Naka-upo si Mykel sa mataas na burol habang lumalanghap ng preskong hangin. Nandito siya ngayon sa Mortal World para sa gaganapin na kasal ng pinsan niya na si Damon at Zamirah. Gusto kasi ni Zamirah na sa Mortal World magpakasal.
Unti-unting tumulo 'yong luha niya. “Alam kong hindi ka pa patay. Please, comeback, baby.”
Pinunasan niya 'yong luha niya ng makarinig siya ng kaluskos galing sa gilid niya. Hinanda niya ang sarili sa posibleng mangyari.
Nanlaki 'yong mga mata niya at halos manigas sa kina-uupuan ng lumabas ang isang babae.
Napatingin ang babae sa kanya at tiningnan siya ng buong pagtataka. “Okay ka lang ba, kuya?”
Natauhan si Mykel at napa-iwas ng tingin. Gusto niyang yakapin ang babae pero pinigilan niya ang sarili niya.
“Uhmm, kuya.. a-ano k-kasi e... n-naliligaw po a-ako. P'wede niyo po bang ituro sa'kin ang daan papalabas dito?” Gusto niyang umiyak lalo na ng marinig ang boses nito.
Hindi siya sumagot at tumingin lang sa magandang tanawin sa harapan niya. Umupo ang babae sa tabi niya.
“I'm Maegan by the way, and you are?” tanong nito sa kanya. Hindi parin nagbabago 'yong pangalan niya.
“Mykel.” Tipid niyang sagot.
“Alam mo ba, Mykel. May panaginip ako. May kapangyarihan daw ako at isa akong prinsesa. May nakilala din akong Mykel ang pangalan at baby 'yong tawag niya sa'kin, weird nga e.” Napaayos ng upo si Mykel.
“Pero alam mo bang parang totoo 'yong panaginip ko? No'ng gumising ako ay umiiyak ako. Hindi ko din alam kong bakit. Palagi akong tulala at parang walang sa sarili. Kaya nga ako pumunta dito para magpahangin.”
Hindi nagsalita si Mykel at nakinig lang.“Magsalita ka naman.” ani nito at ngumuso. “Parang akong baliw dito na nagsasalita mag-isa.” Tumingin siya kay Mykel. “Pipi ka ba?” Hindi nagsalita si Mykel.
Tumayo si Maegan at aakmang aalis na ng biglang nagsalita si Mykel. “Baby...”
Bumilis ang paghinga ni Maegan at halos hindi maka-galaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kong bakit sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya.
Lumapit si Mykel sa kanya at yinakap siya galing sa likod. Nararamdaman niya ang hininga ni Mykel sa batok niya. Tumaas ang mga balahibo niya sa batok when Mykel rested his chin on her shoulder.
“M-Mykel..”
“Oh god, baby.. I missed you so much. I miss your voice, smell, smile and touch.”
Hindi maintindihan ni Maegan kung bakit hindi siya kumawala sa yakap nito. Gusto niyang umiyak pero hindi niya alam kong bakit.
Hinarap siya ni Mykel at pinagpantay 'yong noo nila. “Totoo lahat ng panaginip mo.”
Halos hindi siya makahinga dahil sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa. Nanlaki 'yong mga mata niya dahil sa sinabi ni Mykel. Naguguluhan siya.
“H-How?”
“Totoo lahat ng 'yon.” ulit pa nito. “Ako 'yong lalaking palaging tumatawag sa'yo ng baby.”
Pumikit si Maegan at lahat ng ala-ala niya ay biglang bumalik. Nanigas siya sa kinatatayuan niya when Mykel's lips pressed into hers. Mykel kissed her.
Imbes na sampalin niya ito ay pinatong niya 'yong dalawa niyang kamay sa batok nito at tumugon sa halik. The kiss that she was longing for.
“I love you, so much, baby.” Sabi ni Mykel ng naghiwalay 'yong mga labi niya.
Ngumiti siya at yinakap ito. “I love you, too, baby.”
—THE END
“H'wag magmamadali sa pag-ibig dahil kung hindi man magiging kayo ngayon siguro sa susunod na panahon.”
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyShe's Elyzelle Blythe Delevigne. She's a Gangster Queen and a Mafia Princess. She's cold. She's merciless. She's brutal. She's always wearing an emotionless face. Many idolize her because of her beauty and wealth. But she's different... She's...