Kabanata 20
Pirates' NestKANINA pa natapos ang klase namin. Matapos iyon ay humahangos akong nagpunta sa College of Nursing building upang hintayin ang dismissal nila Halle.
Desidido na akong kausapin siya sa mga nalalaman niya patungkol sa Pirates' Nest at mga doubloons na kagaya ng naikuwento sa akin ni Warren kagabi. Upang malaman ko ang totoo, kailangan ko iyong malaman sa iba pang bibig bukod kay Warren.
Tinignan ko ang suot kong wrist watch upang malaman ko kung anong oras na. Kulay kahel na rin ang mga ulap, pababa na ang araw.
5:56 P.M. ang sabi ng aking orasan.
Hinintay ko ang paglabas ng mga estudyante. Paniguradong pagsapit ng alas sais ay dismissal na nila. Ang official kasi na unang ng klase ay 8 A.M. at ang official na huling klase ay hanggang 6 P.M.
Nagsimula nang bumukas ang entrance gate kasabay ng pagmamadali sa paglabas ng mga estudyante. Kung titignan sa malayuan ay para iyong dalawahang pintuan ng kabinet na biglang nagbukas at saka sumaboy palabas ang lahat ng mga damit sa sobrang kapunuan. Nakakatuwa silang panoorin pawang mga hindi na matagalan pa ang klase at excited na agad umuwi.
Alam ko kung bakit.
Dahil sa tagong party ng Pirates' Nest na gaganapin mamaya pagsapit ng hating-gabi, katulad ng sinabi ni Halle kanina. Malamang ay Fight Night rin ni Warren, dahil ang fist fight ang pinaka highlight ng bawat secret parties ng Ursula State University.
"Charlie!" kaway agad ni Halle nang matanaw niya ako. Bali na lamang ang relief na naramdaman ko nang makita kong mag-isa lamang siya.
"I need your help. Badly." direktang wika ko sa kaniya pagkaabot niya sa akin.
"Woah. Easy there, babe." natawang sambit niya sa akin sabay harang ng kaniyang dalawang kamay laban sa akin.
Napangiti ako, "Okay, I'll calm down." sagot ko agad at saka huminga ng malalim, "Where's Anya, by the way?" tapos ay nilingon ko ang dagat ng mga taong unti-unti nang naghihiwalay. Ang iba ay papunta sa dormitories, habang ang iba ay tila diretso na papunta sa Dining Hall.
"I think she's already on the Dining Hall, may shift siya doon, kapali ng kalahati ng scholar niya. Hindi rin siya pumasok sa last class 'e. Let's talk there, while eating?"
Bigla akong napailing kaagad at saka binigyan siya ng seryosong tingin, "Actually, I want it to be between you and me."
"Okay." sambit niya agad at saka ako tinanguan bago niya ako hinila papalayo sa building.
Nagpunta kami sa likod ng Harren Hall, tapos ay pinaupo niya ako sa mga tila abandunadong benches doon, ang inupuan namin ni Harold noon habang pinapanood namin ang mga bituin sa langit.
"What's this all about?" panimula ni Halle nang maka-upo na kami sa isa sa mga bench.
"Doubloons and Pirates' Nest." sambit ko agad. Lumiwanag ang kaniyang mukha na tila ba ay isa iyong code upang malaman niya ang pakay ko.
"Okay, what about them? You should have some ideas about it since Warren is a fist fighter. Or he doesn't talk about it with you?" tugon niya sa akin.
"That is the reason why I want to talk to you about it," I said, my words seemed rushed, "...because Warren told me about them." I slightly bit my lip, hindi ko alam kung bakit biglang nanginig ang ibaba kong labi. It felt like I was telling her a lie.
Natawa siya at saka napailing, "Maybe he didn't elaborate because he doesn't want you to get involved that much. After all, you're not a part of it, Charlie."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Not a part? After all that happened, hindi pa rin ako parte ng mga hindi ko maintindihang nangyayari?
"Are you?" instead of ranting about it, iyon na lamang ang nasabi ko. Halle shifted from her seat, there's a slight hesitation in her face, "I'm thanking God, I'm not."
BINABASA MO ANG
Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)
عاطفيةShe is his blood-priced pearly possession. Matapos makabanggaan ni Charline Meneses, isang gorgeous in dress-and-pearls, Arts and Letter student, sa isang fist-fighting ground ang pinaka malakas na underground fighter na si Warren Asis o mas kilala...