hahakbang na sana ako ng may nakita akong bata na may dalang basket sa isang tabi. Linapitan ko ito at hinawakan 'yong magkabilang balikat niya. Sisigaw na sana sya ng tinakpan ko 'yong bibig niya.
“Shh. We're not enemies.” Nang kumalma siya ay inalis ko 'yong pagkakatakip sa bibig niya.
“S-Sino po k-kayo?” Hinawakan ko 'yong isa niyang kamay na nanginginig.
“I'm Blythe. What's your name?”
“Ako po si Jasmine.”
“Blythe!” Napalingon ako sa likuran ko.
“Kanina ka pa namin hinahanap.” Dumampo 'yon paningin niya kay Jasmine na nasa harapan ko. “Sino siya?”
“She's Jasmine. Nakita ko siya dito kanina kaya nilapitan ko. Tawagin mo sila.”
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyShe's Elyzelle Blythe Delevigne. She's a Gangster Queen and a Mafia Princess. She's cold. She's merciless. She's brutal. She's always wearing an emotionless face. Many idolize her because of her beauty and wealth. But she's different... She's...