Everything was perfect

2.2K 14 0
                                    

Everything was perfect. 3rd anniversary natin that night. We were going strong. Well, at least that's what I thought. We were so in love. And fck, you kissed me. Nag-"I love you" ka pa nga sakin nun. Pakiramdam ko, ako yung pinakamasayang babae nung gabing yun. Then...
"Magpapari ako."
Funny how two words can easily destroy a person. Parang biglang naghang yung paligid ko for 1 second.
Tumawa ako. Akala ko kasi nagjojoke ka lang. Minura kita, hinampas pa nga kita eh, pero hindi ka sumagot, di tulad ng dati na makikitawa ka lang din. You were serious.
Hindi ko kinaya. I walked out. No, I ran. I couldn't stay anywhere near you, kasi pakiramdam ko sasabog ako. Umalis ako. Wala akong pake kung maglakad ako pauwi. I just have to get away from you.
Nagalit ako sayo nun, kasi pakiramdam ko binigla mo ako. Hindi mo man lang naisip kung gaano kasakit yun para sakin. But I couldn't stay mad at you.
Ilang araw akong umiyak at hindi makalabas dahil lahat ng nakikita ko, nagpapaalala sayo. Hindi ko alam kung paano pa ko mabubuhay.
Niyaya mo akong makipagkita sayo, para makapag-explain ka sakin, pumayag ako, kasi umasa ako na sasabihin mo na joke lang yun, o kaya nagbago desisyon mo, na narealize mo na hindi mo ako kayang iwan. Pero hindi pala.
"Believe me. I love you. But I want to serve God."
"Someday, you'll find someone na hindi ka iiwan."
Mas lalo pang nadurog yung puso ko. Umiyak ako. Inisip ko na pwede ka pa rin namang magserve sa Kanya nang hindi nagpapari diba? Pero di ko sinabi yon. Di kita pinigilan. I didn't beg for you to stay. Ayokong pilitin ka na magstay nang dahil sa awa. Gusto kong kung magsestay ka sakin, magsestay ka kasi yun talaga yung gusto mo. Ayokong maging selfish.
It's been 4 months since that night, and hanggang ngayon, hindi pa rin ako makamove on. Sinusubukan kong bumalik sa dating buhay ko. Mahirap pala kapag nawala yung isang bagay na nakasanayan mo na. Nasanay ako na nandyan ka. We were in the same hs together and we entered UST together. Minsan kapag naglalakad ako, parang sobrang lamig ng kamay ko kasi wala ka na para hawakan ako.
Sana okay ka dyan sa seminary kasi ako hirap pa rin akong magmove on. May mga nanliligaw na sakin, pero ikaw pa rin yung hinahanap ko. Umaasa pa rin ako na magbabago isip mo.
But I'm still open to the possibility na someday, makakahanap din ako ng taong mamahalin ko tulad ng pagmamahal ko sayo. And maybe that time, natanggap ko na lahat. But whatever happens, you'll always be my greatest love. I'll always love you.

The UST FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon