Chapter 43: Axilla Maegan Nix Hayashi
Blythe's POV
“Zamirah!”
Napatigil ako sa paglaban at napatingin kay Zamirah na nahuhulog. Unti-unting tumulo 'yong luha ko. Dahil sa sobrang galit ko ay naipalabas ko ang light at dark power ko.
“Light Ball!”
“Dark Ball!”
Nanlaki 'yong mga mata ng hari at napangisi. “Matatalo kayo.”
Ngumisi ako. “Kung 'yan ang inakala mo.”
“Gods and Goddesses!” Biglang lumiwanag at lumabas ang mga Gods and Goddesses.
Nanlaki 'yong mga mata ng mga taong nasa baba. Hindi sila makapaniwala na kaya kong tawagin ang Gods and Goddesses.
“Kayo na ang bahala sa kanya.” ani ko at agad mabilis na bumaba para saluhin si Zamirah.
Yinakap ko si Zamirah. Tinapik-tapik ko 'yong pisnge niya. “K-Kyel.. K-Kyel, wake up, p-please.” Unti-unting tumulo 'yong luha ko. “P-Please..”
Unti-unting bumukas 'yong mga mata niya. Inangat niya 'yong kamay niya at hinawakan 'yong pisnge ko. “B-Blythe...” umubo siya ng dugo. “I ha-have m-many questions to as-ask... p-pero..” umubo ulit siya. “S-Siguro ha-hanggang dito na lang t-talaga a-ako.”
Hinawakan ko 'yong kamay niya at umiyak. “N-No... No... D-Don't l-leave me-me, don't le-leave A-Ate N-Nix.”
Lumapit sa'kin ang mga hari't reyna pati ang mga Royalé. Umiyak silang lahat. Lumuhod si Queen Keindria at yinakap si Zamirah.
“M-Mahal na ma-mahal ko... k-kayo.” Dahan-dahang pumikit 'yong mata niya at nanlamig.
Dahil sa sobrang galit ko ay lumipad ako sa taas at walang sabing tinira ang hari gamit lahat ng kapangyarihan ko. Ginamit ko lahat ng kapangyarihan ko. Sunod-sunod ang tira ko.
“Maegan! Stop!”
“Ahhhhh! Pinatay niyo ang kapatid ko! Papatayin ko kayong lahat!”
Nagpalabas ako ng Hell Circle at lahat ng Dark Crystalix ay napunta doon.
Sumigaw ang hari ng kadiliman at tuluyan siyang naging abo. Napaluhod ako at napahagulgol. Linapitan naman ako ni Goddess Natalia at niyakap ako.
“Maegan,”
Sinalubong ko 'yong tingin niya. “Goddess Natalia, p-please do so-something. B-Buhayin niyo 'yong kapatid k-ko.. p-please.”
Umiling lang si Goddess Natalia at muli akong niyakap. Niyakap ko siya pabalik at humagulgol sa balikat niya. Masyado pang bata si Zamirah para mamatay.
Napatayo ako ng biglang may sumabunot sa buhok ko. “It's your fault! Kasalanan mo ang lahat na 'to! Kasalanan mo kung bakit na-namatay si Z-Zamirah!” Umiiyak na sabi ni Andy.
Hindi ako umangal o lumaban pabalik. Tinaggap ko lahat ng pananakit at salita niya. Pinilit nilang pigilan si Andy pero kumuwala parin ito. Pinagsasampal ako nito. Sinalubong ko ang walang emosyong tingin ni Mykel. Tumitig lang siya sa'kin.
Pinikit ko ang mga mata ko at muling nanumbalik sa'king ang mga masasaya naming alaala ni Zamirah.
-----
“Ate Nix! Let's play!”
“Kailangan nating mag-training, Kyel.”
Ngumuso siya. “Please, ate Nix? Pretty please?” Nag-puppy eyes pa talaga siya. Bumuntong-hininga ako at pumayag.
Lumapit siya sa'kin at kinalabit ako. “Taya!” ani nito at tumakbo papalayo sa'kin.
Hinabol ko siya. “Kyel! Be careful! Baka madapa ka!” Sigaw ko.
Hindi nga ako nagkamali dahil nadapa siya. Pero hindi man lang ito umiyak.
Linapitan ko siya. “May masakit ba sa'yo?”
Umiling lang siya at ngumiti. “I'm strong, ate Nix! Like you po!” Nginitian ko siya at yinakap.
Matanda ako sa kanya ng isang taon.
“Maegan! Zamirah!” Tawag sa'min ni Ate Alexis.
“Ate!”
Linapitan niya kaming dalawa. “Bakit kayo nandito? Tapos na ba 'yong training niyo?” Umiling naman kaming dalawa. “Hays, palagi nalang kayong tumatakas.”
“Sweethearts!"
Lumapit kami kina Mom and Dad. “Mom! Dad!”
Binuhat ako ni Daddy habang si Zamirah naman ay buhat ni Mommy. Si Ate Alexis naman ay nasa pagitan nina Mom and Dad.
“Tumakas naman kayo?”
“Opo! Hihihi!”
Napahagikhik naman si Mom. “Ang kulit niyo talagang mag-kapatid.”
Napahagikhik naman kami ni Zamirah.
-----
Tumingin ako kay Goddess Natalia at ngumiti. Niyakap ko siya. “Thanks for everything.”
Tiningnan ko si Mom and Dad na naluluha. Napatingin din ako kay Ate Alexis na gusto akong yakapin.
Napalingon ako kay Janna na umiiyak pati si Juliana. Ang mga lalaki naman ay naka-yuko lang habang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Zamirah.
Niyakap ko sina Ellen at Ellia. “Thank you. Thanks for everything. I love you so much, guys.” Niyakap din nila ako pabalik.
Lumipad ako sa ere at tinaas ko 'yong mga dalawa kong kamay at pumikit. “I, Princess Axilla Maegan Nix Hayashi, a Powerful Princess and a Goddess. Ang mga mamamatay na White Crystalix ay muling mabubuhay. Lahat ng masasamang makapangyarihan ay maglalaho. Ginovia Kingdom will be vanished. Ang mga nasira ay muling maibalik. By the power of, Dark and Light!”
Minulat ko ang mga mata ko at ngumiti sa kanila.
“Maegan! Don't!”
“Maegan! Nahihibang ka na ba?!”
Tumingin ako kay Zamirah ng bigla itong umangat sa ere at lumiwanag. Lumiwanag din ang ang buong kapaligiran.
I closed my eyes hanggang unti-unti akong nilamon ng kadiliman.
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyShe's Elyzelle Blythe Delevigne. She's a Gangster Queen and a Mafia Princess. She's cold. She's merciless. She's brutal. She's always wearing an emotionless face. Many idolize her because of her beauty and wealth. But she's different... She's...
