Kabanata 22

1.4K 42 4
                                    

Kabanata 22
It Was Him


I STARED at the couple kissing while sitting on the thrones provided for them.

It must be them.

The so-called Big Bad Girl and Big Bad Boy.

The Snake Queen, and the Pirate King.

It feels odd—sounding like a cartoon character to me, but their faces are saying otherwise. The looks of terror and superiority, high and royalty.

The Snake Queen is a mestiza. Kulay pula ang kaniyang buhok, pero unlike doon sa babaing announcer noong lumaban si Warren sa underground, iba ang pagkapula ng sa Snake Queen—tila ba natural ito, at nagmukhang rejected o local made lamang ang sa announcer, tila ba isang dyed-wanna be.

Napaka wavy ng kaniyang buhok. Kumikinang din sa glitters ang kaniyang mga mata, she even had a scales make-up na trendy ngayon sa internet. Nakasuot siya ng glittered silver na slim dress. Plakadong-plakado ang mga kilay, makakapal ang kissable na mga labi—she’s like a living Bratz. Tila ay natural din ang makakapal niyang pilik mata, at ‘di ginamitan ng kung anong serum like Santi’s.

The Pirate King on the other hand had a longer hair than Warren, it’s below his shoulders, think, but he tied it up a bit, so I couldn’t actually guess. His hair is jet black, and so his eyes. Same thick lips like Warren’s, but the Pirate King’s like calloused and rough, just like his other features, but so damn attractive. Hindi gumagalaw ang kaniyang adam’s apple na tila ba kontrolado niya iyon. Napaka tangos ng kaniyang ilong, at napaka lalim ng kaniyang mata, hindi dahil sa puyat, talagang malalim lang. But his eyes are like glass. Pakiramdam ko ay mamamatay ako kapag tumingin siya sa akin.

Kumulo ang aking tiyan habang nakatingin sa kanila. Alam ko na agad na ayaw ko sa kanila. Hindi ko kakayaning mapadaan sa harap nila, dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakatawid ng buhay.

Agad kong iniwas ang aking pagtitig nang biglang lumandas ang tingin ng Snake Queen sa akin. Para akong baboy na biglang napalunok. Natatakot na baka ako na ang sunod na katayin.

I never felt intimidated by just looking at me. She simple just look at my direction, and straight to my eyes, she stared at me blankly, but I felt like vomiting.

Nararamdaman ko pa rin ang kaniyang titig sa akin, pero hindi ko kayang tumingin muli sa kaniyang direksyon.

There’s no way I will.

Agad akong tumikhim, tila ako napako sa aking kinatatayuan.

“Hey, Charlie. Come here.” bigla ay may bumulong sa aking tainga. Si Warren. Agad lumubag ang aking loob at hinayaan ko na siyang hilahin ako papunta kung saan.

Hinawakan ni Warren ang magkabila kong kamay paangat at papunta sa kaniyang labi.

“Wish me nine lives.” ngisi niya sa akin bago hinalikan ang mga kamay kong hawak niya. Napatawa ako at hinayaan siyang halikan ang mga kamay ko.

“Promise me, you’ll not let them touch you.” sambit ko bago ko kinuha ang isa kong kamay sa pagkakahawak niya, tapos ay hinaplos ko ang kaniyang kanang pisngi.

"I can’t, Charlie.” bulong niya at saka tuluyang binitawan ang aking kamay, bago niya ipinulupot ang isang braso sa aking beywang at saka ako hinila papalapit sa kaniya, “Don’t make me promise, please.”

Agad bumagsak ang mga mga labi ko at saka dahan-dahang tumango sa kaniya.

“Okay, I won’t.” mahinang bulong ko at saka ko pinilit ngumiti muli sa kaniya.

Binigyan na lamang niya ako ng isang yakap at saka siya napahinga ng malalim.

“Just let me earn a couple more doubloons, and I will be out here. I will not fight again.” bulong pa niya na ikinapikit ng aking mga mata.

Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon