Chapter 07: FEST DAY

41.5K 1K 11
                                    

Chapter 07: FEST DAY

Janna's POV

Kanina pa ako pabalik-balik dito sa kusina at cashier. My ghad! Hindi ba sila naaawa sa'kin? Pagod na ako! Ayoko na! Huhu ang hirap pala ng ganito. Di ko ata keri 'to i mean di ko talaga keri to. Ang sakit na ng paa ko. Umupo muna ako sa gilid at hinilot yung paa ko.

"Hoy Janna! Aba naman! Naka upo ka lang diyan samantalang kami naghihirap? Tumulong ka naman!" Sigaw ni Juliana. Argh! Hindi pa nga lumipas ng 1 minute 'yung pagkaka-upo ko dito! "Hoy ka din! Naghihirap ba kamo? Wow naman! Nahiya naman ako sa'yo! Hoy bruha ka! Mas mahirap kaya 'yung trabaho ko kesa sa'yo!" sigaw ko din pabalik. Totoo naman kasi. Pabalik-balik nga ako sa kusina para ibigay ang mga orders ng mga costumer tas sa pupunta naman sa cashier kung may mag oorder. While siya? taga bigay lang ng menu sa mga costumer. Oh diba? Kung makapag reklamo naman tong bruha to akala mo 'yung trabaho niya ay mas mahirap pa sa construction worker!

Tiningnan ko 'yung mukha ko sa salamin at my ghad! O M G! Ang haggard na ng mukha ko! Is this me? My gosh!.... Nag retouch muna ako bago nagpatuloy sa trabaho. Sobrang busy namin ngayon kase today is FEST DAY. Kung saan lahat ng booth ay open. Open na din 'yung Coffee Booth namin.



Thanks God at natapos na rin! Hooo! 'Yun na ata yung pinakahirap na trabaho na nagawa ko sa buong buhay ko. Ang sakit na rin ng paa ko. Hindi ko yata kayang tumayo huhuhu.

"Janna, okay ka lang? 'Nong nangyari sa mukha mo girl? Ba't mukhang nalugi? Pftt." Inirapan ko lang siya at umub-ob sa mesa. "Anong nangyari diyan?" rinig ko pang tanong ni Ellisa. "Ewan. Break ata sila nung jowa niya?" Arghh! Mapapatay talaga kita Juliana! Jowa? Eww yucks! I don't need that. "Err jowa? Wala naman siyang boyfriend diba? Diba single 'yan?" Inis ko naman silang tiningnan. "Sige, ipaglandakan niyo pa na single ako! Putangina niyo! Arghh!" Narinig ko pa silang napahagikhik. Arghh! Bahala sila sa buhay nila! Mas maganda padin ako kesa sa kanila no! Hmp!

"Guys! Meryenda oh!" Agad namang napataas ang ulo ko at tiningnan ang pagkain na nakalapag sa mesa at agad itong nilantakan. Oo nilantakan dahil kanina pa talaga ako gutom! "Hindi naman halatang gutom ka diba?" Sarcastic na sabi ni Tristan. "Wala kayong pake!" Ang sarap! "Sinong nagluto nito? Ang sarap!" ani ko at uminom ng juice. "Me! Masarap ba?" wika ni Ellisa. Tumango lang ako. "Hihihi thanks!" Paano kaya kapag natikman 'to ni Kuya Xyrill? Paniguradong maiinis 'yun dahil may nakalamang na sa kanya. BWAHAHAHAHA!


"Guys! Don tayo sa Photo Booth oh! Picture tayong lahat!" nagtatalon na sabi ni Ellen. "Tara!" masayang sabi ni Tristan at hinigit 'yung kamay niya. I smell something fishy *smirks* "Aba.. hoy! Hintayin niyo kami!" sigaw ni Juliana kina Ellen. Patakbo naman kaming lumapit sa kanila.

"Hi Ma'am and Sir.. Welcome to our Booth. Enjoy!" wika nung isang babae na may short hair. Nginitian lang namin siya at pumasok sa loob. "Guys! Soutin niyo 'to! Daliii!" sabay bigay sa'min ng costume. Pakatapos kong soutin ay agad akong ngumiti at humarap sa camera.

Smile*

Wacky*

Fierce*

Wacky*

Smile*

Pagkatapos namin mag picture ay binigay narin sa'min ang picture. "Omooo! Look guys! Ngumiti si Blythe at Mykel dito! Sheettt!" Oo nga, infairness bagay sila. Ang ganda ni Blythe pag-nakangiti same with Mykel. Sayang lang at 'di sila pwede. Hayss. "Tsk." Sino pa nga ba? Edi ang dalawang cold!

Halos lahat na yata ng booth ay napasukan na namin. Ang saya! Kahit medyo pagod ako dahil sa booth namin ay nabawi naman ito sa ibang booth. Madami din kaming mga candies dahil sa napalunan namin. May teddy bear din kami at nakay Juliana iyun. At ang mga candies naman ay nakay Ellen at Tristan.... These two childish, tsk.

"Uwi na tayo?" Napalingon ako kay Blake ng sabihin niya 'yun. We all nodded. Siguro pagod narin sila katulad ko. "Bye Ellen! Bye Ellisa! Bye Blythe!" paalam namin sa kanila. Ngumiti sina Ellen at Ellisa while Blythe just nodded.

Sumakay na ako sa likod at hinintay na paandarin ang Van. Nakatingin lang ako sa bintana at nag isip-isip. Hanggang kailan kaya kami rito? Mahahanap ba namin siya? Kumusta na kaya sila don? Okay lang ba sila? Sana hindi umatake ang kalaban habang wala kami. Kumusta na kaya si Kuya Xyrill? Sana naman hindi na siya torpe para hindi na siya maunahan pa... Ang torpe kasi 'nun.

What if.... what if wala kaming kapangyarihan? Ano kayang magiging buhay namin? Makilala ko kaya sila? Napa buntog-hininga nalang ako. I just want to live normally. I didn't wish to have a power.

"Okay ka lang?" Napalingon naman ako kay Juliana. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. "Sure ka? Para kasing may problema ka. Share naman dyan! Makikinig ako." Kahit 'di halata, siya 'yung pinakaclose ko sa'ming lahat. Kahit para kaming aso't pusa.

"Hindi.. Okay lang talaga ako. Promise!" sambit ko sabay ngiti. Tumango naman siya at ngumiti pabalik. Kinuha niya yung ulo ko at pinatong sa balikat niya. "Always remember that I'm always here for you i mean We're always here for you. We love you Janna." I smiled and a single tear fall from my eyes. I'm so lucky to have them. Ang swerte-swerte ko. Binabawi ko na... mas okay pala na meron akong kapangyarihan at least nakilala ko sila. "Thank you." Mahinang sambit ko at tuluyan ng nakatulog.

"Janna, hey wake up. We're already here." Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tiningnan ang paligid. Nandito na pala kami sa bahay namin. Lumabas na ako sa Van at pumasok sa loob.

"Akyat muna ako sa kwarto ko. Tawagin niyo na lang ako pag kakain na. Thanks." They just nod. Umakyat na ako sa kwarto ko at binuksan ang pinto. Agad na sinalpak ko ang katawan ko sa kama at pinikit ang mga mata ko.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now