"Bakit ka wet?"
Naglalakad ako palabas ng campus. Pagkalabas ko sa gate dumiretcho agad ako sa tambayan ko. sa bilihan ng mga tuhog, kwek kwek, fishball, isaw at kung anu ano pang pampa highblood.
Di pa ko nakakalapit sa tuhugan ng makita ko ang isang babae, estudyante din siya pero basang basa siya. Nagtaka ako kase mainit naman ang panahon tsaka di naman umulan nung umaga hanggang hapon kaya nilapitan ko siya.
Ako: Miss, pwede magtanong?
Siya: Ano yon?
Ako: Bakit ka wet?
Tumahimik siya bigla at tumingin sakin tsaka tumawa ng malakas, hindi pala tawa yon, halakhak na yon. Halos maiyak na yung babae sa kakatawa. Nung una di ko ma-gets kung bakit siya tumawa akala ko siraulo ng babaeng yon ng napag-isip isip kong mali yung words na ginamit ko sa pagtatanong kaya sa sobrang hiya ko tumakbo nalang ako papalayo sa kanya pero di pa ko nakakalayo ng sumigaw yung babae.
Siya: Cristy!
Ako: Huh?
Siya: I'm Cristy!
siguro naman may idea na ko sa ending nito? Ayun, di ko padin alam kung bakit siya basa.
BINABASA MO ANG
The UST Files
Ficțiune adolescențiRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.
