4nL@mi6 b3H

2K 13 0
                                    

4nL@mi6 b3H

"Pasakay ako ng FX nun papuntang UST. Nagtataka ako pagka bukas ko ng pinto nung FX eh nag smile si kuyang taga *insert university here* na supposedly eh makakatabi ko. Edi ako keber lang alangan namang harutin ko kasi nginitian ako tangina hindi naman ako naghahanap ng ka-sparks.

So fast forward, nung nakarating na ko sa school, edi lakad ako ngayon papuntang building namin. Nagtaka na naman ako kasi bawat maka salubong kong tao e ngumingiti sakin. Edi ako napaisip ako anong meron sakin bat nila ako nginingitian? Tas yung isa sinabihan pa kong, ""Hi ate parehas tayo ng bag"" (sabay smile siya). Naisip ko tuloy, hindi kaya sobrang chix ko ngayong araw na to kaya ganito? Edi punta ako ngayon sa CR para magsalamin mamaya nag transform na pala ako into a dyosa or something.

AYUN PUTANGINA PAGKAKITA KO SA SARILI KO SA SALAMIN BUKAS PALA UNIFORM KO. Dalawang butones lang ang naka kabit, yung pinaka taas at yung pinaka baba lang. Tas wide open yung uniform ko sa gitna. Tangina lang sobra, kaya pala nginingitian ako, kaya pala anlamig din. Parang gusto ko na lang magkulob sana sa cubicle ng CR sa kahihiyan na naranasan ko nung araw na yun.

Mga putragis na mga nakasalubong ko nung araw na yun, hindi niyo man lang ako sinabihan! Dat sa inyo binibigyan ng semestral pakyu eh!

Kaya sa mga nakakabasa nito, sabihan niyo naman mga nakakasalubong niyo kung bukas ba uniform nila. Baka kasi isipin nila sobrang chix nila o kaya naging dyosa na sila kaya sila tinitignan. Yun lang KTHXBYE."

Wewe
2013
Faculty of Engineering

The UST FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon