Kabanata 5

3.4K 92 11
                                    

Kabanata 5
Sealed


“CHARLIE!” bali na lang ang pagyakap sa akin ng may malaking gauze sa mukha na si Harold nang dumating siya sa pwesto namin sa Dining Hall.

Concern is written on his face. Hindi ko maiwasang hindi maguilty dahil hindi ko man lang na-treat ang wounds niya o nakamusta siya kung okay na ba siya.

“Okay na ang sugat mo?” tanong ko sa kaniya bago ko hinaplos ang gauze sa mukha niya.

Tipid lang siyang tumango sa akin.

“Ang pinoporoblema ko ay ikaw. Sinaktan ka ba niya?” nag-aalala pa rin niyang tugon sabay inspeksyon sa magkabila kong braso katulad ng ginawa ni Mys kanina sa akin. Mga kaibigan ko ga talaga sila.

Napatawa na lang ako at saka ay umiling.

“Ano ba kayo? okay lang ako.” napapailing ko na lang na sabi sa kaniya, pero para talaga sa grupo iyon dahil kita ko rin ang pag-aalala sa mga mukha nila, tapos ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Ina-appreciate ko lang ang concern nila sa akin.

“Magstay ka ba naman kasi ng one night sa dorm ng Cerberus.” natatawang sambit naman ni Meiradith Ching, isa sa mga kabarkada ko na kasama namin kagabi. May hint ng Chinese features si Meira, pero hindi siya descent, at hindi rin nagsasalita sa lengguwahe nila. Straight ang napaka itim at hanggang beywang niyang buhok, tapos ay singkit ang mga mata niya. Maliliit ang maninipis niyang labi, tapos ay maliit din ang kaniyang ilong. Tila lahat ng nasa mukha niya ay maliit, maging ang kaniyang height, tapos ay slim din ang kaniyang figure. Mukha siyang Chinese doll.

“Dorm? Hindi ba frat house ‘yon?” takhang tanong ko habang inaalala ang hitsura ng bahay ni Warren, na iba sa mga dormitories ng Ursula State U.

“Hindi.” sabat naman ni Santiago Consuelo, ang bisexual naming kabarkada, pero kapag tumitingin ako sa kaniya, alam kong mas lamang ang babaing puso niya kaysa sa pagkalalaki niya.

“Actually, dorm talaga siya na provided ng Underground Circle. Hindi si Warren ang nagbabayad sa bahay na iyon kundi ang sponsor niya. Hindi iyon dorm ng eskwelahan na katulad ng tinutuluyan natin." dagdag pa ni Santi at bahagyang ngumiti, satisfied siya na nakapagbigay siya ng impormasiyon sa amin. Marami kasi siyang alam, lalo na kung tungkol sa mga kalalakihan ng Ursula State U.

Makakapal ang mga kulay blue (gumamit na naman siya ng mascara na iba ang kulay, mukhang galing kay Mys) na pilik mata ni Santi, alam kong dahil iyon sa serum na pinapatak niya sa kaniyang pilik-mata at kilay. Minsan ay nilagyan na niya si Meira noon at talaga namang effective. Napaka nipis kasi ng kilay ni Meira noon na tila ba wala nang natira, ngayon ay napaka lago na nito na nagpaangat sa features ng kaniyang mukha. Nagpaganda pa lalo sa kaniya.

Kung si Meira ay may hint ng Chinese descent, si Santi naman ay sa Spanish. Pero katulad ni Meira hindi rin siya native, at lalong hindi siya nagsasalita ng Spanish, maliban na lamang sa frequent na pagsabi niya ng “Puta!” kapag nagugulat siya o kung ano mang emosiyon ang nararamdaman niya, na actually ay very Filipino.

Kulot ang makakapal na buhok ni Santi, pero hindi siya tan. In fact, napakaputi ni Santi, tapos ay may freckles siya na nakakalat sa kaniyang kanang pisngi patawid sa kaliwa, na laging kinaiinggitan ni Mystique. Payat si Santi, tapos ay slim din ang kaniyang figure, siya ang tipo ng lalaki na laging nakasuot ng flannel shirts. So comic-guy. Kapag nagtungo ka sa dorm niya sa Hilton Hall (Boys’ Dormitory) at saka mo binuksan ang kaniyang folding closet, makikita mo ang hanay ng walang katapusang flannel shirts na nakahanger doon in different colors. Minsan iyon lamang ang suot niya, pero minsan tila ay isa lamang iyong blazer/jacket, tapos ay may itim o puti siyang t-shirt sa loob.

Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon