Ate pag lalambing ng maldita kong kapatid.
Masakit talaga.
Ilan bang bote ng beer ang nainom mo.
I don't remember..
Hay ikaw talaga alam mo na mahina ka sa inuman eh. O nga nga. Mainit. Pag subo ko sa kanya habang nakadikit sya sa akin at niyayakap ako.Ehh ako din. Pag seselos ni natsumi...
Eh akin lang si ate. Pang aasar ni mae sa pamangkin.
Eh. hinawakan ako ni natsumi sa kabilang kamay.Ahhh akin si mama..
Hindi akin.
Akin.Di na ako makakain ng ayos.
Nakatingin lang sa amin sina lulu at ace.Akin nga si ate. Tinatangal niya ang kamay ni natsumi na nakayakap na sa akin.
Akin nga si mama. Eh diba ma. Tanong niya sa akin.
Akin nga si ate. Diba teh love mo ko.
Hindi. Sigaw ni natsumi. Ako ang love ni mama.
Ako kaya.
Ako diba ma.Eh di sinagot. Kawawa.
Hindi kaya. Panget si tita. Sigaw niya.Nakita ko na pababa na sila madam.
Hindi kaya ikaw kaya ang panget.
Ikaw kaya.
Ikaw kaya.
Ang baho ni ng kilikili ni natsumi.
Mas mabaho si tita.Mae. Natsumi tigil na nakakahiya na po kayong dalawa.
Si tita kasi eh.
Ikaw kaya.
Mama oh si tita panget.
Hahaha ikaw kaya panget.
Isusumbong kita kay mama.
Nah. Tanong ni mae.
Mama si tita may mga magazine ng.Bago pa makapag salita si natsumi ay natakpan na niya ang bibig nito.
Pag harap ko sa kanilang dalawa ay parehas silang namumutla.
Ng dahil sa ginawa nilang pag haharutan nasira ang damit ko.
Ano ang tungkol sa magazine ni tita natsumi.
Pinandilatan niya ito ng mata.
Ahmm lulu may nakita akong kahoy jan eh yung maliit na pat pat. Paabit namn.
Ano ang tungkol sa magazine.
Parehas silang nakaluhod sa harap ko.
Ate malaki na ako para paluin nakakahiya baka makita ng iba.
Wala akong paki umamin muna kayo.
Ano ang tungkol sa magazine.
Ito kasi eh bang ingay. Pag turo ni mae kay natsumi.
Ano walang mag sasalita.
Bibilang ako ng tatlo.
Isa. Tatlo.
Wala pa ngang dalawa eh.
Ah nag bibilang si ace.
Ulit.
Isa dalawa.
Teka ate ang bilis.
Isa.
Alam ni natsumi at ni mae na kapag binagalan ko na ay galit na ako.
Wala namn mahalaga sa magazine na yun eh.
Oh bakit itinatago nyu pa ano bang magazine yun.
Eh yaoi ate.
Bakit namn ipinakikita mo sa pamangkin mo.
Hindi namn eh aksidenti nya lang nakita. Ng mag tagoan sila ng mga kalaro nya.tapos pinakailaman na nya.
Oh ikaw nmn batang maliit bakit namn nangangailam ka ng di sayo. Ano bang sabi ko sa iyo pag di sayo wag gagalawin diba.
So ano mag sesekreto pa kayo sa akin.
Umiling ang dalawa. Ikaw na dalaga ka mag uusap tayo mamaya.
Mae Pov.
Pag tayo ko ay nakatayo na sa likod namin ang mga kasama nya.
Tumingin ako kay ate. Nakakahiya ang laki ko na para sa ganun. Pero kasi alam. Ko na kasalanan ko. Ingay kasi nitong maldita na to.
Dumila sya sa akin.
Minsan nakakainis talaga tong maliit na to.
Kaya niyakap ko si ate at parang pusang nag lalambing sa kanya..
Di namn nag patalo ang malditng duwinde na to. Niyakap nya rin si ate at pairap na tumingin sa akin.
Liit liit pa eh maldita. Pag sasabi ko sa likod ni ate kaya binatukan nya ako. Aray. Angal ko.
Liit pa ng pamangkin mo pinapatulan mo.Pumunta si ate sa sala at nakasunod kami. Ng umupo siya sa carpet ay humiga ako sa hita niya. Ganun din ang ginawa ni natsumi. Mag kaharap kaming nakahiga sa hita ni ate.
Di rin namn nakatagal ay nakatulog siya. Tumingin ako kay ate at ngumiti. Tumitig ulit ako kay natsumu at di ko inaasahan na makatulog.
Lulu pov.
Nakakatuwang kapatid at anak mo. Pag salubong ko sa kanya ng lagyan nya ng kumot ang mga ito.
Salamat sa pag kuha ng kumit lulu ah.
Ano ka ba wala yun.Pasensya ka narin ah ganyan kasi yang dalawa na yan kapag mag aasaran.
Oke lang para ka ngang may dalawang baby.
Sinabi mo pa mas maingay nga yang dalawa na yan kapag nasa bahay.Asan na pala ang papa ni natsumi.
Di ko na rin alam simula ng ipakulong ko at mapalaya di ko na alam kung saan lupalop nakatira ang tao na yun. Pero mabuti na rin yun para di kami nagugulo sa buhay. Eh ang papa ni ace.Nasa china ang papa nyan. Nung ipinag bubuntis ko si ace ay nalaman ko na ikakasal na ang papa niya sa babaeng gusto ng magulang nito. Kaya umuwi ako dito sa pilipinas. At simula ng araw na yun ay pinutol ko na rin ang kaugnayan ko sa kanya.
Bakit di mo na lang sinabi sa kanya na buntis ka. Tanong niya sa akin.
Isang kilalang tao ang pamilya nila ping. At ayaw ng magulang niya na ma involve sa kung anoman tsimis ang pamilya niya. Ng malaman nito na ako ang babaeng gusto ng anak na ay pinalayo niya ako kay ping.
Pilit niya akong binabayaran ng malaking halaga. Pero kahit isang kusing ay wala akong tinanggap.Diko na napigilan ang pag tulo ng luha ko.
Mahal ko si ping. Pero gumawa ng paraan ang mama niya at nagtagumpay ito na sirain ang tiwala sa akin ni ping. Nag pakasal ito sa babae na di niya inalam ang dahilan o kung ano man ang ginawa ng ina niya sa akin. Umuwi akong maysama ng loob sa kanya at itinaguyod mag isa si ace. Pero kahit pilitin ko na kalimutan siya ay siya pa rin ang laman ng puso ko.
Pasensya ka na kung nailabas ko sayo ang ganitong problema.
Oke lang.Alam mo napakabait mong tao kaya malabong di mag kagusto sayo ang mga lalaki. Pag sasabi ko sa kanya ng totoo.
Ano ka ba lulu wala na akong balak mag asawa.
Wag kang mag sabi ng tapos hope. I know na meron lalaking di mo inaasahan na darating sayo.
Kung meron pa ngang ganun. Salamat pero pag wala na oke lang.Nakangiti nyang turan
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
My Childhood Crush Book 2
RomansaGinawang inspiration ni prince ang pag kawala ni happy. Naniniwala sya na kung nasaan man si happy ngayon ay proud syang makita lahat ng naabot nya at ng mga kaibigan nito. Lalo si joy.. Pero sa lahat ng nakamit niya ay pakiramdam nya ay may kulan...