Kabanata 40
The Disaster"WHAT? Charlie can you even hear yourself?" napasampal na lamang si Danny sa kaniyang mukha nang marinig niya ang sinabi ko.
"Fuck." mahinang napabulong na lamang si Gabby, pero kita ko sa mukha niya ang galit sa akin, na para bang any time soon, bigla na lang niyang i-ga-grab ang leeg ko at saka ako sasakalin hanggang sa mamatay.
Killer eyes.
They wore that, evidently.
I have watched too many killer/thriller movies, hindi ako puwedeng magkamali.
Laki na lamang ng pagpapasalamat ko sa sarili ko at sa library ko sila dinala, dahilan para maging matahimik ang pag-uusap namin. Alam ko nang magwawala si Gabby kapag narinig niya ang mga sasabihin ko.
"You're a traitor. You sold them out, Charlie." napapurse na lamang ng kaniyang labi si Gabby at paulit-ulit na umiiling. "Now, you're doing this to Warren, God, Charlie. How cruel can you be?"
Napapikit na lamang ako ng mariin.
Itinago ko sa kanila ang tungkol sa maaaring kahantungan ni Warren kung hindi siya magsasalita kagaya ko. Pero mukhang kailangan ko rin iyong sabihin upang bumigay na sila at makipagtulungan sa akin.
"He will be jailed, Gabby. Please. I don't want him to go to jail."
"FUCK!" namilog agad ang mga mata ni Gabby sa gulat nang dahil sa narinig niyang sinabi ko, dahilan upang malakas na ihampas ng librarian ang kaniyang makapal na libro sa kaniyang glass table para lumikha ng masakit sa taingang ingay sabay ng kaniyang "Shh!"
Agad na napatutuli na lamang si Danny sa sariling tainga gamit ang kaniyang kamay. Pero hindi napigilan ng simpleng pagpapatahimik librarian ang pag-uusap namin.
"Please, Gabby, Danny, talk to Warren. I'm begging you." mahinang sambit ko sa kambal. "You don't want Warren to end up in jail."
"Charlie, you're so great. You're really an angel, Daniel, can you believe her?" napapailing na lang na sambit ni Gabby, "An angel of death! You only ever bring bad luck to Warren. You're a disaster! And you keep on pulling us together in your own mess!"
"I never inteded to, but it's a disaster, it takes what it can get." mariing sagot ko na lamang sa kaniya dahil sumosobra na siya sa mga pang-iinsulto niya. "And if you're on the way, masasama rin kayo.
Napahinga na lang ng malalim si Danny at saka ay may inginuso sa aking likuran. Dahilan para mapalingon ako.
Nakita ko agad si Warren sa isa sa pinaka malapit na shelf at nakatingin sa amin. Napakagat ako sa aking ibabang labi.
"He heard everything." pagpapaliwanag ni Danny sa akin, malungkot ang mga mata niya, "I texted him, soon as I received your text."
"Yeah, right." disappointed ko na lang na nasabi kay Danny, "Thank you for your optimism, Daniel." napangiwi ko na lang na sambit sa kaniya.
Agad na tumayo si Danny at Gabby pagkasabi ko no'n, kasunod ng mabilis na pag-upo ni Warren sa dati nilang puwesto.
"Una na kami." mahinang paalam ni Danny sabay hila kay Gabby palayo sa amin.
Agad na pumokus ang mga tingin ni Warren sa akin. Napaiwas agad ako ng tingin.
"You heard it already, right?" mahinang sambit ko sa kaniya nang mapagtanto kong wala siyang balak magsalita.
"I'll do it." walang ano-anong sabi niya, ni minsan hindi natanggal ang titig niya sa akin.
Boy, walang kurapan.
He's all eyes on me.
And it's giving me the chills.
"Thank you." mahinang sambit ko pabalik. Tapos ay tatayo na dapat ako nang bigla niya akong hawakan sa aking pupulsuhan upang pigilan.
"Please, stay." mahinang pakiusap niya sa akin. Napalunok ako, tila may bumara sa aking lalamunan nang sabihin niya iyon.
"Yeah, of course." tila kinakapos ang hininga kong sambit. "I'll stay."
Tapos ay binitawan na niya ang aking kamay, at saka ay bumalik na ako sa aking inupuan kanina.
"What happened in Reign's birthday. . ." panimula niya tapos ay bumaba ang kaniyang tingin sa flooring. Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sunod niyang sasabihin.
Hindi ko makita sa mga mata niya, dahil parang malungkot siya.
"Charlie," napasambit niya ulit, tapos ay umangat na ang tingin niya papunta sa akin, mula sa flooring ng library.
"Charlie, I've always to wanted to—"
"Is it done, Charlie? Warren?" bigla ay sumulpot si Digna sa aming harap, dahil upang mapa-shut bigla ang bibig ni Warren. Ang kaninang malungkot niyang mukha ay biglang nawalan ng emosyon. "I'll do it, Digna."
"Thank you, Warren. Come with me, we'll take you at the headquarters first."
Agad napalingon sa akin si Warren. Parang marami pa siyang gustong sabihin, at gusto ko rin iyong marinig, ngunit pinilit kong ngumiti at saka itaas ang aking kamay upang magpaalam sa kaniya.
"See you in another week, Charlie. I'll promise Ursula State will be at peace." bulong ni Digna sa akin, tapos ay pinasunod na niya si Warren sa kaniya.
Ngumiti na lang ng tipid si Warren sa akin at saka na niya sinundan si Digna.
"WHAT'S bothering you, Charlie?" tanong ni Klein sa akin nang humiga na kami sa aming magkatabing kama sa kuwarto namin.
Agad akong napailing at saka siya nginitian. Hinihiling ko na sana ay hindi na siya muli pang magsalita. Gusto ko na lamang ay isang mataimtim na ilang minuto, dahil ilang oras na lang at may dadating na namang mga Bad Boys para sa line-up namin ni Becklein. Pero ngayon ay magkalahati kami buong gabi, dahilan upang matapos ng maiksing line-up ko, ay kay Klein naman.
"I've heard them talking downstairs," panimulang muli ni Becklein. Naipikit ko na lamang ng mariing ang aking mga mata. Will she ever stop?
Ngunit agad pumasok sa aking isipan ang limang salitang sinabi niya na agad ay kukuha ng aking atensyon.
"About what?" tanong ko agad at saka idinilat ang aking mga mata upang tabunan siya ng tingin.
"They say Digna's a traitor, and Grainne ordered the Bad Boys to put hidden cameras on Barnaby's Barn after what happened to you there. They don't know what's on the hidden cameras yet, all I'm hearing is Digna's a traitor."
Tila halos humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan sa nakirinig kong sinabi ni Becklein.
I can barely even breathe.
Hindi ko magawang makapagsalita. May malaking lump sa aking lalamunan na sumakop na yata dito dahilan upang hindi ko magawang maglabas ng kahit isang salita.
But I can think of something.
We are doomed.
BINABASA MO ANG
Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)
RomanceShe is his blood-priced pearly possession. Matapos makabanggaan ni Charline Meneses, isang gorgeous in dress-and-pearls, Arts and Letter student, sa isang fist-fighting ground ang pinaka malakas na underground fighter na si Warren Asis o mas kilala...