Special Chapter: Sold Long Before (ᴄʜᴀʀʟɪᴇ)

1.7K 36 1
                                    


A bit from the past that I still felt I owed you.

KAPAG sinabi ni mommy na huwag aalis sa car, dapat hindi ako umalis sa car. Alam ko kung paano magalit si mommy, at hindi ko pipiliing simulan siya ngayon dahil sabi ni daddy, matalino daw ako. Smart people will stay quiet.

Smart people will behave.

Marami na rin akong sugat. Yung iba masakit pa. Ayaw kong madagdagan ulit sila.

Palagi kaming dumadalaw nila daddy sa isang malaking kulay puting bahay. Maraming candy doon noong una akong nakapasok. May mga babae na nakaputi, tapos may headdress sila sa ulo na kulay puti din. Maraming krus sa bahay nila. Hindi pa ako nakakapunta sa simbahan, pero nakikita ko 'yon sa T.V. namin. Siguro ganito ang simbahan sa totoong buhay, kasi sabi ni mommy kasinungalingan lahat ng nasa T.V.

Palagi kaming nagsisimba nila mommy sa puting bahay. Pero hindi na nila ako sinasama sa loob magmula noong unang beses akong makapasok doon. Hindi ko alam kung nagtataka ang mga babaing nakaputi. Baka hinahanap ako ng isang matanda. Alam ko kasing natuwa siya sa akin noong makita niya ako. Tapos ay inabutan niya ako ng isang bag ng candy, pero inagaw agad iyon ni mommy at binigay sa ibang mga bata. Bawal daw ako sa candy dahil mabubungi ako kaagad.

Galit si mommy nang tignan niya ako. Malamang kung nasa bahay kami noong panahong iyon ay agad niya akong papadapain sa sahig tapos ay papaluin niya ako ng kahit anong nasa harap niya. Nagpapasalamat ako noon kasi nasa puting bahay ako. Alam ko na kung bakit maraming natutuwa sa simbahan. Kasi naliligtas sila, katulad ko.

Pero kinagabihan, pagkauwi namin, dali-dali akong pinalo ni mommy. Galit na galit siya. Hindi ako nakakain ng hapunan dahil sa galit niya sa akin.

Mula sa malayo, ay tinitigan ko ang puting bahay na nagligtas sa akin dati. Maraming bata sa labas na nagtatawanan at naghahabulan. Gusto kong sumali sa kanila, pero kailangan kong magbehave. Kundi, baka hindi na ako patawarin ni mommy.

May lumabas na babaing nakaputi papalapit sa mga batang naglalaro. Siya 'yong babae na mabait sa akin. Nakita niya yata ako, kasi napatingin siya sa akin. Malungkot ang ngiti niya, tapos ay lumingon siya sa likod niya, bago siya muling lumingon sa akin. Malungkot ang tingin niya. May hawak siyang basket tapos ay dumakot siya doon. Pinaagaw niya sa mga bata ang nadakot niya sa basket.

Napalingon ulit siya sa akin. Pinapanood ko lang siya. Iniangat niya ang kamay niya. Sobrang taas, tapos ay may hinagis siya sa kinaroroonan ko. Alam kong candy iyon. Katulad ng mga pinaagaw niya sa mga bata. Agad akong napangiti at inabangan ang pagbagsak ng candy, kaso ay hindi iyon tumama sa bintana ng car ni daddy.

Walang ano-ano, binuksan ko ang pinto ng car ni daddy, tapos ay hinanap ko kung saan bumagsak ang candy.

Nawala ang ngiti ko sa labi nang makitang bumagsak iyon sa putik. Umulan kasi kanina, hindi pa rin tuyo ang lupa. Kinuha ko pa rin ang candy kahit na madumihan ang kamay ko. Binuksan ko iyon, balot na ng putik ang loob. Gusto ko ng candy.

Dahil alam kong marumi na, inilapit ko na lamang ito sa aking ilong upang amuyin. Hanggang amoy na lang. Hindi na ako makakatikim ng candy.

Naglakad-lakad ako. Hindi ko alam na napapalayo na ako sa car ni daddy. Basta ang alam ko lang ay inaamoy ko ang candy. Maghahanap ako ng mapaghuhugasan ko para makain ko ito. Sandali lang naman nalaglag sa putik. Baka pwede pa to. Wala pang germs.

"Madumi na 'yan," narinig kong may nagsalita kaya agad kong binitawan ang candy na hawak ko at saka ko pinunasan ang kamay ko. Nalaglag tuloy ang candy sa putikan ulit. Hindi ko na yata iyon pwedeng kainin. Dalawang beses na nalaglag.

Puti pa naman ang dress na suot ko. Nadumihan iyon dahil sa kamay ko na may putik.

Lagot na naman ako kay mommy. Malalaman niyang lumabas ako sa car ni daddy.

"Alam ko." sagot ko agad sa batang nagsalita tapos ay sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti siya sa akin. Tapos ay may inangat siyang supot galing sa bulsa niya. "Meron pa akong natira." tapos ay tumawa siya sa akin bago niya ako nilapitan. "Oh," inabot niya sa akin ang kulay stripe na balat ng candy. Kulay pink at kulay yellow. Marami itong heart. Inabot niya agad iyon sa kamay na tila ayaw niya ng candy na iyon.

"Ayan ang ayaw ko sa lahat ng candy. Strawberry at lemon. Hindi masarap. Pambabae." tapos ay pinunasan niya ang ilong niya. May sipon yata siya.

"Salamat," sambit ko sa bata, nakatingin lang ako sa candy na inabot niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang may candy na akong hawak. Nasa kamay ko na iyon.

"Tara, samahan mo ko? Nagagalit ako sa mommy ko." niyaya ako ng bata. Gusto kong pigilan siya kasi baka makita ako ni mommy, pero hinila na niya agad ako paalis. Mahigpit kong hawak ang candy na ibinigay niya. Parang hindi ako makapaniwalang meron na talaga sa aking kamay.

"Gusto mo, 'wag na tayong bumalik?" malaki ang ngiti ng bata sa akin nang tumigil kami matapos ng malayong pagtakbo. Agad akong umiling.

"Papaluin ako ni mommy kapag hindi ako bumalik." sagot ko agad tapos ay lumingon ako, baka nasa likod ko na si mommy.

Binatukan ako ng bata tapos ay tumawa siya ng malakas, "Paano ka papaluin, e hindi ka nga bumalik. Wala siyang papaluin!"

Natawa ako sa narinig ko sa kaniya. Tama pala siya. Hindi ako mapapalo ni mommy, kasi malayo ako sa kaniya. Kailangan ko pang mas maging malayo para hindi na ako maabot ng pamalo niya.

"Anong pangalan mo?" tanong ko agad sa bata, tapos ay humalukipkip ako. Mahigpit pa rin ang hawak ko sa candy na binigay niya.

"Importante ba yung pangalan? Bakit anong pangalan mo?" tanong naman niya sa akin. Sinimangutan ko siya. Ayaw naman niyang sabihin ang pangalan niya. Pero sinabi ko pa rin ang pangalan ko.

"Charry," sabi niya tapos ay ngumiti siya sa akin. Natawa ako sa sinabi niya tapos sinabi ko ay, "Charline," diniinan ko iyong L at N sa pangalan ko na tinawanan lang niya.

"Alam ko." sagot niya lang sa akin. Nakakunot pa ang noo niya. Tumawa lang ako.

"Gusto mo tumakbo tayo? Wag na talaga tayong bumalik. Maghanap tayo ng bahay natin? Magpakasal kaya tayo?" sambit ko agad sa kaniya. Natawa siya sa akin tapos ay binitawan niya ang kamay ko. Singkit ang mga mata niya sa pagngiti.

"Gusto mong maging mag-asawa tayo?" natatawa niyang tanong sa akin tapos ay para na siyang maiiyak. "Marunong ka bang gumawa ng baby?"

"Hindi malamang." sagot ko kaagad tapos ay tinignan ko anh tiyan ko, "Bata pa kaya ako, wala pang mag-gogrow sa tummy ko."

Tumawa ulit siya, "Alam mo ba nong nagpakasal sila mommy at daddy, lumaki yung tyan ni mommy? Kailangan ka lang mabasbasan sa simbahan. Si God magbibigay ng baby sa tyan mo." Tapos ay tinignan niya ang tyan ko, "Maliit pa sayo, ano anak natin ganto kaliit!" tapos ay ipinakita niya ang sukat ng layo ng thumb at pointing finger niya. Natawa ako sa kanaiya. "Papakasalan kita paglaki ko, sige. Bibigyan mo kong maraming candy."

Natawa siya ulit. Napapansin kong puro siya tawa. Siguro masaya sa kanila.

"Hindi, matagal pa 'yon. Bibilhin na lang kita." sabi niya agad tayo ay kinuha ang kamay ko na may hawak na candy. "Yang candy ang bayad ko. Akin ka na ha."

Ngumiti aki sa kaniya at saka tumango, "Edi asawa na kita." tapos ay binuksan ko ang candy at saka iyon inilagay sa bibig ko.

Ang unang candy na natikman ko.

Matamis iyon na maasim.

Gusto ko ng maraming candy na ganon.
Tiniklop ko ang balat ng candy at saka inilagay ko sa bulsa ko.

Paglaki ko, bibili ako ng maraming candy na ganito.

"Masarap diba?" ngiti niya sa akin. Tumango ako kaagad tapos ay niyaya ko na siyang umalis.

Hindi na ako may mommy at daddy.

Magmula sa araw na ito, sa kaniya na ako.

Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon