Hi. I'm from the College of Science. I just want to share this story of mine.
Mayroon akong kaklaseng babae na sobrang crush na crush ko at unti unti akong nafall sa kanya hanggang sa niligawan ko na siya. Eventhough she's way out of my league naglakas loob parin akong ligawan siya. Mga 6 or 7 months ng panliligaw ko sa kanya nakaroon ng improvement!! NagHHWW na kami. Pumapayag siyang ikiss ko siya sa cheeks etc. Yung parang kayo na pero walang commitment. And then one time nagkausap sila ng isa kong kaklase na mejo malapit din sakin at tinanong siya nung kaklase ko kung bakit di pa niya ako sagutin? Eh masaya naman na si girl sa akin. Ang sagot ni girl sa kaklase namin "Hindi pa kasi ako fully nakakamove on sa past ko. Oo masaya ako sa kanya pero at the end of the day yung past parin naiisip ko" (btw, iniwan siya nung past niya na sobrang ikinawasak ng puso niya). Nung nalaman ko na di pa pala siya gaanong nakakamove on sa past niya, I doubled my effort. Gusto kong makalimutan niya yung past niya at ako na yung nakikita niya.
Nung pang 8th month na ng panliligaw ko away bati kami. Ako lahat may kasalanan pag nag-aaway kami. Di ko magawang magalit sa kanya kasi pag nagalit ako sa kanya wala siyang pakialam. Alam niyo yung feeling na kahit magalit ako wala siya paki kasi di naman siya natatakot na mawala ako sa buhay niya. Pero kapag siya ang nagalit sa akin hindi ako mapakali sa gabi at takot na takot na baka mawala siya sa akin. Sobrang unfair daw non sabi ng mga kaibigan ko. Hawak ako sa leeg ni girl na kung gusto nya ako awayin gagawin niya. She's moody. Magkatext kami sa gabi, okay pa siya. But after a few minutes magsusungit. Minsan pa ang masakit minumura niya ako. Pero tinitiis ko yun. Pag nagsungit siya o nagalit sakin (kahit kadalasan siya naman talaga ang may mali) sorry agad ako. Wala na ngang ibababa yung PRIDE ko eh. Babang baba na.
And on the 11th month ng panliligaw ko, nagkaroon kami ng napakatinding away. Sobrang tindi. Pinatigil na niya ako sa panliligaw ko at nagpalit siya ng number. Dinelete ako sa FB etc. Pero di ako sumuko at hindi ako tumigil hanggang sa nalaman ko na nagkabalikan pala sila ng ex niya. Sobrang nadurog ang puso ko non. Iyak dito. Iyak don.
After a couple of months tinanggap ko nalang na wala na si girl at masaya na sya sa boyfriend nya. Pero kahit tanggap ko na ganon, mahal ko parin siya at hindi ako tumingin sa ibang babae.
Nakagraduate na kami sa UST at may trabaho na kami. And I just found out na nagkahiwalay na sila ng ex niya na naging ex ulit. At sobrang nabuhayan ako ng dugo nun kasi pwede kong itry ulit na ligawan siya. Pero kamalas malasan lang kasi nalaman ko na may sakit akong Leukemia na Stage 4 na. And bilang nalang ang mga araw ko sabi ng doktor ko, kaya hindi ko narin binalak na ligawan siya ulit..
To that girl, sana makita mo yung lalaking magmamahal sa'yo ng totoo at maging masaya ka sa kanya. The days spent with you were the best days of my life. Di ako nanghihinayang sa mga ginawa kong efforts at surprise para sa'yo. Kasi everytime na ngumingiti ka, sobrang heaven ang pakiramdam. Mahal parin kita hanggang ngayon. Pero I guess it's too late. And ayokong ligawan ka ulit at baka maging tayo tapos iiwan lang din kita dahil sa sakit ko. Mas mabuti nang ganto.-Leukemia
College of Science 2008
BINABASA MO ANG
The UST Files
Подростковая литератураRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.