Tips Kung Paano Maging Pogi

3.9K 24 1
                                    

Tips Kung Paano Maging Pogi

Magkaiba ang gwapo at pogi. May mga ipinapanganak na gwapo, pero kung ipinanganak ka lang, pag-aralan kung paano maging pogi. Ito na yung mga tips:

1. Respetuhin ang sarili pati ang mga babae. Kung may criteria man ang kapogian, yan ang may pinakamalaking percentage.

2. Sense of Humor. Maganda yung palagi kang nakakapagpangiti ng tao kasi masaya kang kausap, may sense na, may humor pa. Kaysa naman, gwapo ka nga, para ka namang poste.

3. Tandaan mong mas lamang ang mabait at karespe respetong pangit kaysa sa GwaGo, Gwapong you know.

4. Magpaka-gentleman kahit labag sa kalooban. Kahit hindi mo type. Kahit sa matanda. Kahit sa buntis. Kusa mo na lang matutunan kapag unti-unti mong sinubukan.

5. "Kung sino pa ang walanghiya, siya pa ang pinagpapala." Hayaan mo, sa umpisa lang yan. Mga gwapo kasi ang nananalo sa umpisa, ipagpatuloy mo lang ang pagiging pogi, dadaloy din ang ginhawa.

6. Um-effort. Ang mga bagay na madali mong nakukuha ay ang mga bagay na madali ring nawawala sayo.

7. Wag dumiskarte nang sabay-sabay sa iba't-ibang babae. Wag mong ipaglaban ang "More entries, more chances of winning."

MasterIstoker
2012
Faculty of Engineering

The UST FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon