Chapter 33: The Real Long Lost Princess

33.2K 891 59
                                    

Chapter 33: The Real Long Lost Princess

Someone's POV

Malapit na ang pulang buwan! Maghintay ka Princess Zamirah, kukunin ko lahat ng kapangyarihan mo! Tatalunin ko kayong lahat at mananalo kaming Ginovia Kingdom! BWAHAHAHAHA! MAPAPASAAKIN DIN ANG BUONG CRYSTAL WORLD!

No One's POV

Nagising ang mga estudyante sa Academy ng makarinig sila ng malakas na pagsabog. Lumabas sila ng dorm at nabigla ng makita ang mga  halimaw. Isa itong Hypro Monster na kayang kunin ang kapangyarihan ng isang Crystalix ma pa dark o white man. Kailangan mo lang maihiwalay ang ulo niya sa katawan nito para tuluyan itong mamatay.

Tumulong na rin ang Royalé sa pakikipaglaban.

Hiniptosimo ni Alesxia ang isang halimaw at pinalapit niya ito sa kanya at tumalon ng mataas. “Ice Sword!” At pinutol niya ang leeg nito.

Nag-summon sila ng espada gamit ang kapangyarihan nila. Blake removed the air inside the Hypro Monster hanggang sa napaluhod ito at kinapos ng hangin. Mabilis na pinutol ni Blake ang leeg nito.

Pina-ulanan ni Zamirah ng fire shurikens ang isang Hypro Monster at tumalon siya ng mataas at pinutol ang leeg nito. Hindi siya nahirapan sa paglaban dahil malakas naman siya. Gano'n din si Alexis.

Napa-upo sila at humangos ng maraming hangin ng mapatay nila ang lahat ng Hypro Monster. Hindi nila alam kong bakit sila inatake ito.

“Naalala niyo pa sa Jeva Town?” Napalingon sila kay Zamirah at tumango. “I think umulit lang ang pangyayari. Someone controlled them.”

Walang ni isang nagsalita sa kanila. Napatayo sila mula sa pagkaka-upo ng maramdamang yumayanig 'yong lupa.

“Oh ghad! Pagod na ako!” Sigaw ni Andy.

Akmang susugod na sila ng may biglang itong natumba. Napatingin sila sa gumawa nito at halos hindi sila makagalaw sa kanilang kinatatayuan. 

“Blythe naman e! Hindi mo man lang kami pinatira! Huhu!” ani Ellen.

“Too slow. Tsk!”

Blythe's POV

“Let's go. Kailangan pa nating puntahan si Head master Gray.”

Nakatingin lang sa'min sila Alexis. Lalagpasin na sana namin sila ng hawakan ni Finn 'yong kamay ko. Liningon ko siya at binigyan ng cold stare.

“E-Elyzelle.” utal-utal niyang sabi.

Kinuha ko 'yong kamay ko sa kanya. “Not now, Finn. May kailangan pa kaming asikasuhin.” Malamig kog sabi at linagpasan sila.

Ayoko munang harapin silang lahat. The pain is still here at hindi ito madaling mawala. Kahit walang kami nasasaktan ako.

Tinapik ni Ellisa 'yong balikat ko. “Hey, you okay?” Nginitian ko siya at tumango. I'm trying to be okay.

“Kailan natin sasabihin sa kanila ang totoo, Blythe? Walang katotohan na maitatago.” Ngumiti ako ng mapait. Ellen's right.

“Kakausapin ko si Chelsea mamaya.” I replied.

Tumango naman sila at pinagpatuloy na namin 'yong paglalakad.

Chelsea needs to know the truth. Hindi siya puwedeng mabubulag sa kasinungalingan. May karapatan siyang malaman ang totoo.

Tumigil kami sa paglalakad ng nasa harapan na namin ang Head master's office. Biglang bumukas ang pinto. When we entered the office, nakita namin si Head master na nakatingin sa labas ng bintana at tulala. Nagkatinginan muna kaming tatlo bago lumapit kay Head master.

“Head master?” Tawag pansin ni Ellen sa kanya.

Liningon niya kami at nginitian. “Oh. Kayo pala.”

“Head master may sasabihin po sana kami.” wika ni Ellisa.

Umupo siya sa swivel chair at sinenyasan niya kaming umupo sa sofa. “Ano 'yon?”

Tiningnan ako ni Ellen at Ellisa at tumango.

“The second war is coming.” Nanlaki 'yong mga mata niya. “We need to train the students.”

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa'min. Bumuka 'yong bibig niya pero walang salita na lumabas. Nasa state of shock parin siya.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. “Sige po, head master. Lalabas na po kami.”

Bago kami makalabas ay nagsalita siya. “K-Kailan?” Mahina niyang sabi na halos bulong na lang.

“Pagsapit ng red moon.”

Nang makalabas kami ay tahimik kaming naglalakad papuntang dorm namin. Napatigil kami sa paglalakad ng makita ang Royalé na naglalakad papunta sa'min.

“Ellisa and Ellen..” Tumango naman sila at ngumiti ng mapait.

Lumiko sa kanan si Ellisa at sa kaliwa naman si Ellen. Nakita naman ito ni Blake at Tristan kaya sinundan nila ito.

'Good luck.' ani ko sa isip nilang dalawa.

“Chelsea, we need to talk.” ani ko kay Chelsea ng tuluyan na silang makalapit sa puwesto ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Andy at nameywang. “Pardon? She's not Chelsea. She's Princess Zamirah. Show some respect, flirt.” Hindi ko siya pinansin. Ang mga taong katulad niya ay kulang lang sa pansin. Sayang lang sila sa oras.

Tumango si Chelsea at lumapit sa'kin.

“What? Sasama ka talaga sa kanya? Baka traydor siya!”

Tiningnan naman siya ng masama ni Chelsea. “Shut up, Andy. This is not your life kaya h'wag mo 'kong diktahan.” Napatingin ako kay Andy na ang sama ng tingin sa'kin. Nginisihan ko naman siya. Serves you right, bitch.





“ANO bang pag-uusapan natin, couz?”

Bumuntog-hininga ako. “Chels, don't call me couz, we're not cousins.”

Kumunot naman 'yong noo niya. “What do you mean?”

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. “Chels, oo nag papanggap ka lang bilang prinsesa kasi 'yon ang plano ko pero Chels... ikaw talaga ang nawawalang prinsesa.”

Nanlaki 'yong mga mata niya at napa- nganga. Well, I can't blame her. Nakakagulat naman kasi.

“October 18 was your birthday, right?” Tumango siya. “May birthmark kang korona sa bandang beywang mo?” Dahan-dahan siyang tumango. “Iyon ang palatandaan na ikaw ang nawawalang prinsesa.”

“B-But how?”

I shrugged. “I don't know either.”

“Sa birthday mo, lalabas ang ika-lima mong kapangyarihan, ang Crystal Power. Just like the power of Queen Keindria.”

Unti-unting tumulo 'yong luha niya at napatakip sa bibig niya. “Oh ghad!”

I hugged her. “Welcome back, Princess Zamirah Yvonne Kyel Hayashi.” Mahina kong bulong sa kanya.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now