Chapter 19: Dummy leveling II

33.6K 957 28
                                    

Chapter 19: Dummy leveling II

Ellen's POV

“Ellen Jade Ferrer!”

Agad gumapang sa buong sistema ko ang kaba. Oh my ghad! Ako na! Pinikit ko muna 'yung mata ko at huminga ng malalim bago tumayo.

Napatingin ako sa kamay na humawak sa kamay ko at tiningnan ko sino ang may-ari nito, “Goodluck, Ellen. You can do it!” I smiled to Chelsea.

“Galingan mo, Jade.” inirapan ko na lang si Ellisa. Ayoko talagang tinatawag akong Jade.

“Do your best, good luck.” I smiled to Blythe.

Don't worry, Blythe. Hindi kita bibiguin.

Nagteleport ako papuntang gitna ng Arena at nagsimulang mag concentrate.

Tinaas ko 'yung kamay ko at pinaikot-ikot ito at iniisip na merong mga bulaklak na nakapalibot sa'kin. Nang maramdaman kong humahangin ay minulat ko 'yung mata ko at napangiti ng makitang iba't ibang bulaklak ang nakapalibot sa'kin. Ginawa ko ito ipo-ipo at pinakawalan papunta sa dummy.

“Flower Tornado! Release!”

Napangiti ako malaki ng makitang halos masira na 'yung dummy. Tiningnan ko 'yung score ko sa taas.

'Ellen Jade Ferrer got 95! Congratulations!'

Agad sumilay sa labi ko ang ngiting tagumpay. I did it! Congrats, self!

Agad akong nag teleport sa dati kong puwesto at nginitian sila, “Nagawa ko! Kyaaah!”

Tinakpan ni Chelsea 'yung tenga niya at natatawa akong tiningnan, “Oo, nakita namin. Congrats!”

“Congrats, Jade!”

“Oh c'mon, Ellisa. Stop calling me that!” ani ko at inirapan siya. Tumawa naman siya at umiling-iling pa. Para siyang tanga, tsk.

Binalingan ko ng tingin si Blythe. Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ng ngumiti siya. Damn! Ba't ako binigyan ng kaibigan na ganito kaganda? Magtotomboy na ba ako ngayon? Ghad!

“Congrats. That was awesome.” I smiled at her. “And don't be. Huwag kang mag tomboy, mawawalan ng maganda dito sa mundo.” Agad nanlaki 'yung mata ko sa sinabi niya. I forgot! Nakakabasa pala siya ng isip! Nakakahiya ka, Ellen! Gosh!

Tinuon ko nalang ang tingin sa harapan para 'di niya makita 'yung mukha ko na namumula dahil sa hiya.

“Chelsea Zoe Tuazon!”

Liningon ko si Chelsea at nginitian, “Goodluck! Aja Fighting!” Nginitian niya ako pabalik.

“Goodluck, Zoe!” Anong trip nitong si Ellisa at tinawag kaming dalawa ni Chelsea sa ikalawa naming pangalan? Tsk.

Inirapan siya ni Chelsea at nakasimangot na tumayo. “Stop it, Ellisa! Chelsea will do. Tsk!” Humalakhak naman si Ellisa. Confirmed, baliw nga.

“Goodluck, couz.”

Nginitian niya si Blythe, “Thanks, couz.”

“So ganon? Kay Blythe may thank you sa'min wala? Hmp!”

Natatawa niya akong nilingon at ngumiti, “Thank you, Jade and Mhaey.” ani niya at kumindat. Argh! Jade again?!

Bago ko pa maisipang suntukin si Chelsea ay wala na siya sa harapan ko. Ghad! Mabuti naman kong hindi baka nabalian na 'yon ng buto.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now