Papa's girl

2.7K 16 0
                                    

Papa's girl

One month ng nakalipas simula nung nagbreak kami. Almost 3 years din kami.

Today, iyak ako ng iyak. Tinext ko si mama at si papa na papuntahin siya dito kasi namimiss ko na siya. First time kong umiyak sa kanila dahil sa lalaki.

Pero tinext ako ni papa, sabi niya,
"Alam kong mahal mo siya pero wag mo siyang iiyakan. Kailangan mo siyang tiisin, hindi mo dapat siya hinahabol. Kung mahal ka niya, pupuntahan ka niya, alam naman niya kung saan ka nakatira. Kung gusto ka niyang makausap, itetext ka niya, alam naman niya number mo. Kung natatakot or nahihiya siya samin, kaya niya kaming harapin kasi mahal ka niya. Maganda ka at may pinagaralan ka, marami pang lalaki jan. Mahal na mahal ka namin, andito lang kami. Magpray k palagi."

At andito si mama sa tabi ko,
Inaway ako ng inaway. Kasi hindi naman siya nagkulang ng payo sakin. Ako lang talaga yung matigas ang ulo. At ang paulit ulit na sinasabi ni mama sakin "kung kayo, kayo."

At nagkwentuhan na kami ng love story ni mama at papa.

Kaya sa mga iniwan ng bf/gf nila. Okay lang yung iyakan sila, pero once na iniyakan mo na, tama na. Move on. Sobrang daming nagmamahal sayo. Friends and family at kung kinakailangan mo ng kausap, anjan si God, anytime nakikinig sayo.

Nagpapakatanga
2014
College of Commerce

The UST FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon