Matamis na Oo
Naalala ko pa nung nililigawan pa ako ng boyfriend ko. We would usually talk until early morning about any random thing that would pop out in our minds. Nasahigaan ako habang kausap ko siya, at siya naman nasa ibang lugar malayo saakin. Isang gabi, it was already 2:30 in the morning and we were still talking.
Ako: (name), inaantok na ako kaunti.
Siya: Ah sige lang (name). Kantahan nalang kita tapos ipikit mo nalang ang mga mata mo. Ako na magbaba ng phone.
Nakapikit na ang mga mata ko. Kumakanta siya ng kung anu ano, pati Christmas songs kinakanta niya kahit August palang. Sa totoo lang, hindi maganda boses niya, pero ang importante may effort diba?
Siya: Nakatulog ka na ba (name)?
Ako: *tahimik*
Siya: May sasabihin sana ako. (Name), mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babae na minahal ko ng ganito.
Ako: *tahimik pa din at naririnig ko siya pero inaantok na talaga ko*
Siya: (name) will you be my girlfriend?
Ako: *humilik ng malakas*
Siya: Ay, tulog ka na pala. Next time nalang kita tanungin ulit. Haha. Ang cute cute mo kahit humihilik ka.
It wasn't the sweetest answer that I would give him that time. Eventually, tinanong niya ulit ako at sinagot ko na siya. Hanggang ngayon ganito pa kami. Sabay matutulog sa phone. Kinakantahan niya ako. Tinutulugan ko sa gitna ng conversation namin at humihilik ng malakas. May recording nga siya eh. Haha.
Anyways, kahit LDR kami naniniwala kami na balang araw magsasama na kami at makapiling sa isa't isa. Susubukan namin magka-forever kasi naniniwala ako everyone deserves it. "
Tinulugan
2012
College of Science
![](https://img.wattpad.com/cover/21692046-288-k261553.jpg)
BINABASA MO ANG
The UST Files
Teen FictionRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.