Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Girls, do think of this before you complain about your boyfriends

3.2K 50 2
                                        

Girls, do think of this before you complain about your boyfriends.

Let me describe my boyfriend. Hindi siya romantic. Hindi sya showy. Hindi siya ma-effort pagdating sa mga pakulo pag monthsary, ganun. Hindi siya yung tipong magpopost sa facebook na nakatag yung pangalan ko. Hindi siya yung tipong maguupload ng picture naming dalawa, kahit nakablur (gawain ng iba jan) dahil hindi kami legal. Hindi niya pa ako pinakikilala sa parents nya kahit mahigit one year na kami.

Ako? Medyo okay naman kami sa buhay. Minsan nabibili ang mga luho, kumakain ng higit tatlong beses sa isang araw, para lang maimagine nyo. Lumaki ako na laging may nakahain na pagkain sa hapag, na nakikipagkamay sa mga prominenteng tao sa gobyerno. Pero hindi kami mayaman. Wala akong taga-laba, nagtutupi ako ng sarili kong hinigaan at damit. Nagji-jeep araw araw. Naglalakad.

Itong mga bagay na to ang dahilan kung bakit minsan nalilimutan ko na mahirap ang boyfriend ko.

Kanina, nag-away kami. Sinabi ko na kanya na naiinggit ako sa mga kaibigan kong babae. Na araw araw sinusundo. Dinadayo pa sa Dapitan. Na paglabas sa gate, may naghihintay na surprise. Punong puno ng sweet messages at pictures ang Facebook. Sabi ko sa kanya, hindi naman kailangan na mahal. Hindi kailangan na bongga. At sinend ko sa kanya ang picture na ito:

http://t0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTlzwKdB4LFIwlfYSdOzxCWouqaf7KTTIBSJgxIU1aLIE0ZgyVP

"what guys dont understand is that when we say we want flowers, you don;t have to spend $50 on roses. you could pick up simple ones in a field and show up to surprise us. when we want a sweet message, it doesnt have to be 5 pages long. it can simply say "have a good day pretty." and when we want surprises, just show uo with a $1 candy bar and tell us you love us"

And he replied: "Sorry, hindi ako tulad ng mga lalaking yun. Hindi ko nagagawa kahit yung mga yan para sayo. Sorry kung lagi ka nalang naiinggit sa mga kaibigan mo..."

Then he sent this picture:

http://38.media.tumblr.com/8dceeb33bca3439e9ab1c0a20365fc59/tumblr_n7lkc3dF4j1qikb7qo1_500.jpg

It's a jar filled with change that's labeled "too see HER."

and said "That's what I do everyday, b. Para makita lang kita kahit isang beses sa isang linggo..."

Sobrang nakonsensya ako. Hindi ko inisip na isinasantabi niya yung pagkain para makaipon ng pamasahe para masundo lang ako sa Dapitan. Tapos nun iisipin ko pa na "Hindi man lang ba kami kakain?" without thinking na baka hindi talaga sya kumain sa araw na yun para lang makasama ako. Minsan tumitingin ako ng bouquet ng bulaklak pag magkasama kami, paramdam lang sa kanya, and I would see sadness in his eyes. But he doesn't say anything. He would just hold my hand, smile, and say, "Tapos ka na tumingin? Tara na." but I know deep inside, nakokonsensya sya kasi hanggang tingin lang ako sa ganun. Minsan pa binigyan niya ako ng teddy bear. Naisip ko, anniversary namin tapos itong maliit na teddy bear lang na ito? (Cute naman. Haha.) Tapos nalaman ko na ilang linggo siyang di naglunch kahit na whole day ang pasok nya para lang maafford yun.

Pero napag-isip isip ko, napaka swerte ko kasi kahit ang babaw ko, hindi niya parin ako iniiwan. Kahit minsan nanliliit siya sa mga salita ko, mahal parin niya ako. Kahit pares sa daan at fried isaw lang ang kinakain namin, sinusubukan nya paring gawin yun na good experience para sa akin. Minsan talaga, nakakalimutan natin yung essence ng "pagmamahal" dahil naghahanap tayo ng mga bagay na mas "mahal" kaysa sa kayang ibigay satin ng mahal natin. Na hindi natin naaappreciate yung mga bagay na mayroon tayo dahil kumpara tayo ng kumpara sa kung anong mayroon ang iba.

Para sa boyfriend ko, salamat lang ang masasabi ko. Dahil kung ibang tao ang naging boyfriend ko, malamang matagal na akong single. Napaka unselfish mo. Wala kang bisyo. Napaka patient mo sa akin. Napakaswerte ko sayo. Mahal na mahal kita. Sorry kung minsan nagiging judgmental ako. Kung nagiging materialistic. Pero at the end of the day, I will always come back to you. I love you.

tulips
2013
Faculty of Arts & Letters

The UST FilesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon