Kabanata 32
Betrayed Once Again"WE'RE here." bulong ni Warren sa aking tainga, nang maitigil na niya ang engine ng gamit naming sasakyan.
Hindi pa rin ako dumilat, dahil napapagod ako, at gusto ko pa munang umidlip kahit sandali lang. Iniingganyo ko ang sandaling malayo kami ni Warren sa campus.
It's so different.
It feels like we're different persons.
It feels like we are somehow free.
But then suddenly, he sort of like blew off my ears, at napasigaw na lamang ako sa gulat sa pumasok na hangin sa loob ng aking tainga.
"Bad boy!" singhal ko sa kaniya na ikinatawa niya bago dumapo ang kaniyang labi sa aking mga labi. "But you like it." he said against our lips, and then he bit my lower lip. Napahagikgik na lamang ako sa ginawa niya. Trying to be sexy as hell, when he is already, kahit wala siyang gawin.
Bumaba na ako sa truck at saka tinignan ang lugar na pinuntahan namin.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga nang makita ko ang lugar.
Same old fences.
Same old bermuda grasses.
It's like, it was just yesterday when we ran away.
"Warren, we're here." bulong ko sa kaniya at saka ko siya nginitian ng pagkalaki-laki. "Thank you." mahina ko pang bulong. Tapos ay tinulungan ko na siyang ilabas ang mga pinamili namin na nilagay niya sa likuran ng truck na dala namin.
"Come on, I know you haven't gone inside yet." ngisi ni Warren sa akin at saka hinawakan ang aking kamay. Habang sa magkabilang free hand namin hawak namin ang mga plastic na may laman ng aming mga pinamili.
Hinayaan ko siyang hilahin ako papasok sa looban.
"Warren!" bati ng unang Madre na sumalubong sa amin.
Tuwang-tuwa itong makita si Warren.
"Nako, anak, Warren, sino ang kasama mo?" tapos ay nilingon ako ng madre at saka lumawak lalo ang ngiti nito.
"Ikaw ba ang anak ng mga Meneses?" namimilog ang bibig ng madre sa gulat nang tila mamukhaan ako. Agad akong napangiti sa kaniya.
"Charlie, ho." pakilala ko naman.
"Ako si Sister Fely. Sa Noche Buena, gusto naming dumalaw kayong dalawa, ha?" ngisi pa ng madre.
Agad akong ngumiti at saka sinabing, "Opo naman po, kahit maaga pa ang bati." natatawang tugon ko.
"Ang kambal?" tanong pa ni Sister Fely, ngunit hindi na nasagot pa ni Warren dahil sa isang batang nagtatakbo upang salubungin si Warren.
"Kuya Warren!" sigaw agad ng isang batang maliit at saka yumakap sa hita ni Warren. Napangiti si Warren at nagpatuloy sa paghawak ng aking kamay at sa aming paglalakad, habang nakatungtong sa kaniyang sapatos ang paa ng bata at saka ay nakayakap ito sa kaniyang hita. Natawa ako sa kaniyang hitsura.
Inilagay namin sa malaking mesa ang mga pinamili namin ni Warren tapos ay pinanood kong makipag-interact ang mga bata sa kaniya. Lahat sila ay tuwang-tuwang makita siya.
"Ineng," bigla ay may humila sa hem ng aking damit. Agad akong lumingon upang tignan ang isang matandang babae.
"Hello po 'Nay." ngiti ko agad dito pero hinila lang niya nang hinila ang hem ng aking damit.
"Alin po iyon, 'Nay?" ngiti ko sa matanda. Hindi siya sumagot at may tinuro lang sa akin, dahilan upang alalayan ko siya papunta sa kaniyang tinuturo.
"Ano po iyon?" tanong kong muli nang makapunta kami sa kabilang kuwarto. Tinuro niya ang bulletin na puno ng mga naka-pin na certificates.
"Ito, tignan." sambit ng matanda at agad nilapitan ang bulletin board. May itinuro siyang larawan, dahilan upang lumapit ako sa kaniya.
"Ito, Asis, ito." paliwanag ng matanda habang paulit-ulit itinuturo ang picture na naka-pin sa board. Tinignan ko agad ang litrato at nakita ang isang pamilya. Mag-asawang may dalawang lalaking anak na sanggol. Kambal.
"Ano ho iyan, 'Nay? Pamilya niyo ho?" tanong ko agad sabay ngiti sa kaniya.
"Ito, Asis, Wren, Warren." sambit agad ng matanda at saka tinuro ang dalawang sanggol.
"Ano po?" tanong ko agad dahil tila nabingi ako sa aking narinig.
"Warren, ito. Wren, dito. Wren, dito tira. Warren, layo." sambit muli ng matanda sa akin sa mabagal na boses. Agad kumunot ang aking noo. Hindi ko alam na may kakambal si Warren.
Wait.
Si Wren, dito tumira?
Si Warren, sa malayo?
Is that what she's trying to say?
"Warren, Wren, magkaiba." dagdag pa niya sabay iling, "Warren panggap Wren. Dati. Warren sira ulo."
Hindi ko na maintindihan pa ang sinasabi ng matanda, dahilan upang yayain ko na siya pabalik sa hall, upang panoorin ang mga bata, ngunit may isang madre na dumalo sa aming usapan at ngumiti sa akin ng malapad.
"Ikaw ba ang anak ng mag-asawang Meneses?" tanong kaagad ng Madre. Tipid akong ngumiti sa Madre at tumango. "Ikaw iyong nawala dito noon, hindi ba?"
Napatawa na lamang ako sa sinabi ng madre at saka agad na napatango sa kaniya.
"Noong panahong iyon, nandito rin ang pamilyang Asis para bisitahin ang anak nila." ngiti ng Madre tapos ay tinignan ang picture na naka-pin sa board.
"Mabait na bata 'yang si Wren. Lumaki siya dito, hindi niya alam na may kambal siya. Si Warren naman noo'y lagi lamang nasa sasakyang dala ng ama niya. Hindi lumalabas, natutuwa nga ako't ngayon ay siya na ang dumadalaw dito kapalit ng kaniyang mga magulang." paliwanag pa ng Madre.
Agad kumunot ang aking noo.
What is exactly happening here?
"Po? I thought Warren actually grew up here?" tugon ko sa madre, pero agad itong umiling at saka ngumiti.
"Hindi ako magkakamali sa dalawa, kahit kambal sila." pagtawa ng madre sa akin tapos ay muling napangiti sa picture sa bulletin board, "Ito pa ngang si Wren, noong nabubuhay, ay napaka hilig sa candy. Si Warren ang may ayaw, lagi niyang iniiwasan ang binibigay sa kaniya."
Agad akong napatango sa aking narinig at saka ko inexcuse ang aking sarili.
Suddenly, there's another buzzing sound in my ears.
And my head began to throb.
I can't absorb this information.
Kakatapos ko lang malaman ang pagtraydor sa akin ni Mys.
I can't absorb this information.
Warren can't lie to me. He said it was him. He made it clear to me. Hindi niya ako lolokohin. Hindi.
But what if it's not Warren who saved me that time?
What if it was actually his brother, Wren?
Warren, Wren, magkaiba.
Warren panggap Wren. Dati. Warren sira ulo.
Now, I think I am getting the old woman's point.
Bumalik ako sa hall upang tignan si Warren.
Napaka laki ng kaniyang ngiti sa mga bata, pero kumukulo ang tiyan ko sa isiping ginamit niya ang katauhan ng kapatid niya upang makuha ang loob ko. Sa ikatlong pagkakataon ay naloko na naman ako.
"There she is." ngiting sambit ni Warren sabay tingin sa akin, "Charlie, my girlfriend." anunsyo niya sa mga bata.
Lahat sila ay nag-yiee at tila parang mga kinikilig, pero agad bumagsak ang aking labi.
"We're not an item, Warren." sambit ko agad sa kaniya. Nakapurse ang mg labi ko. "There's never an us."
Agad nawala ang mga saya sa mukha ni Warren nang dahil sa narinig niya sa akin, pero hindi ko na siya pinansin. Nagsimula na akong maglakad palabas sa Orphanage. Gusto ko lamang ay ang makalayo sa lugar na ito at makapag-isip-isip.
BINABASA MO ANG
Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)
Lãng mạnShe is his blood-priced pearly possession. Matapos makabanggaan ni Charline Meneses, isang gorgeous in dress-and-pearls, Arts and Letter student, sa isang fist-fighting ground ang pinaka malakas na underground fighter na si Warren Asis o mas kilala...