Chapter 42: The Second War

34.5K 856 10
                                        

Chapter 42: The Second War

No One's POV

Lahat ay nakikipaglaban sa mga Dark Crystalix. Pagod na sila pero kailangan nilang lumaban para sa mundo nila.

Habang sa lugar naman ng Gods and Goddeses ay nando'n sila na nag-uusap.

“Goddess Natalia, hindi ba natin sila tutulungan?” tanong ni Goddess Waleria na nag-alala sa anak niyang si Kierra.

Umiling si Goddess Natalia. “Hindi pa niya tayo tinatawag.”

Walang ibanng nagawa si Goddess Waleria at tumahimik na lang.








“Well, well, well... so you're Blythe huh?” Hindi siya sumagot pagkat ay ngumisi lang. Naiinis naman 'yong kalaban niyang babae at tinira siya ng dark water. Nabigla ang kalaban niya ng bumalik ito sa kanya. Nanlaki 'yong mga mata ng kalaban niya.

“I'm not Blythe, dear. I'm Maegan. The one and only.” Ani niya at kinunan niya ito ng hangin hanggang sa hindi na ito maka-hinga.

Ngumisi siya sa isip niya. Piece of cake.

Tatalikod na sana siya ng biglang dumilim ang kalangitan at kumulog ng malakas. Napatingin siya sa taas ng may dalawang lalaki na nakasakay sa kidlat.

The Prince and the King.

Lumapit si Ellisa at Ellen kay Blythe. Sila ang guardian ni Blythe mula pagkabata.

Napangisi ang hari ng makita si Zamirah. “Happy Birthday, Princess Zamirah.” ani nito at ngumisi.

“Hindi ba ako imbitado sa kaarawan mo?” dagdag pa nito.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Zamirah.

Tinira siya ni Zamirah ng Crystal ball na agad naman nitong naiwasan. “Not so fast, Princess.” ani nito at walang sabing tinira si Zamirah ng dark fire ball.

Hindi agad naka-galaw si Zamirah, pinikit niya ang mga mata niya at hinintay na tatamaan siya. Pero lumipas ang ilang minuto ay wala parin siyang nararamdamang sakit. She opened her eyes at nakita si Blythe sa harapan niya naglagay ng barrier.

Niyakap siya ni Blythe. “Please, be careful. I can't afford to lose you. May kailangan ka pang malaman.” Niyakap ko din siya pabalik.

Kahit naguguluhan ay tumango lang siya at ngumiti.

Hinarap ni Blythe ang hari na nakangisi. “Kierra and Jazzmyn, you handle the Prince.” ani nito at ngumisi.

Ngumisi naman ang dalawa at tumingin sa prinsepe na dritso lang nakatingin sa kanila. “Sure, Princess Maegan.”

Palipat-lipat lang ang tingin niya kay Blythe at sa dalawa. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kong bakit tinawag si Blythe na Princess Maegan.

“Let the real war, begin.” ani Blythe at ngumisi.

Binuksan niya ang palad niya at nagpalabas ng water ball at fire ball sa magkabilang palad. Nanlaki 'yong mga mata ni Zamirah at halos hindi makapaniwala sa kanyang nakita.

Isinantabi niya muna ito nagpalabas din ng air ball at earth ball sa magkabilang palad. Halos hindi makapaniwala ang hari sa kanyang naasiksahan. Hindi niya alam kung bakit may gano'ng kapangyarihan si Blythe. Blythe took an advantage at tinira ito sa hari. Agad namang napa-atras ang hari at tumingin sa kaniya ng masama.

Nginisihan niya lang ito. Naglaban silang tatlo at halos hindi na makita ang kanilang mga galaw. Sobrang bilis nito.

Ang mga Royalé naman ay may kanya-kanya ding kalaban. Medyo nahirapan sila sa kalaban nila dahil isa itong mataas na ranggo sa Ginovia Kingdom.

Lumipad pataas ang hari kaya sinundan ito ng dalawa. Nagulat si Zamirah ng makitang lumipad pataas si Blythe ng walang pakpak. Tanging mga malalakas lamang ang makakalipad na walang pakpak.

Pinaulanan ni Blythe ang hari ng air blades. Agad naman nitong naiwasan. Zamirah threw him a Crystal ball at agad itong napa-atras.

Naglaban sila Blythe at ang hari. Sobrang lakas ng mga kapangyarihan nila. Nakatingin lang si Zamirah sa kanila.

Naguguluhan siya kong bakit may air, water and fire power si Blythe. Nanlaki 'yong mata niya ng makitang nagpalabas ng crystal sword si Blythe.

Madami siyang katanungan sa isipan niya at tanging si Blythe lang ang makaka-sagot.

Nanlaki 'yong mata niya at napahawak sa may bandang puso niya ng biglang itong sumakit. Tiningnan niya 'yong kamay niya na nakahawak sa may bandang puso niya, may dugo sa mga kamay niya.

Dahah-dahan akong napatingin sa may bandang puso ko. May sword na nakatarak dito. Napalingon ako sa likuran ko at nakita doon ang prinsipe na nakangisi. Pero bigla ding napawi ang ngisi niya ng sinaksak siya ni Ellen sa may bandang puso niya.

Nawalan ako ng kontrol at dahan-dahang nahulog. Siguro ito na talaga ang katapusan ko. Pumikit ako at hinintay ang pagbasak sa lupa.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now