HINDI LANG KAMI TEACHER!
Nakakainis! yung ganitong scenario:
Others: Uy! ano program mo?
Me: BSE
Others: ano yun?
Me: Bachelor in Secondary Education
Others: ai teacher? teacher lang?
ANAK NG PATOLA PO! bakit po ba laging may "lang"? ang sarap kalmutin ung mukha pag ganun. Yung expression ko lang noon is ngiti-ngiti pero sa loob-looban ko, sinusunog ko na sila sa impyerno.
Take note: Wag niyo po nila-LANG ang teaching profession! Sa college of education, hindi basta basta ang OBD namin! at hindi lang sa Nursing o Architecture o kung saan pa mang kurso uso ang "walang tulugan". Sa amin din noh! Naghahanda kami ng husto para maging isang mahusay ng guro sa mga estudyante para pag laki nila, lalaki silang may alam. Hindi lang naman academics ang focus ng mga teaching professions ee, pati values! kahit mahirap ituro ang values.
Pakitandaan lang aa, walang nurse, walang doctor, walang engineer, wala lahat kung hindi dumaan sa kamay ng mga guro kaya please lang! pakitanggal ang "LANG"!
pasensya na hindi ako galit haha nakakairita lang talaga ang "teacher lang"
#USTFThoughts
Tatak Educ
2013
College of Education
BINABASA MO ANG
The UST Files
Teen FictionRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.