Bakit?
Di to tungkol sa sparks pero sana pagaksayahan nyo ng oras para basahin. Baka sakaling may matutunan kayo.
Sana, Ikaw na lang yung namatay
Sa lahat ng tao sa mundo, siya ang pinaka kinasusuklaman ko. Siya yung taong pinapanalangin ko gabi gabi na sana mamatay na! Ng dahil sakanya, namatay ang nagkakaisa isang taong naging karamay ko sa lahat ng problema kinaharap ko.
Seventeen years old ako ng namatay ang daddy ko. Bakit? Dahil lang naman sa leche at napakawalang kwentang kong nanay! Kung hindi dahil sakanya, dapat buhay pa ang tatay ko ngayon. Sana, sya na lang yung namatay. Tutal, wala naman siyang kwentang ina. Di sya naging mabuting nanay saming magkakapatid. Yung malanding yun? Dapat binabaon sa lupa! Bwisit!
Di ko pmakakalimutan ang itsura ng tatay ko ng makiya niyang nakikipagyakapan ang walang hiyang nanay ko sa ibang lalaki. At ang mas hindi katanggap tanggap dun, na yung kayakapan ng malandi kong nanay, ay ang nagiisang matalik na kaibigan ng tatay ko. Halos mabaliw ang tatay ko dahil dun. Araw araw, mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa bago ko ipikit ang aking mga mata sa gabi, away at bangayan nila ang naririnig ko. Nakakasawa. Pinagbantaan ko pa sila na kung hindi sila titigil sa pag aaway nila, eh magpapakamatay ako sa harapan nila. Iyak ako ng iyak araw araw, gabi gabi.
Tumigil sila sa pag aaway. Naging okay na ang lahat. Hanggang sa nagloko nanaman yung peste kong nanay. Pero ngayon, di na sya nahuling nakikipagtalik sa BESTFRIEND ng tatay ko. Iba na ngayon, nakikipaghalikna naman sa KAPATID ng tatay ko. Lecheng buhay to! Lecheng nanay to! Bat sakin pa sya binigay? Muhing muhi ako sakanyaa! AT sa pagkakataong yun, di ko alam kung anong pumasok sa isip ng tatay ko. Pumunta sya sa kusina ng bahay namin. At kagaya ng madalas na napapanuod sa mga palabas, kumuha sya ng kutsilyo. Kitang kita ko ang takot sa mukha malandi kong nanay at ng hinayupak kong tito. At ako? Iyak lang ng iyak sa sulok. Di ko na alam kung tatay ko pa ba ang nakikita ko nun. Pinagsasaksak nya ang tito ko. Ang nanay ko naman, walang magawa kundi ang tumayo at panuorin lang ang pagpatay ng tatay ko sa tito ko.
Napakadaming saksak. Nagkalat ng dugo. Di ko alam kung totoo bang nakikita ko. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata at pumikit ako at nagdasal na sana, hindi totoo lahat ng nakikita ko. Na sana magising ako sa masamang panaginip na ito. At sa pagdilat kong muli sa aking mga mata, wala akong ibang nagawa kundi ang muling umiyak ng umiyak ng umiyak. Nauubusan na ko ng hininga dahil sa pag iyak ko. Patuloy lang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pinipilit kong isiksik sa isip ko, na hindi ko ama ang nakahandusay ngayon sa harap ko.
Pagkatapos lahat ng yun, nakulong ang nanay ko. Ni isang beses, di ko PA sya dinadalaw. Ayokong makita ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng ama ko.
Hanggang isang araw, may natanggap akong tawag. Natanggap ko ang balita. Namatay na sya. Oo. Yung walang hiya kong ina, sa wakas namatay na. Tuwa ang naramadaman ko nun. Sobra sobra. Ibinalita ko ang balitang iyon sa mga tita ko (mga kapatid nya). Iyak sila ng iyak.
Isang linggong nakaburol ang nanay ko sa bahay namin. Maraming bumisita. At nakiramay. Hanggang sa huling araw, kinausap ako ng tita ko. Yung panganay sa kanila. Nagkwento sya tungkol sa kapatid nya, ang nanay ko.
Hindi ko napigilang umiyak sa mga nalaman ko. Hindi ko kinaya ang mga ikinuwento ng tita ko. Sobrang nanghina ako sa nalaman ko. Hindi pala talaga ang nanay ko ang nangloloko. Kundi ang tatay ko. Lagi daw syang may dinadalang babae sa bahay tuwing nasa eskwelahan ko. Nakikipagtalik sya sa iba't ibang babaeng dinadala nya. At ang kaawa awa kong nanay, nanunuod sakanila habang ginagawa ang kahayupang yun. Gusto kong magwala ng malaman ko yun. At yung mga inakala kong panloloko ng nanay ko, hindi totoo lahat ng yun. Inutos lang din ng tatay ko yun sa nanay ko para pagmukhain syang masama. Pinagbantaan nya rin ang nanay ko na pagsasamantalahan nya ko kung hindi aakitin ng nanay ko ang tito at kaibigan ng tatay ko.
Sobrang sama kong anak. Sana ako na lang pala yung namatay. Sana hindi ko pinakulong ang sariling ina. Sana sinabe nya sakin habang maaga pa para napakita ko kung gaano ko siya kamahal. Sana hindi na lang ako nagmatigas. Sana hindi ko na lang pinakitang matapang ako kapag nakakaharap ko sya. Edi sana, sana buhay pa sya. Sana di ko panairal pagiging matigas ng ulo ko. Sana. Kase, mahal na mahal na mahal ko sya.
PS: Pacomment na lang po if maganda syang POV ng character ko sa Wattpad. Tanks po.
PPS: Salamat sa time nyo sa pagbabasa. Sana may nakuha kayong aral. Mahalin nyo magulang nyo hanggang kasama pa natin sila dahil hindi natin alam kung hanggang kelan na lang natin maipapakita ang pagmamahal natin sakanila. Sa may mga conflict sa mga magulang nila dyan, sana magkaayos na kayo at paulit ulit kong sasabihin na hanggang nandyan pa kayo, hanggang nandyan pa sila, ipakita at iparamdam nyong mahal mo sila.
Screen Name
Not from UST
AMV College of Accountancy
BINABASA MO ANG
The UST Files
Teen FictionRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.
