Chapter 39: Its Zamirah's Birthday!

30.6K 776 12
                                    

Chapter 39: Its Zamirah's Birthday!

No One's POV

Halos magkandarapa ang mga tauhan sa kaharian dahil sa pag-aayos ng kaharian para sa gaganapin na party. Nando'n naman si Zamirah sa kwarto niya at nakahilata sa kama.

Zamirah's POV

Hindi ko pa nakikita sina Mom and Dad simula nang makarating kami dito. Siguro they're busy.

Si Ate Alexis naman ay bigla nalang nawala kaya no choice ako kundi ang mag-stay nalang dito since wala naman akong ibang kilala dito at hindi ko din alam ang pasikot-sikot dito.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa mini-library dito sa kwarto ko. Aksidente kong nasagi ang isang libro. Kumunot 'yong noo ko ng may isang maliit na papel na lumabas.

Kinuha ko ito kasama ang libro at umupo sa isang sofa na malapit sa bintana.

Axilla Maegan Nix

Wala ng iba pang nakalagay maliban doon. Binuklat ko ang libro at tumingin sa ibang page kong may Axilla Maegan Nix bang pangalan pero wala na. Nakakapagtaka.

Who is she?

Nagsitayuan 'yong balahibo ko ng banggitin ko ang pangalan niya kanina. Nasisiguro kong malakas siya.

Who ever you are, please help us to defeat the Dark Crystalix.

Binalik ko na 'yong libro sa kinanalagyan nito ang kumuha ng ibang libro at nagbasa.

Alexis' POV

“Why are you here, Alexis? You're supposed to be in the castle, right?”

Tiningnan ko silang lahat. “I need your help.”

Kumunot 'yong noo nila. “Para saan?”

“Anong petsa ngayon?”

Nagkatinginan muna sila bago sumagot. “October 18.” Nanlaki 'yong mata nila. “It's Zamirah's birthday!”

Ngumiti ako. “Exactly! Girls, kailangan niyong ayusan si Zamirah dahil may magaganap na party sa castle. H'wag kayong magpapahalata.” Tumango sila. “Boys, make sure kong lalabas siya ay hindi niya makikita 'yong mga bisita at kong pwede tumulong na din kayo sa pag-hahanda.” Tumango naman sila.

“Wait, hindi ba niya alam na birthday niya ngayon?” tanong ni Janna.

“Nakalimutan niya.” Umiling-iling ako at tumawa ng mahina.

“Iba talaga, Hahaha!”

“Where's Blythe, Ellen and Ellisa?” tanong ko.

Tumaas 'yong isang kilay ni Andy. “Oh. Those flirts? Siguro naghahanap ng next target para landiin.”

Sumama 'yong mukha ko. Tiningnan ko siya ng malamig. “Andy, they're not flirts. Stop saying that. Hindi mo sila kilala so don't judge them.”

Umalis na ako sa harapan niya bago ko pa siya masapak. Kumukulo 'yong dugo ko sa kanya.

Blythe's POV

“Blythe! Hindi ba tayo pupunta sa Castle? It's Zamirah's Birthday!” Nangniningning 'yong mata ni Ellen. Basta pagkain talaga, tsk.

I just shrugged my shoulder. I don't know either.

“Eh! Birthday ng cousin mo!”

Inirapan ko siya. “We're not cousins.”

Kumamot siya sa batok niya. “Ay, oo nga pala.”

Humiga ako sa sofa at pinatong 'yong braso ko sa mga mata ko. October 18 nga pala ngayon.

Biglang bumukas ang pinto at sumirado din agad ito. “Blythe.” Inalis ko 'yong braso ko sa mga mata ko at tumingin sa kanya. “Masamang balita.” Napa-upo ako sa sofa at sinenyasan siyang umupo. “10:00 PM ang red moon.” Nanlaki 'yong mata ko. Natahimik naman si Ellen.

B-Bakit ngayon p-pa?

“P-Paano mo nalaman?” Nanginginig na tanong ni Ellen na mukhang naka-recover na.

“Nagpakita sa'kin si mom kanina at sinabihan niya ako. Blythe,” Tumingin siya sa'kin. “W-What to do?”

“Anong oras na?”

Tumingin siya sa relo niya. “6:32 PM na.”

“Kailangan nating pumunta. Kailangan nating bantayan si Zamirah.” Tumayo ako. “Ellisa, sabihan mo si Head master Gray. Ellen, make sure na nasa Crystal Kingdom ang lahat ng hari't reyna. Mauna na kayo sa kaharian dahil may gagawin pa ako.”

“Blythe,” Niyakap nila ako. “Be careful.” Ngumiti ako at yinakap sila pabalik.

“I will.”

“How about our gown?”

Pinitik ko ang daliri ko at tinuro silang dalawa. Biglang nagbago 'yong suot nila. Ellisa's wearing a tube dark blue dress na may bahid na light blue sa ibaba. Kumikinag din ito dahil nilagyan ko ito ng silver dust. Nakalugay lang 'yong straight niyang buhok. Her hair color was black kaya linagyan ko ito ng highlight na dark blue.

Ellen's wearing a green cocktail dress. Gano'n din sa kanya darkgreen 'yong itaas habang unti-unti namang naging light ang ibaba. Linagyan ko din ng highlight na dark green 'yong buhok niya.

“There. Now go.”

They smiled and mouthed me 'thank you'

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now