Chapter 36: Their situation
No One's POV
Sa isang apat na sulok na kuwarto ay nandoon si Ellisa at Ellen na tulala na parang wala sa sarili.
Malakas na bumuntong-hininga si Blythe at linapitan ang dalawa. “Our world needs us.”
Apat na salita na nakakapag-balik sa huwisyo kay Ellen at Ellisa. Kailangan nilang maging maayos. They didn't sacrificed their happiness just for nothing.
Kanina pa sila tapos mag-ayos. Kahit na mag-ayos ay wala parin sa sarili ang dalawa. Binuksan ni Blythe ang pintuan at lumabas sa dorm, sumunod naman ang dalawa.
Wala ng estudyante sa hallway dahil kanina pa nagsisimula ang klase. Binuksan ni Blythe and relo niya and it's already nine o'clock, 1 hour na silang late.
“So nagawa niyo? Congrats.” Hindi umimik ang dalawa. Sugatan parin 'yong puso nila. At tanging si Blake at Tristan lang ang nakakahilom nito.
Napatigil sa pag-uusap sina Andy at Juliana nang makitang pumasok sina Blythe, Ellen at Ellisa sa room.
Tumayo si Andy at ngumisi.
“Well, well, well.. look who's here. The FLIRTS. Why are you here by the way? You don't belong here! Bawal ang mga malalandi dito!”
Nabigla silang lahat ng hawiin ni Blythe si Andy at diretsong umupo sa upuan niya. Sumalampak si Andy sa sahig. Dali-dali itong tumayo at linapitan si Blythe. Sasabunutan na sana niya ito ng biglang nagpalabas ng matulis na ice blade si Blythe at tinutok sa leeg ni Andy. Konting maling galaw nalang nito ay masusugatan na siya.
“Lumayas ka sa harapan ko kong ayaw mong gilitin ko 'yang leeg mo. At h'wag kang magsalita, naiinis ako sa boses mo.” Dali-dali namang umalis si Andy sa harapan ni Blythe at tahimik na umupo sa upuan niya.
Umupo sina Ellen at Ellisa sa upuan nila at umub-ob sa mesa. Ayaw nilang makita 'yong mukha nina Tristan at Blake, mas lalo lang silang nasasaktan.
Tumingin si Blake kay Ellisa. Gusto niya itong yakapin at halikan pero naalala niyang hiwalay na pala sila. Nasasaktan at siya and at the same time galit. Galit siya dahil parang hindi ito nasaktan.
Palipat-lipat naman ang tingin ni Alexis kay Blake at Ellisa. Nagtataka siya kong bakit tahimik lang ito. Alam niya ang relasyon nina Blake at Ellisa dahil sinabihan siya ni Blake. They're close friends since back then.
Si Tristan naman ay tahimik lang sa isang tabi. Panay lang ang sulyap niya kay Ellen. Hindi niya alam kong magagalit ba siya kay Ellen o hindi.
Si Juliana naman ay masamang nakatingin kay Ellen. Galit siya dito dahil sinaktan niya ang lalaking mahal niya. Alam niya ang lahat dahil aksidenteng napunta siya sa garden at narinig niya ang lahat. Gusto niya itong sampalin at sabunutan dahil wala itong karapatang saktan si Tristan. In her eyes, Ellen's just a trash.
Si Mykel naman ay tinitigan 'yong likuran ni Blythe. Gusto niyang mag-sorry dahil hindi niya sinabi ang totoo. Nag-iisang linya 'yong kilay niya ng lumapit si Damon kay Blythe at kinausap ito.
“Elyzelle..”
Naiinis din siya pag tinawag ni Damon si Blythe na Elyzelle. Gusto niya itong hatakin papalayo kay Blythe.
Umub-ob nalang siya sa lamesa niya at hindi nakinig sa pinag-uusapan ng dalawa. Nasasaktan siya dahil kinausap nito si Damon habang siya naman ay hindi.
NAPA-AYOS ng upo ang lahat ng pumasok si Master Klyde. Tumayo sila at binati ito.
“Ang tahimik niyo ata?” Walang umimik sa kanila. Pinagsawalang- bahala na lang iyon ni Master Klyde. “So again, kailangan niyong mag training, hindi para sa sarili niyo kong hindi para sa buong crystal world.”
Nagtaas ng kamay si Andy. “Master Klyde, bakit po kailangan naming mag-train?”
Bumuntong-hininga si Master Klyde bago ito nagsalita. “Para sa Second War.” Napasinghap ang lahat maliban sa tatlo. Nanginginig na umupo pabalik si Andy. Hindi nila lubos maisip na may second war.
Walang ni isang gustong magsalita at parang naputulan sila ng hininga. Natatakot sila kong ano ang mang-yayari. Natatakot sila na baka may mawala sa mga mahal nila sa buhay.
Mapait na ngumiti si Blythe sa kanyang isipan.
Hindi ko hahayaang may mawala sa inyo.
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyShe's Elyzelle Blythe Delevigne. She's a Gangster Queen and a Mafia Princess. She's cold. She's merciless. She's brutal. She's always wearing an emotionless face. Many idolize her because of her beauty and wealth. But she's different... She's...