Chapter 31: Fight

29.7K 848 37
                                    

Chapter 31: Fight

No one's POV

Masayang nagtatawanan sina Andy, Janna at Juliana papasok sa classroom nila ng aksidenteng nasagi ni Andy ang tubig sa lamesa ni Ellen at natapon ito sa pinipinta niya. Ellen loves to paint, it's one of her hobbies.

Tiningnan ito ni Andy at ngumisi. “Ops, sorry.”

Hinampas ni Ellen ng malakas ang lamesa na naging dahilan para mapatingin sa kanila ang lahat. “Lumayas ka sa harapan ko kong ayaw mong sampalin kita.” Nagtitimping wika ni Ellen. Importante sa kanya ang lahat ng pinipinta niya.

Mas lalong lumapit si Andy at nag smirk. “Pa'no kong ayaw ko?”

Ngumisi si Ellen at sinampal ng malakas si Andy dahilan para mapaatras si Andy. “I warned you pero hindi ka sumunod. Masarap ba?”

Tiningnan siya ng masama ni Andy at sasampalin na sana ng mahawakan ni Ellen 'yong kamay niya.

“Ang ayoko sa lahat 'yong mapunta lang sa wala lahat ng pinaghihirapan ko.” Padabog na binitawan ni Ellen 'yong kamay ni Andy at bumalik sa pagkaka-upo.

Ellen's POV

Until now naiinis pa rin ako kay Andy. Like what the hell!? Pinaghirapan ko 'yong pininta ko! Argh!

Nandito kami ngayon sa canteen, kumakain. Akmang tatayo na sana ako ng may malamig akong naramdaman sa ulo ko.

“Oh ghad! I'm sorry, Ellen. Nadulas kasi sa kamay ko e.” Tiningnan ko siya ng masama. Alam kong sinadya niya 'yon.

Tumayo ako at inis na hinarap siya. “Alam mo bang kanina pa ako nagtitimpi sa'yo? Una 'yong paint ko ngayon naman ako? Nakakadalawa ka na, Andy.”

Umirap siya. “And so?”

Sinakal ko siya at inangat sa ere. Everyone gasped dahil sa ginawa ko.

“A-Ano ba! Bi-Bi-Bitawan mo a-ako!” Nahihirapan niyang sabi.

“Ellen! Bitawan mo siya!”

“Ellen! Calm down!”

“Ang ayoko sa lahat 'yong ginagalit ako.” Mas lalo ko pang siyang inangat sa ere. “Kaya h'wag na h'wag mo akong galitin. You don't know me, Andy. Kaya kitang patayin ngayon mismo.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Ellen! Stop! Mapapatay mo siya!”

Tumingin ako kay Janna. “Edi mas mabuti!” Binigyan niya ako ng di makapaniwalang tingin.

Napabitaw ako kay Andy ng may kamay na dumampo sa aking pisnge. My lips parted in surprise. D-Did she just s-slapped me?

“Mapapatay mo siya, Ellen! Ayokong magkaroon ng kaibigan na mamamatay tao!” Napa-atras ako dahil sa sigaw niya. “Bakit ka ba ganyan? You changed! Hindi na ako magtataka kong isang araw magiging malandi ka! Nilandi mo na si Tristan, sinong next target mo? Si Blake? Si Damon? Si Mykel? Si Kuya Xyrill?” Tumingin ako sa mga mata niyang puno ng galit.

Ang sakit palang masabihan ng malandi galing sa kaibigan mo. Fvck!

“Juliana! Stop!” Pigil ni Tristan sa kanya.

Tumingin siya kay Tristan na puno ng galit at sakit. “Mahal kita, Tristan! Alam mo 'yon? Palagi akong nagseselos pag nakita ko kayong dalawa na magkasama.” Unti-unting tumulo 'yong mga luha niya. “Mahal na mahal kita simula bata pa lang tayo. Nandito naman ako Tristan, bakit siya? Bakit mas pinili mo 'yan malandi na 'yan?!” Tumingin siya sa akin ng masama.

“Hindi siya malandi, Juliana.”

“H'wag kang makialam, Blythe!”

“Kaibigan ko 'yan sinasabihan mo ng malandi.” Sinamaan niya ng tingin si Juliana. “Kilala mo ba ang buong pagkatao niya para sabihan mo siya ng malandi?”

“Malandi ka din naman, Blythe diba?” Tiningnan niya ng masama si Andy. Pinalilibotan na siya ng dark aura.
“Nilalandi mo si Mykel! Hindi kayo bagay! Inagaw mo si Mykel sa'kin!”

“Wala sa'yo, Andy. Walang nag mamay-ari sa kanya.”

“Meron.” Ngumisi si Andy. “Si Zamirah, at she's a Princess and he's a Prince, kaya mas bagay silang dalawa.  Nakakatakda silang ikasal, Blythe.”

Unti-unti nawala 'yong dark aura na pumalibot kay Blythe at ngumiti ng mapait. “Alam ko.” Tumingin siya kay Mykel at Zamirah. “You two suit together.” Mabilis niya kaming tinalikuran.

Tumingin ako kay Juliana. “Masaya ka na bang nasaktan mo kaming dalawa?” Tumawa ako ng mapakla. “Ang galing mo din e no?” Tiningnan ko silang lahat. “Sana hindi nalang namin kayo nakilala. Sana hindi nalang nagtagpo 'yong mga landas natin. Kalimutan niyo ng may Ellen kayong nakilala.”

“Ellen!” Hindi ko pinansin ang tawag ni Tristan at mabilis ko silang tinalikuran.

Hindi sila kawalan!

Ellisa's POV

“Congrats! Sinaktan niyo 'yong dalawa kong kaibigan.” Tumingin ako kay Juliana. “Kong may malandi man dito ikaw 'yon. Hindi ka nababagay para maging isang prinsesa. Tsk.”

Tinalikuran ko sila at sinundan si Ellen.

Wala akong pakialam kong gumagawa na kami ng eskandalo kanina. For sure, kakalat 'to sa Academy. Maraming chismosa e, tsk.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now