Kabanata 42
Goodbye"OH, goodness gracious, Charlie!"
Nakarinig ako ng malakas na pagsigaw nang maidilat ko na ang aking mga mata. Ngunit malabo ang aking paningin at tila mga madidilim na ulap lang ang nakikita ko.
"Charlie." narinig ko ang bulong ni Meira tapos ay may biglang dumagan sa akin.
Ikininurap ko ang aking mga mata upang makapag-adjust ito sa liwanag at madidilim na ulap na nakikita ko.Doon ko napagtantong ang madidilim na ulap pala ay ang mga pigura nila Meira.
Agad kumunot ang noo ko nang makita ko silang lahat na kumpleto sa aking harapan.
Si Meira.
Si Santi.
Si Harold.
At si Mystique.
Na tila ba hindi nangyari amg mga kakaibang nangyari noong nakaraan.
Dahil nandito kaming lahat at magkakasama pa rin. Na parang kailan lang ay nagdisband ang aming grupo.
Nakita ko ang pag-aalala sa kanilang mukha. Gusto ko na lamang umiyak at saka sila yakapin.
Naupo si Santi sa kabilang gilid ng aking kama at saka hinaplos-haplos ang aking buhok. Tila pinapagaan ang pakiramdam ko at sinasabing nandito sila para sa akin.
Nanatili si Harold na nakamasid. Naghihintay siya ng permission upang makalapit. Ngumiti na lang ako sa kaniya upang ipakitang okay lang sa akin na nandito siya, at okay lang sa aking bumalik na sila.
"How's your wound? May stitch ang tagiliran mo!" nakangusong sambit ni Meira sa akin. "Hindi ka na makakapag-two-piece sa summer!"
Natawa si Santi sa asal ni Meira at saka ito binatukan.
"Tita was here, Charlie. The dean called her. After checking on you, umalis na agad siya." narinig kong pagsali ni Mys sa usapan.
"Mys." mahinang sambit ko sa kaniya nang makita ko siya, bakat pa sa mukha niya ang paghesitate na lapitan ako kagaya ng ginawa ni Meira.
Doon ko napagtantong totoo talaga iyon.
Totoo talagang may sorority at fraternity, tapos ay napasali ako doon dahil binili ko ang kaluluwa ni Warren sa kanila para makalaya siya.
Warren.
Nasaan si Warren?
Agad akong luminga-linga upang hanapin siya. Ngunit wala siya sa kuwartong ito.
May sugat din kaya siya?
Nasaktan ba siya?
Maaari kayang namatay siya sa raid?
Napapikit ako. Pinagdadasal na huwag muna.
"Charlie," naramdaman ko ang kamay ni Meira na humaplos sa aking kamay na may nakatusok na needle ng IV. "You've been unconscious for days, Warren found you on a place somewhere in the middle of the woods."
So, nasa gitna pala ng kakahuyan ang Big Bad Wolves? Gaano kalayo sa Barnaby's Barn?
"Can I talk to Charlie alone, guys?" bigla ay narinig kong sambit ni Mys tapos ay naupo siya sa aking paanan. Nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata, dahilan upang ngumiti ako kila Meira upang paalisin sila sandali.
Muli ay hinaplos pa ni Meira ang aking pisngi bago siya umalis sa aking higaan at saka na itinangay sila Santi at Harold kasama niya palabas.
"Mys." mahinang sambit ko kay Mystique nang kaming dalawa na lamang ang naiwan sa kuwarto.
BINABASA MO ANG
Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)
RomanceShe is his blood-priced pearly possession. Matapos makabanggaan ni Charline Meneses, isang gorgeous in dress-and-pearls, Arts and Letter student, sa isang fist-fighting ground ang pinaka malakas na underground fighter na si Warren Asis o mas kilala...