Pako
One time naglalakad ako sa may dapitan tapos pasakay ako ng jeep, nung pagkasakay ko may isang gwapo na FEU Student so tumabi ako sakanya pero di naman ako pahalata hahaha! Nahuhuli nya na tumitingin ako sakanya tapos nilabas niya yung phone niya. Oo, nakita ko may nagtext. Tapos ako naman, eto usisera! Nakikibasa! Hahaha tapos ayun nung tumagal, biglang bumanat si kuya ay! Sabi niya, "miss, pako ka ba?" Sabi ko, "ako?" Sabi niya, "sino pa ba? Baka may iba pa akong katabi?" Napahiya ako dun ah! Sabi ko naman, "ah eh, bakit?" Sabi ni kuya.. "Ano muna name mo?" So sinabi ko yung pangalan ko tapos bumalik ako dun sa pick-up line, sabi ko, "oh ano na, bakit?" Tapos sabi niya..
"KASI ANG SARAP MONG PUKPUKIN NG MARTILYO, kanina ka pa tingen ng tingen" tapos bigla siyang bumaba ng jeep.
PUTA AKALA KO MAY SPARKS NA, PUKPOK PA NG MARTILYO NAKUHA KO PUCHA NAMAN.
pero after ilang days may friend request ako sa facebook, tiningnan ko yung profile, siya yung lalaking nakasabay ko sa jeep. Nung una ayaw kong i accept, kasi binara niya ako nun. Pero hindi ko matiis e, wala e, pogi! Hahah! Ayun, nag chat kami, kamustahan tapos tanungan ganun =)) haha! Tapos hanggang sa sabi niya na biro lang yung pick-up line na sinabi niya sakin sa jeep, hanggang sa nagkikita na kami sa may Dapitan ng madalas, sabay sumasakay ng jeep, sa wakas! Eto na yung sparks! Akala ko pukpok ng martilyo yung makukuha ko, pero hindi, baka magkaroon pa ng chance dahil dun sa pako pick-up line!
Plot twist: nagkagusto siya sa kaibigan ko nung sinama ko yung kaibigan ko nung makikipagkita ako sakanya sa Dapitan <//3
Pukpok pa more!
Faculty of Arts and Letters

BINABASA MO ANG
The UST Files
Teen FictionRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.