Chapter 17: Training
Ellisa's POV
“C'mon Janna! Lakasan mo pa!”
“Ito na nga diba?! Linakasan ko na!”
“Lakas? Ang hina nga niyan e! You're so weak, Janna! Weak!”
Sinuntok ng napakalakas ni Janna si Blake sa mukha, “DON'T YOU DARE CALL ME WEAK!”
Tinaas ni Blake 'yung dalawa niyang kamay senyales na suko na siya. Umupo siya sa gilid at hinawakan 'yung putok niyang labi. “Fvck! Ang sakit, tangina!”
“Ba't ba kasi kailangan pa nating mag training ng physical combat? Like heellooo? We're here at the magical world!” ani Janna at umupo sa tabi ni Blake at nagpunas ng pawis.
Tumayo mula sa pagkaka-upo si Blythe at kumuha ng baril. Sinuri niya ito at pinunasan. “You're right, Janna. We're here at the magical world. Where everyone has a power. We fight using our powers. But what if someday you'll wake up with no powers? no magic anymore. What if your loved ones will be in danger, how are you going to save them without powers? Staring them while crying?” Walang sumagot sa'min kahit ni isa. “Tears can't save them, Janna. Now,” tumingin siya isa isa sa'min at tumigil kay Janna.“Tell me, bakit nga ba kailangan nating mag-training ng physical combat?”
“K-Kasi hindi lahat ng oras may kapangyarihan tayo. Hindi naka-depende 'yung buhay natin sa kapangyarihan.”
Blythe looked at Janna. She smiled and nodded. “Right.”
“Who wants to fight with me?” Wala ni isa sa'min ang nag-taas ng kamay. Ayokong kalabanin siya baka mamatay pa ako ng wala sa oras no! She's Hell Empress, our leader. Alam ko na kong paano siya makikipaglaban, parang galit na leon.
“Anyone?”
Napatingin kami kay Mykel ng bigla siyang tumayo. Linagay niya 'yung kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon niya at diretsong tumingin kay Blythe. “Physical or with powers?”
“Both.”
“BlyKel is now sailing.” Napalingon ako kay Ellen na katabi ko lang at kinunotan siya ng noo. “Blythe + Mykel = BlyKel” Napa-iling nalang ako. Ang daming pakulo pero infairness bagay nga silang dalawa.
Naka-pokus 'yung paningin ko sa harapan. Naghihintay kong sino ang mag first move. I gasped ng biglang napunta si Mykel sa likuran ni Blythe at akmang saksakin siya ng dagger. Mabuti nalang at agad naiwasan ni Blythe. Halos hindi ko masundan ang galaw nila dahil sa sobrang bilis. Agad akong napangiwi ng biglang tumilapon si Mykel. Siguro ginamit ni Blythe 'yung isa sa kakayahan niya bilang Hell Empress. Tinukod ni Mykel 'yung isa niyang kamay sa tuhod niya habang 'yung isa naman ay sa sahig. Si Blythe naman ay nakatayo lang habang naghahabol ng hininga. Dahan-dahang tumayo si Mykel hanggang sa naging tuwid ito. Nagpalabas siya ng fire ball sa magkabilang palad niya at agad binato kay Blythe. Agad namang naiwasan ni Blythe. Agad nagpalabas ng panibagong fire ball si Mykel sa magkabilang kamay niya at patakbong lumapit kay Blythe pero bago pa siya nakalapit ay agad pumadyak si Blythe kaya nag yelo 'yung sahig sanhi ng pagkaslide ni Mykel. Hinawakan ni Mykel 'yung sahig at nagpalabas ng konting init kaya nag melt 'yung yelo at naging tubig. Agad nagpa-ulan ng fire blades si Mykel sa pwesto ni Blythe at agad iniwasan ni Blythe pero nasugatan parin siya. We all gasped ng biglang umangat sa ere ang tubig na kanina ay nasa sahig lang.
H-How? She's an ice bender kaya panong nakaya niyang kontrolin ang tubig?
Agad itong nag form ng malaking water ball at sa sobrang bilis ng pangyayari ay natagpuan nalang namin si Mykel na nakahiga sa sahig at walang malay.
Unti-unting pumikit 'yung mata ni Blythe at bumagsak sa sahig. Agad namin silang nilapitan at tiningnan ang kalagayan.
“Wala namang masamang nangyari sa kanila, they both collapsed because of tiredness. We need to bring them to the clinic para mawala 'yung mga sugat nila at makapag-pahinga na rin.” ani Juliana.
“Jul, diba healer ka?” Juliana nodded. “Pagalingin mo kaya sila?”
“Oo nga no? Ba't di ko agad naisip 'yun?” saad ni Juliana at napakamot sa batok.
“Wala ka kasing utak.”
“Hoy! Ang sama mo! Meron kaya! Edi sana wala ako dito ngayon kong wala akong utak diba? Isip isip din pag may time ha?” sinamaan naman siya ng tingin ni Blake.
Una niyang pinagaling ay si Blythe sunod si Mykel.
“Blake will carry Mykel and Tristan will carry Blythe.”
Pero bago pa nila mahawakan ang dalawa ay umangat ito sa ere. May bahid na pagtataka at gulat ang kanilang mga mukha. Bago pa sila makapag-salita ay biglang nagtaas ng kamay ang magkapatid.... sina Alexis at Chelsea.
“Para 'di na kayo mahirapan pa.” ani Alexis at kinumpas ang kamay.
“How sweet of you, Alexis mylabs!” ani Blake at akmang aakbay kay Alexis ng sinamaan siya ng tingin ni Alexis.
Iniwas ko ang paningin ko sa kanilang dalawa at naunang maglakad palabas ng training room.
Why do I need to feel this way? Why am I hurt? Ba't ako naiinis pag nakita kong ngumingiti si Blake kay Alexis? Ba't parang nadudurog 'yung puso ko? No—this is wrong! Hindi 'to pwede! Damn it!
Iniling-iling ko 'yung ulo ko at napakagat labi. Napahawak ako sa pisnge ko ng maramdamang basa ito. I stopped walking at tumingin sa screen ng cellphone ko. I can see my tears streaming down to my cheeks. Why am I crying?
Aaminin kong gusto ko siya pero hanggang don lang 'yun hindi na ito lumala pa. Ayokong mahulog ng tuluyan sa kanya. This can't be happening! I don't want to fall in love with him! Ayoko...... ayoko.
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantastikShe's Elyzelle Blythe Delevigne. She's a Gangster Queen and a Mafia Princess. She's cold. She's merciless. She's brutal. She's always wearing an emotionless face. Many idolize her because of her beauty and wealth. But she's different... She's...
