I broke up with my boyfriend today.
I saw it coming. Nagde-deteriorate na kasi yung relasyon namin for the past three months, minsan nalang kami mag-text, minsan nalang mag-usap. Naramdaman na rin niya na wala na talaga, kaya nag meet kami sa carpark kanina, sa kotse niya. Ito na talaga.
Pero walang nangyari. Wala saaming nag-salita. Tinignan lang namin ang isa't isa, naghihintay. Yung pintraktis ko na sasabihin biglang nawala sa isip ko, tinignan ko lang siya. Hindi siya mukhang masaya, hindi rin siguro ako mukhang masaya. Lumipas ang mga minuto nag-salita siya
"Ang ganda mo parin. Sorry hindi ako naging mabuting boyfriend"
Bigla akong naiyak, nakakalungkot yung kinahantungan namin, yung dating masayang pagsasama nauwi sa ganito. Hindi kami nag-away, walang tampuhan or selosan. Parang bigla nalang naglaho yung relasyon namin at yung mga memories na kasama dun, yung break-up lang kanina yung nagsilbing paalala na nagkaroon ng 'kami'.
At ngayon wala na.
Summer
2012
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
The UST Files
Fiksi RemajaRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.
