Chapter 35: Ellen's Heartbreak

29.2K 754 57
                                    

Chapter 35: Ellen's Heartbreak

Ellen's POV

“Love, kanina ka pa tulala, may problema ba?” Tanong niya.

Tiningnan ko siya at nginitian. Makakaya ko kaya 'to? Nasanay na akong palagi siyang nand'yan sa tabi ko. Makakaya ko kayang saktan ang mahal ko?

Umiling ako at binaling sa harapan ang paningin. “Love, Do you know what are the type of lines?” Tiningnan ko siya.

Dahan-dahan siyang tumango. “The Parallel, Tangent, and Asymptote.” Tipid niyang sagot.

“Parallel, lines that are never meant to meet. Tangent, lines that had one chance to meet then parted forever. Asymptote, lines who can get closer and closer but it will never be together.” ani ko at tumingin sa kawalan. “And we're the asymptote.” Tumingin ako sa kanya at gano'n din siya sakin.

Kumunot 'yong noo niya. “What do you mean?”

I sighed. “Pinagtagpo lang tayong dalawa pero hindi tinadhana para sa isa't-isa.”

“H-Hindi ka naman makikipag-hiwalay d-diba?” Nanginginig 'yong boses niya at parang anytime ay iiyak na.

Pumikit ako at kinagat 'yong labi ko. It's not easy for me to do this. Ang hirap pag makita mo 'yong taong mahal mo na nasasaktan at wala kang magawa kundi panoorin lang siya.

“Tristan, Mahal kita, sobra. Hindi ka naman mahirap mahalin e. Madali lang tayong nagka-sundo kasi we're both childish. Tristan, palaging mong pinapakita sa'min na masaya ka. You always smile and laugh na parsng walang dinadalang mabigat na problema. At 'yong ang nagustuhan ko sa'yo, ang pagiging masayahin mo. Hindi ka nawawalan ng pag-asa. You're always thinking positive things. Akala ko no'ng una simpleng gusto lang pero habang tumatagal mas lalo akong nahulog sa'yo. Mas lalong lumalalim 'yong nararamdaman ko para sa'yo. Alam mo bang sobrang saya ko no'ng sinabi mong mahal mo 'ko? I was like I'm in a cloud nine that time.” Lumunok ako. “Pero gaya nga ng sabi ko, we're like asymptote, hindi tayo magiging puwede.”

Hinawakan niya 'yong kamay ko. “W-Why are you d-doing this? Sabi mo m-ma-mahal mo a-ako? Pero bakit ga-ganito?”

I cupped his face and wiped his tears. Nasasaktan akong makita 'yong mahal ko na umiiyak. Pinilit kong h'wag umiyak at nanatiling matatag sa harapan niya. Ayokong maging mahina sa harapan niya.

“Pero hindi tayo puwede, Tristan.”

He cupped my face. “Pilitin natin hanggang sa puwede na. Just pl-please, don't l-leave me.” Umiling-iling siya. Nagbabadya na 'yong luha sa mga mata niya.

Oh Lord, I'm sorry for doing this to him.

Dahan-dahan kong kinuha 'yong kamay niya sa mukha ko. “Lahat puwede mong ipaglaban pero hindi lahat puwede mong ipagpilitan, Tristan.”

Tumayo ako at hahakbang na sana ng hinawakan niya 'yong kamay ko. “Pl-Please, Please... Don't l-leave me.. I'm b-begging you.”

My tears slid down to my cheeks. Nanlambot 'yong tuhod ko at parang anytime ay babagsak na ako.

Hindi ko siya liningon para hindi niya makita 'yong mukha ko na luhaan. “Tristan, I'm breaking up with you.” Unti-unting kumawala 'yong kamay niya. I grab the chance to run.

I'm sorry. I'm so sorry, Love. Ginawa ko lang kong ano ang mas nakakabuti para sa ating dalawa. Hindi tayo magiging puwede, dahil prinsipe ka habang ako naman ay diyosa. At kahit kailan hindi puwedeng mag-iibigan ang prinsipe at diyosa.

Agad akong pumasok sa dorm at sinirado 'yong pinto. Unti-unti akong bumagsak sa sahig at doon humagulgol. Yinakap ko 'yong tuhod ko.

Sana hindi na lang ako isang diyosa.

----

Type of lines and their meaning proper credits to Undeniably_Gorgeous

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now