Chapter 38: The Kingdoms

30.4K 764 15
                                    

Chapter 38: The Kingdoms

Zamirah's POV

“Zamirah.”

Lumingon ako sa aking likuran. “Bakit ate?”

“Since wala dawng pasok ngayon, sa castle tayo matutulog.”

Nanlaki 'yong mata ko. Finally! Makikita ko na si Mom and Dad!

“T-Talaga!?”

Ngumiti sya at tumango-tango. “And, wala ka bang naaalala kong ano ngayon?”

Nag-isip muna ako bago umiling. Hindi ko talaga alam kong anong meron ngayon.

Tumawa naman siya ng mahina. Kumunot 'yong noo ko. “Bakit? Ano bang meron ngayon, ate?” Nagtataka kong tanong. Umiling naman siya at pinigilang tumawa. She's weird, geez.

“Tara na.”

Kumunot 'yong noo ko. “Saan?

Umirap naman siya. “Sa castle, lil sis. Sinabi ko na kanina diba?”

Ay, oo nga pala.

Umiwas ako ng tingin at napakamot sa batok. “Sabi ko nga.”

Magkatabi kaming naglalakad. We're silently walking on this ground.

“Ang gaganda talaga nila!”

“Magkapatid nga sila, pareho silang magaganda e.”

“Nakakainggit naman 'yong beauty nila.”

“Ligawan ko kaya si Princess Zamirah, bro?”

“Ulol! Hindi ka nga pa nangliligaw, basted ka na!”

“Edi si Princess Alexis nalang!”

“Gusto mo bang matusta ng apoy, bro?”

“Hays sayang naman.”

“Alam mo ba girl? May Royal Ball daw ngayon!”

“Really!? Saan?”

Hindi ko na masyadong narinig 'yong sagot ng babae dahil malayo-layo na kami sa kanila. Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil din si Ate Alexis.

Kumunot 'yong noo ko. “Bakit tayo nandito sa harap ng gate?”

Hindi siya sumagot at ngumiti lang. Hindi na lang ako muling nagtanong pa at umupo sa isang bato sa gilid. Siya naman ay nakatayo lang habang 'yong paa niya ay tumatapik sa sahig.

Biglang humangin ng malakas at lumapag ang isang kalesa but instead of a horse it's a pegasus. My lips parted in amusement. Wow!

Bumaba ang kutsero at binuksan ang pintuan ng kalesa. It's made of gold!

Ngumiti si Ate sa kutsero at sinenyasan na pumasok sa kalesa. Ako 'yong unang pumasok at kasunod naman siya. Halos malaglag 'yong panga ko ng makita ko ang loob.

Wow! Ang ganda!

May magkatapat na upuan at lamesa ang gitna. May television din sa itaas. The chairs are made of gold! Ang yaman pala ng pamilya ko.

Napakapit ako mahigpit kay Ate Alexis na nasa tabi ko ng biglang umangat sa ere 'yong sinasakyan namin.

Hinawakan niya 'yong kamay ko at tinapik-tapik ito. “Calm down, don't be afraid. Masaya to, trust me.” May pinindot siya sa upuan at naging transparent 'yong kalesa. Napapikit ako at mahigpit na kumapit sa kanya. “Look down, lil sis. Sige ka, hindi mo makikita ang ganda ng Crystal World.” ani niya na may bahid na pagtatampo 'yong boses.

Unti-unti kong minulat 'yong mata ko at dahan-dahang tumingin sa ibaba. Inalis ko 'yong pagkakakapit kay Ate.

Oh ghad! Ang ganda!

Kita na kita mula dito ang buong Academy. Unti-unting lumiit 'yong academy hanggang sa hindi ko na makita. Napatingin ako sa ibaba at isa itong malaking bayan.

“That's the Kleán City. Wala na sana 'yan kong hindi dahil kina Damon. Sila 'yong lumaban sa mga Dark Crystalix na lumusob diyan.” Napatango-tango naman ako. Tinuro naman niya 'yong isang gubat. “That's the Dark Forest. May mga mababangis na hayop diyan. Wala pang nakakapasok diyan because it's forbidden.” Nanliit 'yong mata ko. Nakakatakot 'yong aura niya. “Pero hindi naman 'yan ganyan dati sabi nila. Simula nang nawala si Lola Allison ay naging ganyan 'yan.” Tinuro niya 'yong isang malaki at napakagandang dagat. “That's the Aqua Kingdom. Nasa ilalim 'yong kaharian kaya hindi makita.”

“Mga sirena ba ang nakatira diyan?”

Natatawa siyang umiling. “Hindi. Pag nakapasok ka sa kaharian ay walang tubig do'n. Normal lang.”

Wow! Ang cool!

Tinuro naman niya ang isang pulang kaharian. Nag-aapoy ito. “That's the Fyro Kingdom. 'Yang apoy na 'yan ay hindi mainit kundi malamig. Paiba-iba ang kulay niyan.” From red ay naging violet ito. Napanganga ako dahil sa pagka-mangha. “Just like that.”

Lumiko 'yong kalesa pakanan. Tinuro niya ang isang lupang kaharian at may maraming bulaklak. Ang gandang tingnan! “That's the Terra Kingdom. Simple but elegant. Lupa lang 'yan sa labas pero pagnakapasok ka mapapanganga ka talaga. Napakaganda diba?” Tumango ako. Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagsasalita. Nagpatuloy sa paglipad 'yong pegasus.

May tinuro siya sa may bandang ibabaw namin. Tumingin ako sa taas. “That's the Aero Kingdom. The Flying Kingdom. That's the coolest kingdom for me.”

“Paano sila makakababa?”

“Hindi ko alam, hindi pa kasi ako nakakapunta diyan. Pero sabi ni Blake, may secret passage daw diyan. Sabi din ni Blake, pwede dawng mahulog 'yong kaharian nila. Ewan ko lang kong paano.”

Lumiko ng pakanan 'yong kalesa na sinasakyan namin. Tinuro niya 'yong isang kaharian na nag s-snow. “That's the Iceland Kingdom. Palaging may snow diyan pero sabi ni Tristan na pwede naman dawng mawala 'yan. Normal lang din diyan, hindi mainit at hindi din maginaw.”

Napunta 'yong atensyon ko sa isang napakalaking kaharian. It's made of crystal! Wow!

“And that's the Crystal Kingdom, our kingdom. The strongest kingdom.”

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now