Wakas

2.2K 44 6
                                    


"CHARLIE, come on." ngumiti si Warren sa akin bago binuksan ang pinto ng kaniyang truck.

"Where's the twins?" agad akong luminga-linga upang hanapin ang kambal, bago ko hinigpitan ang pagkapit ng jacket sa aking katawan. Masyadong malamig ngayong gabi, bukas rin ay pasko na.

"Pinauna ko na sila, masyadong maraming bibitbiting regalo para sa mga bata." sagot ni Warren, hinihintay pa rin na pumasok ako sa loob ng truck. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya bago ako pumasok sa loob upang maupo sa shotgun seat.

Hindi maalis ang kaniyang maya't mayang paglinga sa akin habang nagdadrive siya, dahilan upang mapahinga ako ng malalim.

"Warren, you know it's just a one-time thing." sambit ko nang tila hindi siya titigil sa maya't mayang pagsulyap sa akin habang nagdadrive siya.

"Why? Are you bothered?" painosenteng sambit na lamang niya. Agad ay naipurse ko ang aking mga labi.

If it weren't for the promise I gave to Sister Fely, noong bumisita kami ni Warren dito sa Orphanage, I wouldn't be here.

Iniisip ko tuloy kung paanong nagkakasayahan na ang lahat sa bahay nila Mys sa pagsalubong sa Pasko, habang ako ay stuck sa kotse, kasama si Warren. Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga.

"Fine, I'll stop." mahina ang boses ni Warren nang sabihin niya iyon, ngunit tama lang para marinig ko.

Tapos, buong biyahe ay naging tahimik na kami. Hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon.

"Warren, anak!" masayang salubong ng madre sa amin pagdating namin sa pinto ng Orphanage. Tapos may pagkalokong siniko siya ng madre na tila ba inaasar, hindi ko alam kung tungkol saan.

"Charlie, hija." ngiti naman ng madre sa akin nang lumandas na ang kaniyang tingin papunta sa akin. "Merry Christmas sa inyong dalawa. Nandoon na ang kambal."

Pagpasok namin, sumalubong sa amin ang mahabang mesang puno ng mga pagkain. Nandoon nga sila Gabby at Danny habang nagpapalaro sa mga bata. Nakita ko ang dalawang malaking supot sa tapat ng christmas tree, na kagaya ng dala naming supot ni Warren.

"Warren, hijo." may biglang tumawag kay Warren, dahilan upang agad akong mapalingon. Nakita ko ang isang sopistikadang babae na kasama ng isang naka-amerikanong lalaki.

"Good evening po." bati ko babae na agad namang ngumiti sa akin.

"Where's dad?" tanong agad ni Warren sa babae nang makita niya ito. Napaisip tuloy ako kung sino ang dalawang matandang taong nasa harap ko.

"I don't know, son. We're not talking a lot lately." napakibit-balikat na lamang na sambit ng babae bago lumapit kay Warren at saka ito binigyan ng yakap.

Napangiti ako nang malamang nanay pala ni Warren ang nasa aking harap. At halata sa mukha nito ang pagmamahal sa anak. Hindi kagaya ni mama. How I wish I was lucky enough in life to have a wonderful family, or even just a mother, like his.

Ngunit bumagsak ang ngiti ko nang makita ko ang discomfort sa mukha ni Warren nang yakapin siya ng kaniyang ina. Agad niya itong inalis at walang emosyong sinabing, "Don't hug like you miss me, when you don't even have an eye to see how I was doing here before."

Agad nangunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi ni Warren sa kaniyang ina.

Anong ibig niyang sabihin sa you don't even have an eye to see how I was doing here before?

I thought it was Wren who grew up here, not Warren?

What is this all about now?

"Warren, honey, are you still pulling that issue on me?" tila sumuko nang sambit ng ina sa kaniyang anak. Nanatili akong nakapako ang mga paa sa aking kinatatayuan, inoobserbahan sila.

Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon