"Party"
One time umattend ako sa party ng high school friend ko. Di naman siya inuman na party. Though may booze, pizza & barbeque party talaga yung trip. Yun na nga, pumunta ako sa house nila. E nung time na yun di ko alam ano suotin ko, eh diba nga sabi nila pag di mo alam ang susuotin, sa UST shirts kumapit. Pero ako at that time, UST jacket yung sinuot ko. Nung andun na ko, naubos energy ko sa kakatawa at kakadaldal sa mga high school friends ko. Nameet ko din yung iba pang friends nung friend ko na nag-aaral sa iba't-ibang colleges & universities. Sa kakatawa ko, tinanggal ko muna jacket ko kasi mainit, e naka black tshirt naman ako. After ilang hours magstay dun, umuwi na ko kasabay yung ilang friends. Nakalayo na kami sa house nung friend ko nung narealize ko na naiwan ko yung UST jacket ko. E kaisa-isang UST jacket ko lang yun so medyo special. Tinext ko yung friend ko. Sabi nya hahanapin nya daw. Nasa house na ko yung jacket pa din iniisip ko. Then I received a text.
Friend: Uy, nakita ko na yung jacket. Kaso binigay ko dun sa isang friend ko na taga UST din para maibalik agad sayo.
Me: Naku nakakahiya naman. Pwede naman ikaw na lang. Baka nakaabala pa ko dun sa tao. M ba yan o F?
Friend: Wag ka nga. Mabait yun. M.
(Medyo kilig unti kasi M daw. Baka ito na to)
Friend: Kita daw kayo sa tapat ng Arch bukas ng 9:00 am. Yun lang time na available sya. Sabi ko nga bigay ko na number nya sayo kaso ayaw.
(Nasa isip ko naman bakit ang aga naman makipagkita at tapat talaga ng arch ah. Pero sige na nga.)
Me: Ok pasabi sa kanya.
The next day andun na ko sa arch nagaantay. Di rin nagtagal may lumapit sakin at sya pala yung friend ni friend. May kagwapuhan pero mukhang antipatiko. Nagthank you naman ako sa kanya. Sya parang walang reaction. Akala ko spark na.
A few days after that naglib ako, sa humanities. Ewan ko ba bakit ang lamig lamig nung time na yun e naiwan ko jacket ko. Pinipilit ko magreview para sa quiz pero inaantok ako sa lamig. Maya maya may nagbalot ng UST jacket sakin. Pagtingin ko, nakita ko si guy na nagbalik ng UST jacket ko. Yung itsura ko syempre gulat.
Siya: Kung hindi naiiwan yung jacket kung saan-saan, nakakalimutan naman magdala. Paano ba yan, alagaan na lang kaya kita?
Eventually naging kami rin. At dahil yun sa jacket. Di ko na sasabihin kung gaano na kami katagal o kung ikakasal na kami. Basta bumili na din kayo ng jacket. hahahaha
Tomasina
BINABASA MO ANG
The UST Files
Novela JuvenilRead more at The UST Files https://www.facebook.com/USTFiles I will update more as long as I can. But not now, I'm too busy with my studies and stuffs.