Chapter 26: FTGF [Mission IV]
Janna's POV
Napabangon ako sa pagkakahiga ng maramdamang yumayanig 'yong lupa.
Napatingin ako sa mga kasama na napabangon din. Agad kaming bumaba at nakita namin ang mga lalaki na nasa baba na rin.
“Nandito na sila.” Bulong na sabi ni Lola Victoria habang nakayakap siya kay Jasmine.
Napatingin ako kay Ellisa at Ellen na parang hindi mapakali at balisa. Napatingin kami sa pinto ng bigla itong bumukas.
“Blythe! Calm down!” ani Ellisa. Napatingin ako sa kamay niya na nanginginig. Napakunot 'yong noo ko. Bakit nanginginig 'yong kamay niya? May problema ba?
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng tumingin ako sa mga mata ni Blythe. Nakakatakot 'yong mga mata niya. Parang papatay ng buhay.
“I'll kill them to death, Ellisa. H'wag mo akong pigilan.” ani Blythe at may pumalibot na dark aura. Napaatras ako ng sinalubong niya 'yong paningin ko at lumabas.
“Damn! Ellen, we need to do something! Baka mabura 'tong Jeva Town sa mapa dahil sa kanya!”
“We can't, Ellisa. No one can stop her.” Umiling si Ellen at lumabas. Tumingin muna kami sa isa't isa bago sumunod sa kanyang paglabas.
Nagsisigawan 'yong mga mamamayan. Nagkakagulo. Napatingin ako sa isang Aleng na nakatingin sa'kin. Parang nanlabot 'yong tuhod ko ng may pumatak na isang luha galing sa mata niya. Iniwas ko 'yong paningin ko sa kanya at tinira ng earth ball 'yong isang Hypro Monster na lalapit na sana sa kanya. May kanya-kanya na ding kalaban 'yong mga kasama ko. Papaulanan ko na sana ito ng earth shurikens ng bigla itong nag yelo at bumagsak sa lupa at nabasag. Napatingin ako sa mga kalaban ng kasama ko at gano'n din ang nangyari.
Napaatras ako ng makaramdam ako ng isang napakalakas na enerhiya galing sa likuran ko. Halos malaglag 'yong panga ko sa naaksihan ko. Lahat ng madaanan niya na kalaban ay nagyeyelo kagaya no'ng nangyari sa kalaban ko.
A-Ang lakas niya.
Nanlaki 'yong mata ko ng makita ang isang Dark Crystalix na naka angat sa ere. Akmang titirahin siya nito ng biglang itong nahirapang huminga.
“I'll freeze you to death!” Nakakatakot 'yong boses niya! Gosh!
Napasinghap ako ng bigla nag yelo 'yong paanan nito hanggang sa may ulo. Napatakip ako sa mga mata ko no'ng bumagsak 'yong katawan ng Dark Crystalix sa lupa at humiwalay 'yong ulo. Hindi pa nakuntento si Blythe at kinuha niya 'yong puso nito at ginawang yelo. Oh ghad! Ang brutal niya!
“Kaya ayokong disturbohin 'yong pagtulog niya.” saad ni Ellisa sa tabi ko.
“Ganyan ba talaga siya?” tanong naman ni Ate Alesxia.
“May mas brutal pa nga d'yan e.” saad naman ni Ellen.
Dali-dali kaming pumunta kay Blythe ng bigla itong bumagsak sa lupa pero bago pa siya bumagsak ay sinalo siya ni Mykel. I smell something fishy!
“Infairness, bagay sila.” nakangiting sabi ni Zamirah habang nakatingin kay Mykel na lumalayo sa'min. Siguro do'n niya dadalhin kay Lola Victoria.
“BlyKel is now sailing again!” tili ni Ellen. Napatingin ako kay Damon ng makita itong nakangiti habang tinatanaw si Mykel na karga si Blythe. Ngiting nasasaktan. Pag-ibig nga naman. Kaya ayokong umibig e kasi masasaktan ka lang. Pero alam kong iibig din ako isang araw, and I'll ready myself when that day comes.
Zamirah's POV [Chelsea]
“Maraming salamat sa inyo mga prinsipe at prinsesa.”
“Wala po 'yon Lola Victoria.”
“Paano po pag may lumusob ulit sa'min dito?”
Lumuhod ako at hinawakan 'yong mukha ni Jasmine. “Wala ng lulusob sa inyo, Jasmine. Linagyan ko na ng barrier itong bayan niyo.” I smiled when she hugs me. I want to have a little sister just like her.
“Maraming salamat po ate Zamirah!” I pinched her cheeks at ngumiti.
Tumayo ako at yumuko kay Lola Victoria. “Mauuna na po kami, Lola Victoria. Maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo sa'min dito. Tatanawin po namin 'yon ng utang na loob.”
Hinawakan niya 'yong balikat ko at ngumiti. “Napaka-bait at napaka-ganda mong bata, Prinsesa Zamirah. Pero may hindi ka pa nalalaman na dapat mong malaman.” ani niya at ngumiti.
“Ano pong ibig niyong sabihin?” hindi siya sumagot at ngumiti lamang. Hindi ko maintindihan.
Magsasalita pa sana ako ng tinawag ako ni Ate Alexis sa galing labas. “Zamirah! Halina at aalis na tayo! Baka maabutan pa tayo ng takip dilim!”
“Sige na Prinsesa Zamirah. Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay.” nginitian ko si Lola Victoria at niyakap. Niyakap ko din si Jasmine at lumabas na ng bahay. Kanina pa pala gising si Blythe kaya hindi na kailangang kargahin ni Mykel ito.
Hanggang sa paglalakbay namin ay paulit-ulit na nag-echo 'yong boses ni Lola Victoria sa isip ko.
Pero may hindi ka pa nalalaman na dapat mong malaman.
Pero may hindi ka pa nalalaman na dapat mong malaman.
Pero may hindi ka pa nalalaman na dapat mong malaman.
Pero may hindi ka pa nalalaman na dapat mong malaman.
Pero may hindi ka pa nalalaman na dapat mong malaman.
May hindi pa ako alam na dapat kong malaman? Ano naman 'yon? Sumasakit 'yong ulo ko dahil sa kakaisip nito.
Napahinto ako sa paglalakad ng tumama 'yong noo ko sa likod ni Damon.
Aww!
Napangiwi ako at hinimas 'yong noo ko.
“Ok ka lang?”
Napatingin ako kay Damon at tumango. Gano'n ba ako ka lutang para hindi mapansin na nasa harapan na kami ng Golden Flower? Umalis ako sa likuran ni Damon at pumunta sa harapan ng tawagin ni Ate Alexis 'yong pangalan ko.
“Bakit?”
“Ilagay mo 'to sa watch keeper mo.” ani niya sabay bigay sa'kin ng Golden Flower. Tumango ako at linagay ito sa suot kong relo. Thanks to Blythe.
“Mag portal na lang tayo pabalik sa Academy.” Kuya Xyrill said. Sinamaan namin siya ng tingin. “What?”
Binatukan naman siya ni Ate Alesxia. “Portal Maker ka pala edi sana kanina pa tayo nando'n sa academy!”
“Aray ko naman, Xiang! At least naka tulong tayo diba?” ani niya at tinaas-baba 'yong kilay. Inirapan lamang siya ni Ate Alesxia.
Pumikit siya at may sinabing kong anu-anong salita at maya-maya ay may lumabas na portal.
Pumasok na kami sa portal at tumumbad sa'ming harapan ang pinto ng Head master office. Pumasok kami sa office ni Head master at umupo sa sofa.
“Job well done, Royalé!”
Linabas ko sa relo ko 'yong Golden Flower at binigay kay Head master.
“Nice watch, Princess Zamirah!”
“Thanks, Head master.”
“Go to your dorms now and take a rest. Congrats Royalé!”
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyShe's Elyzelle Blythe Delevigne. She's a Gangster Queen and a Mafia Princess. She's cold. She's merciless. She's brutal. She's always wearing an emotionless face. Many idolize her because of her beauty and wealth. But she's different... She's...
