"TANGANG GF"
Ngayon ko lang naramdaman yung ganito, yung minumura ng boyfriend, daig pa parents ko kung murahin niya ko. san ka naka kita ng ganun dba. sinasaktan niya ko, everytime na magagalit siya sinasaktan niya ko, kapag nasa public place kami patago pa. yung kukurutin niya ko sa braso. literal na kurot. hindi JOKE. as in KUROT, yung kurot na bumabaon tapos nagsusugat. napapansin nga ng friends ko, sabi ko nlng sumabit ako. tapos meron pa, dati sa sobrang inis niya sinampal niya ko, take note dahil lang yun sa like ng isang guy sa fb. JUSKO,
Hindi ko din maisip kung bakit ako pumayag na paulit ulit niya ko masaktan, ako tong si tanga, konting sorry niya lang sakin ok na.
pero dumating sa point na hindi ko na talaga mapapatawad yung ginawa niya, sinampal niya ko, tapos sabay dura sa mukha ko, sa sobrang inis niya. wala akong ginagawa sakanya nun, nagselos lang siya dun sa guy na nag comment sa fb ko. HELLO?! comment lang yun, ni hindi nga ako nag comment back. sa ginawa niyang yung talagang naiyak ako wala pang gumagawa sakin nun. parents ko nga hindi ako pinapalo.
ngayon nakikipag break na ko sknya kasi nga di ko na kaya, ayaw niyang pumayag na makipag break. tawag ng tawag hanggang ngayon, text ng text. HOY IKAW LALAKI KA! TIGILAN MO NA KO! ALAM MO KUNG SINO KA! MAY GANA KA PANG TUMAWAG AT MAGTXT SAKIN?!!!! PAGKATAPOS NG GINAWA MO! HINDI NA KO MAGPAPAKATANGA SAYO! PASALAMAT KA HINDI KO SINABI PANGALAN MO DITO! MATAKOT KA SA KARMA!

BINABASA MO ANG
The UST Files
Fiksyen RemajaRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.