Chapter 40: Zamirah's Birthday Party
Zamirah's POV
Kumunot 'yong noo ko ng biglang bumukas ng malaki ang pintuan at pumasok sina Juliana, Janna, Ate Alesxia at Andy.
“Bakit kayo nandito? And where's ate Alexis?”
Linibot nila 'yong paningin sa loob ng kuwarto ko. Nababakas ang pagkakamangha sa mga mata nila.
“Wow! Ang laki ng kwarto mo! Hindi ganito kalaki ang kwarto ko sa kaharian namin.” ani Janna.
“Hindi niyo pa sinasagot 'yong tanong ko.”
Akmang lalabas na sana ako ng hinawakan ni Ate Alesxia 'yong braso ko. “Aayosan ka muna namin.”
“Para sa'n?” Naguguluhan kong tanong.
“Gagala tayo sa bayan. May bibilhin kami kaya kailangan mong sumama.” Sumama 'yong mukha ko. Wala pa naman akong ganang gumala ngayon. I just want to see mom and dad.
Hinawakan niya 'yong balikat ko at pina-upo sa harapan ng malaking salamin. “Just close your eyes and relax. Kami ng bahala sa'yo.”
I closed my eyes at hinayaan sila kong ano ang gusto nilang gawin sa mukha at buhok ko.
“DONE! Perfect! Ang ganda mo!”
Minulat ko 'yong mata ko at napatitig sa sariling repleksyon sa salamin. Wow! Ang ganda ko. Light make-up lang siya pero bagay na bagay sa'kin.
Napakunot 'yong noo ko ng makitang may gown sa kama ko. “Wait, bakit may gown d'yan? At,” Tiningnan ko ulit 'yong sarili ko sa salamin. “Bakit ganito 'yong pagkaka-ayos ng buhok ko? At 'yong make-up ko?”
Walang ni isang nagsalita sa kanila. Tumikhim si Juliana. “Just.. Just wear that. We'll wait for you downstair.” Hinila niya si Andy palabas at sumunod naman sina Janna at Ate Alesxia.
Tumayo ako at kinuha 'yong gown. Pumasok ako sa comfort room at sinuot ito. At first nahirapan pa ako pero naging maayos naman.
Bakit pa kasi magsuot ako ng gown? Gagala lang naman kami tas naka gown ako.
I looked my own reflection in the mirror. I was stunned at halos hindi kumurap ang mga mata.
W-Wow. Hindi ko halos makilala 'yong sarili ko. Umikot ako sa harapan ng malaking salamin. The gown is really beautiful.
YOU ARE READING
The Lost Princess
FantasyShe's Elyzelle Blythe Delevigne. She's a Gangster Queen and a Mafia Princess. She's cold. She's merciless. She's brutal. She's always wearing an emotionless face. Many idolize her because of her beauty and wealth. But she's different... She's...