Kabanata 4
HiddenNAKASPREAD out ang buhok ko nang pumasok ako sa una kong klase upang takpan ang ginawa ni Warren sa collar bone ko. Pero hindi iyon napansin ni Mystique nang maupo na agad ako sa proper seat ko. Dali-dali siyang sumugod at tinulak ang seatmate kong si Fred Climaco paalis sa bangko nito bago niya chineck ang katawan ko.
“Tsk.” inis na sambit ni Fred bago iritang umalis, pero hindi iyon napansin ni Mys dahil busy siya sa pagcheck sa akin, “Okay ka lang ba?” concern na tanong niya.
Tumango ako agad at saka tipid na ngumiti sa kaniya, “Okay lang.”
Pero agad siyang umiling na ikinakunot ng noo ko. “No. You can’t be okay. Nagstay ka sa place ni Warren Asis. Imposibleng okay ka. . .” takhang tanong niya bago hinila ang aking braso upang i-check ito. “Impossible. . .” bulong pa nito na agad ko namang ikinatawa.
“Okay lang ako, Mys.” awkward na sabi ko habang pilit kong iniiwas ang ayos ng buhok ko sa harap, para hindi niya mapansin. Huwag lang sana siyang magkakamaling pansinin ang buhok ko at yayain akong magbraid o kung ano man. Huwag lang ngayon, Mys.
“New look ka ngayon ‘a!”
Napatikom na lang ako ng bibig. Kasasabi ko pa lang ‘e.
“Eh?” sambit ko naman, medyo tumaas ang boses ko at saka ay awkward na tumawa ako sa kaniya. Agad naman siyang tumayo na ikinagulat ko.
Shit.
She’s not going to braid me, is she?
Pero laking ginhawa ko na lang nang malamang babalik na pala siya sa upuan niya dahil may professor na.
BALI na lang ang kabang naramdaman ko sa Political Science nang may kasama si Sir Glene na isang estudyante pagpasok niya sa room namin.
Sino pa ba? Hindi na ko magugulat.
Si Warren Asis.
Nagpapalipat daw ito ng oras dahil natatamaan ang shift niya, ‘e kailangan niya ang pera sa trabaho niya upang pambayad sa mga kinakailangan sa eskuwela. Agad nag-offer ang mga babae naming kaklase patungkol sa pera, na hindi naman pinansin ni Warren. Expressionless ang mukha niyang nakatingin sa likod ng kuwarto, sa pader.
Napangiwi na lang ako. Hindi naman yata siya nagtatrabaho ng iba bukod sa fist fighting diba? So, anong kalokohan ang sinasabi niya ngayon? Para ba magkaroon kaming dalawa ng klase na magkasama?
Damn, so lame. So pathetic.
Sa likuran ko siya pinaupo ni Sir Glene. Napangisi siya nang dumaan siya sa harap ko dahil napansin niya ang ayos ng buhok ko, pero napairap na lang ako sa kaniya.
Stupid skunk, hindi ka na makakaulit sa akin!
Ilang sandali pa noong nagdidiscuss na si Sir sa bago na namang lesson nang bigla ay may parang kung anong sumipa sa pwet ko na ikinairita ko pero hindi ko na lang pinansin.
Huwag lang siyang gagawa ng hindi maganda, talagang sasabog ako dito at aatakihin ko siya.
Nakarinig ako ng pagkalaglag ng ballpen sa sahig pero ayaw ko itong lingunin dahil makikita ko siya.
Ayaw ko siyang makita.
Pero laking gulat ko na lang ng may humaplos sa bewang ko galing sa likod. Galing sa ilalim ng mesa, na nagpakilabot sa akin. Agad akong nilingon ng seatmate ko.
“Okay ka lang?” tanong ni Fred, bored ang mga mata nito sa likod ng kaniyang malaki at makapal na salamin nang makitang nakanganga na ako dahil sa paulit-ulit na paghaplos ni Warren sa bewang ko.
Sa mismong balat siya humahaplos. . . in short, sa loob ng uniporme ko. Para akong maiihi sa pinaghalu-halong kiliti, kaba, at nginig, pero agad na tinanguan ko lang ang table mate ko. “Okay lang ako, Fred.”
Gayon na lang ang ginhawang naramdaman ko nang sa wakas ay umalis na ang kamay niya. Hindi ko pa rin makuhang lumingon. Pakiramdam ko ay nang-aasar siya sa akin.
Ayaw ko siyang tignan.
Ayaw kong makita ang ginagawa niya, lalong lalo na ang kaniyang mukha.
Akala ko naman ay tapos na siya sa ginawa niya pero agad na lumitaw ang paa niya galing sa likod at agad niyang nirest iyon sa butas ng upuan na pinagdaanan niya ng kaniyang kamay kanina. Isinandal lang niya ang paa niya doon, nakatabi sa balakang ko.
Hindi ko mapigilang hindi maghyperventilate kahit na nakasapatos pa siya. Hindi ko alam kung bakit. Ang lakas ng dating niya sa akin. Nag-iinit na ang mukha ko sa hindi malamang dahilan.
“Okay ka lang ba talaga?” at last, concern na talagang tanong ni Fred sa akin na agad ko lang namang iningiti sa kaniya. “Okay lang ako.”
Dumako ang aking paningin kay Myst na kanina pa pala titig na titig sa akin. Naririnig siguro niya ang maya’t mayang pagtatanong ni Fred sa akin kung okay lang ako. Tipid ko lang siyang nginitian upang hindi niya mapansin ang nangyayari sa ibaba ko.
Kapag natapos talaga ang klase na ito, papatayin ko si Warren Asis.
BINABASA MO ANG
Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)
RomanceShe is his blood-priced pearly possession. Matapos makabanggaan ni Charline Meneses, isang gorgeous in dress-and-pearls, Arts and Letter student, sa isang fist-fighting ground ang pinaka malakas na underground fighter na si Warren Asis o mas kilala...