don't let go. please, just don't
"ganito pala yung feeling. akala ko oa lang yung iba.
sobrang takot na takot akong mawala siya. oo, nabuhay ako noon kahit wala siya. pero alam niyo yung feeling na, nakuha mo na yung pinakagusto mo sa buong mundo. yung hindi ka magsasawa kasi habang tumatagal mas naaappreciate mo siya. yung wala ka nang mahihiling pa, kasi lahat ng hanap mo nasakanya na. tapos malalaman mo nalang one day na kailangan na siyang bawiin sayo.
sa tuwing yakap ko siya, ayaw ko na mag let go. naiinis pa ako kasi lagi niyang sinasabi na lalaban nalang siya para samin until maka move on na ako at makahanap ng iba. kaso hindi eh, siya lang talaga at hindi ko kakayanin nang wala siya. kaso kapag ipinagpatuloy lang din naman niya ang paglaban, sobrang mahihirapan naman siya. at hindi ko din kakayanin na makitang nasasaktan siya. sh*t lang talaga! siya na yung gusto kong makasama habang buhay eh. bat kasi hndi pwede? db pag naibigay na, dapat wala nang bawian?
naalala ko pa
(non-verbatim)
siya: alam mo babe, gusto ko maging langit. para mabantayan kita palagi. umaga man o gabi.
ako: pwede bui, kasing ganda kasi ng mukha mo yung sunrise lalo na pag masaya ka. tapos pag tanghali naman yung seryoso at gutom pero gwapo mong mukha. pag gabi naman yung very calm at inaantok mong mukha. tapos pag umuulan ... yung malungkot at nasasaktan mong mukha... pero bui? parang mas maganda ata pag ikaw yung bui ko na yayakapin ko bago ako matulog, yung pinagmamasdan ko pagka gising, db? bui kailangan ba ganun ka kalayo?
siya: babe, alam mo naman na ayaw ko tlgang iwan ka diba? kaso darating tlga tayo dun eh. kaya nga hanap muna tayo ng proxy ko, gusto ko yung mamahalin ka ng higit pa sa kaya ko. tska gsto ko lagi ka din nakangiti ha? kahit hndi na ako yung magiging rason ng pag ngiti mo babe, magiging masaya parin ako. nasabi ko na bang ang ganda ganda mo pag nakangiti ka?
hayy bui, mahal na mahal na mahal na mahal kita. wag na wag mong kakalimutan yan. hndi naman ako magagalit kung hndi mo na tlaga kayang lumaban. pero, sana kasi pwedeng ako nalang eh. ako nlng sana yung lalaban para satin. sana ako nlng yung nakakaramdam ng sakit. sobra sobra na kasi yung mga nagawa mo eh. sa sobrang pagmamahal din na pinaramdam mo wala na akong mairereklamo. sana masuklian ko manlang yun muna. pasenxa na din kung magulo ako mag-isip, pero bui, pwede bang hold on ka muna? kailangan tlga kita, kailangan ka namin ni baby lalo na pag labas niya, pls? i love you ng so so so so so much!
#SayNoToCAncer"
Sky needs a miracle
200*
College of Commerce and Business Administration
BINABASA MO ANG
The UST Files
Ficção AdolescenteRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.
