My forever you

2.7K 36 3
                                    

My forever you

I was always this girl na may checklist regarding sa mga hinahanap ko sa boys. Sobrang immature, oo, pero minsan kasi nakakatulong din. Hahaha. So ganito, yung mga nauuna sa list ko eh, matangkad, gentleman, sporty, may fear of God and sana yung mas matanda sa akin para mas mature.

But mga 4 years ago, I met someone who's almost my ideal guy. As in yung karamihan sa checklist ko, siya na yun. Siguro mga nasa 85% ganun. So we were very happy, sobrang nagclick personalities namin. But nung tumagal, sobrang nag-iba siya. Naging immature, to the point na isusumbat na niya sa akin lahat ng mga nabigay niyang regalo or mga libre niyang lunch or dinner. Naging sobrang selfish din siya, hindi ko na nakikita friends ko kasi gusto niya siya nalang lagi kong kasama. So yun, we broke up after a 2 years.

Wala na akong naging boyfriend after him. Sabi ko, tatapusin ko muna mag-Law. But then I met someone... Someone younger, someone na di pasok sa height requirement ko na 5'10... Basta madaming wala sa checklist ko. But sa ugali, he's everything I wanted. Sobrang caring at sobrang gentleman. And eventually, na-fall ako. So habang 2nd year na ako sa Law School, 1st year proper niya palang ng Dentistry sa isang school sa UBelt (2008). Mahirap nung una kasi sobrang busy namin pareho, but we make it a point na magkikita kahit twice a week. Akala ko magiging magulo kasi nga mas bata, feeling ko mas immature sa akin... Pero hindi, sobrang naiintindihan niya pag MIA ako, pag nirereject ko mga lunch or dinner niya... Basta magkasama kami pag special occasions and we never missed a Sunday together, kahit sa UST lang. Ayaw niya kasing di ako nakakapagsimba, kahit pa puyat ako o walang tulog. Hind rini siya yung puro cliche dates, yung movie-dinner ganun. He's makes it a point na memorable lahat, first date namin nag-laser tag kami. Hahaha! Dun ko narealize na maturity doesn't depend on the age of a person.

He's someone that's not on my checklist, someone I never wanted, but someone I needed. Hi babe!! Happy 62nd Monthsary (08-06-2014)!! I love you and I miss you everyday. I'll visit you later, okay? Got your favorite pizza!! Plus flowers and blue candles (It's his 6th death monthsary) Hindi man naging forever yung lovestory natin, but it was a happy ending for you (that's what he told me kasi magkasama kami nun cos it's our monthsary). And you'll forever be in my heart. Love you!!

The UST FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon