"POST-IT"
Isa sa mga favorite kong tambayan sa UST lalo na pag lunch time ay sa Tokyo Tokyo sa may Car Park. Sa 5 days straight kong may pasok, siguro 3 days dun di pwedeng di ako pupunta dun. One time nung kumain ako ng lunch, dun sa inupuan kong table may isang pad ng post-it akong nakita. Mukha naman syang maayos pa. Yung tipong nakalimutan lang siguro nung owner. Di naman talaga ako yung type na titingnan pa yun. Pero dahil na din siguro sa tagal nung order ko, binasa ko yung post-it. May mga list ng art materials na nakalagay, mga assignments and doodles, so inassume ko na CFAD siguro yung may ari nun. Ang cute nung pad kasi merong parang paper flip cartoon sa lower right. Naisip ko di lang artistic yung may ari, ang sipag pa. haha! Anyway, Ayun dumating na din sa wakas yung order ko. So nung ibabalik ko na sa table yung post-it pad nakita ko sa likod may name.
Pag uwi ko, Hinanap ko yung name sa facebook. Di ko din maintindihan bakit may nagtutulak sakin na hanapin pa yun. Nacurious lang siguro ako sa kanya. Di ko sya nahanap sa facebook (baka hindi searchable account nya). Nakita ko sya sa twitter. Ayun, CFAD nga. Ang ganda nya. (Di naman sa nag-aangat ako ng bangko ha, pero bagay naman kami... though di agad pumasok sa isip ko yan noon. Yung post-it lang talaga ang agenda ko nun). Tinweet ko sya asking if she lost a post it pad. Kaso di nagreply. Isip isip ko, ang sungit nya. Sayang effort ko. Pero for some reasons, finollow ko sya.
The following week I tweeted her again. And again, wala pa ring sagot. A week after, naglunch ako sa Tokyo Tokyo. Puno that time pero may isang table na isa lang naman yung nakaupo, so nakishare ako ng table dun sa girl. Familiar sya. Nung napatingin sya sa akin, napadouble look sya na parang naconscious. So di ko na sya tiningnan. Nung tapos na syang kumain, dun lang pumasok sa isip ko na eto yung babaeng may ari nung post-it!!! Kaya pala napadouble look sya, baka nakilala nya din ako. Di ko sya agad natandaan kasi nakacivilian sya. At kung sa picture ang ganda nya, sa personal.. ang ganda ganda nya talaga! Nung palabas na sya, tinawag ko sya sa name nya. Nilapitan ko sya at nagpakilala sa name ko and sinabing nasa 'kin yung post it nya. Tumalikod ako sa kanya para kunin yung post-it sa bag ko. Pero bago ko ibigay sa kanya, naisip kong ilagay din yung number ko sa likod nung pad. Tae, tinamaan na nga yata ako dito. Pag bigay ko sa kanya nagsmile sya at nagthank you. Tumalikod na sya nun pero lumingon ulit at nagsmile! Swerte ko naman! Grabe sa ganda ang araw ko nun.
Pag-uwi ko sa bahay. Mga 9 na ng gabi ata yun, nagtext sya!!! Nagthank you ulit. We exchanged conversations. Nagsorry din sya sa pangssnob nya sakin sa twitter. Di daw kasi sya yung type na nakikipagusap lang basta basta sa kung sino. Pero dahil daw sa effort ko at hindi pag give up kahit "post-it pad" lang yun, nagtiwala na din sya sakin. Naging close kami at niligawan ko sya. Naging kami. Naging close din ako sa family nya. Gusto ko kasi kung magiging kami, legal kami para makita nya at ng parents nya na seryoso ako sa kanya. Ngayon more than 2 years na kami. Bilis ng panahon. At sobrang mahal na mahal ko pa rin sya. Wala na kong nakikita pang iba na makakasama hanggang tumanda ako. Sya lang talaga.
Ako yung tipong hindi naniniwala na may pupuntahan ang isang relasyong nagsimula sa pagiging "strangers". Sobrang labo kaya nun at sobrang hirap pa. PERO NOON YUN. Itong story namin ang bumago sa pananaw ko. Yun pala, Love can blossom anywhere. Minsan nadadala lang tayo ng mga negative what ifs natin, kaya hindi nagwwork. Pero kung mahal mo talaga sya at lahat ng tungkol sa kanya kahit ang mga tao sa paligid nya, hindi imposible ang forever.
Babe, alam ko nagbabasa ka dito. I love you so much! I'm so proud of you... of us! hahaha. I love you so much.
LalakingNaniniwalaSaForever
2010
College of Commerce and Business Administration
BINABASA MO ANG
The UST Files
Novela JuvenilRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.