Gamer
Simula bata pa ako, mahilig na talaga ako sa mga games. Mapa PS1, Gameboy, laro sa PC. Lahat ng gaming console nalaro ko na at lahat ng sikat na games, sinubukan ko na rin. Babae nga po pala ako.
Ang huli kong kinaadikan na laro ay LoL. Mas bet ko siya kesa Dota kasi mas cute yung mga champions. (PA-BABAE KUNO). I gained friends over the internet, yung mga madalas kong nakakalaro sa iba't ibang online games, nakakalaro ko rin sa LoL. May nakaclose akong isang guy, as in sobrang close namin. Yung friendship namin parang nahubog sa totoong buhay at hindi lang sa internet. Hephephep! Wala kaming sparks. Kaibigan lang talaga. Hahahaha!
Then one time, may sinali siya sa laro namin. Ang baba ng level, newbie. Haynako. Bagong bubuhatin. Medyo mabigat na nga tong kaibigan ko, nagdagdag pa ng kapwa heavyweight. (FEELING KO MAGALING AKO E). Inis na inis ako nung una kasi napaka wala niyang alam. Wala rin siyang background sa Dota. So no idea talaga siya. Anong klaseng lalake to? Lagi kaming natatalo kasi napaka pabigat niya. E ayaw kong natutulog ng hindi nananalo, so napupuyat ako makatikim lang ng panalo.
Tapos biglang isang araw, nagchat sakin tong friend ko. Magkita raw kami, isama raw niya yung pabigat niyang kaibigan, si Heavyweight. So sige, okay lang. Nagkita na kami dati nung friend ko, pero since matagal tagal na rin simula nung huling kita namin, pumayag na lang din ako.
We decided to grab lunch together sa greenbelt na lang pati para wala masyadong tao. Then the day came, malayo pa lang yung friend ko, namukhaan ko na siya. At may kasama siya, si Heavyweight. SHIT! Ang gwapo! Ang tangkad! Ang bango tignan! Lalakeng lalake! HINDI TO MAAARI! YUNG AANGA ANGA NA SHYVANA SA LOL ETONG LALAKENG TO?! Nalaglag na lahat ng pwedeng malaglag. Pero siyempre kunwari wala lang. Ganda gandahan ako. Una kong banat sa kanya "Ah eto pala yung pabigat." At ang sagot niya "Ah eto pala yung puro ugat na kamay kakalaro ng LoL." NAINIS AKO. Pero kinilig din. (LANDI KO)
To cut the story short, boyfriend ko na siya for 3 years. Nag improve na siya maglaro ng LoL kaso pabigat pa rin.
Sona
CFAD
2008
BINABASA MO ANG
The UST Files
Teen FictionRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.