My Mom Is As Cool As Elsa
Pauwi na ako at may mga kelangan akong bilhin para sa assignment and activities namin sa accounting. Tutal wala rin akong kasama sa bahay, dumaan na ako sa SM para bumili ng kelangan ko at kumain na rin. Sinamahan ako ng isa kong kabarkada nung HS na lalaki. Taga-UE kasi siya so parehas kaming sa Legarda sumasakay. Katulad ng nakasanayan,nagtext ako sa nanay at tatay ko na may bibilhin ako at sa SM na ako kakain.
Nanay: Sinong kasama mo ?
Ako: Si (insert pangalan ng kabarkada ko) po.
Nanay: Ahem ehem. Uyyyyy. Hahaha. Sige lang, pakabusog. Lagot ka kay (insert ex-gf nung kabarkada ko na nagseselos sa'kin nung sila pa). Hala ka! Jejeje
Ako: Nye, Nanay naman. Sinamahan lang ako kasi tamang tapos din ng klase niya.
Nanay: Osige na sige na. Ingat, baka mapagkamalang kayo Jokiejokie. Hahah. Bye!
Ayun, ang swerte ko lang sa Nanay ko. 'Yung tatay ko ganyan din. Di nila ako ini-encourage mag-boyfriend pero di rin nila ako pinagbabawalan. Sila pa 'yung nang-aasar Hindi sila sobrang strikto pero hindi rin sila ganun kaluwag at ramdam ko 'yung tiwala nila At dahil diyan, NBSB ako. Pag-aaral muna 'no?
P.S. Sana 'yung ibang parents ganito. 'Yung hindi lang sila magulang kundi kaibigan din. Kasi po, the more na hinihigpitan nang sobra ang mga anak niyo, the more na nagiging rebelde. Tiwala lang po. At dun naman sa mga anak, 'wag niyong sirain ang tiwala ng mga magulang niyo sa inyo
Precious Princess
2013
AMV-College of Accountancy
![](https://img.wattpad.com/cover/21692046-288-k261553.jpg)
BINABASA MO ANG
The UST Files
Fiksi RemajaRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.